Chrylei Criox’s Pov Hindi ko magawang magsalita matapos ang mga narinig mula kay Zenia. Hindi ko din naman alam ang aking sasabihin dahil sa sunod-sunod na pangyayari sa buhay kong hindi naman ganito noon. Isa lamang akong knight na walang kapangyarihan noon na walang iniisip kundi ang aking sarili lamang. Ngunit ngayon ay maliban sa hinaharap ng aming mundo, maging ang kinabukasan ng mga naninirahan dito, knights, magical at sacred beast, kahit ang mga maliliit na hayop ay nakasalalay na din sa akin. “Bakit naman biglang nagkaganito ang lahat?” Inis kong ginulo ang aking buhok habang nakatingin sa mga kasama kong naghihintay ng aming matutuluyan. Hinayaan din kasi nila akong makapag-isip dahil hindi din naman madali ang gustong mangyari ni Zenia. Kung tatan

