Chrylei Criox’s Pov Malapit nang sumapit ang paglubog ng araw at nagsisimula na kaming magligpit ng aming mga gamit. Dahil tulad ng iminungkahi ni Jeden ay sa gabi kami magpapatuloy ng paglalakbay upang makaiwas sa mga Baboon. Isa iyong nilalang na tulad ng mga unggoy ngunit higit na malaki at may bulaklak na tumutubo sa kanilang mga ulo na naglalabas ng nakalalasong kemikal sa tuwing nasisinagan ng araw. “Chrylei.” tawag ni Zenia na katatapos lang makipag-usap sa mga furry. Oo, ilang oras din silang magkausap at hindi ko alam kung ano ang kanilang pinag-uusapan ngunit tingin ko ay masyado iyong seryoso base na din sa mga emosyong ipinapakita ni Zenia. “Tapos na kayong mag-usap?” tanong ko na tinanguan niya. “At ibinigay naman nila ang lahat ng impormasyong kailangan mo?” Muli siyang

