Chrylei Criox’s Pov Nagsimula na kaming maglakbay. At habang binabagtas ang daan palayo sa pader na naghihiwalay sa dalawang rehiyon ay unti-unting bumibigat ang aking pakiramdam sa paligid. Ramdam ko ang takot at pangamba ng bawat nilalang sa paligid. Tingin ko ay hindi lamang knight ang namamatay sa lugar na ito. “Maliban sa mga knights na nagbubuwis ng buhay upang makadaan dito ay hindi din nakakaligtas ang mga maliliit at mahihinang nilalang na nagtatangkang pumunta sa Lapis Region.” sambit ni Jeden na ngayon ay nasa tabi ko. Ang gamit niyang mukha ay ang kapatid kong sumunod sa akin. Si Clar, ang dating Knight of Tame. Nasa kabilang karwahe si Dva kasama ni Faero habang si Tri naman ay nasa kwarwahe kung nasaan ang mga dala naming pagkain. Gamit ng dalawang iyon ang itsura ng kamb

