Chrylei Criox’s Pov Bago matulog kagabi ay nagdesisyon na akong tanggapin at harapin ang tadhana ko bilang parte ng dalawang unang pamilya na namuno sa Attila. Alam kong hindi iyon magiging madali at maraming nilalang ang magnanais na patayin ako pero tulad nga ng sinabi ni Zenia, wala talaga akong ibang pagpipilian. At isa pa, natatakot din ako na baka maulit ang nangyari noon sa Allura. Kung saan mawawasak at mamamatay ang lahat habang ako ay mananatiling buhay at pinagmamasdan silang unti-unting namamatay. Hindi ko na kakayanin pang muli iyon kaya gagawin ko ang lahat upang iligtas ang mundong ito sa kung sino o ano man ang posibleng dahilan ng nagbabadya nitong pagkawasak. Sa loob ng tatlong araw ay wala naman kaming nae-encounter na kahit anong problema kahit pa an

