Chrylei Criox's Pov Matapos ang huling pag-uusap namin ni Red ay ilang araw din siyang hindi nagpakita sa akin. Hindi ko malaman kung dinamdam niya ang sinabi ko o sadyang abala lang siya sa mga bagay na kailangan niyang gawin habang narito siya sa Antlers. "Ilang araw ka nang hindi nagagawi sa garden, huh." ani Faero. "Don't tell me, si Red naman ang nakaalitan mo?" Narito kami ngayon sa amin silid aralan. Kakatapos lang ng aming pang-umagang klase at naisipan naming dito na lamang kumain kaya sina Cali at Zeal ang bumili ng makakain namin. Nagkibit-balikat ako pagkuwa'y bumuntong hininga. "Hindi ko din alam." Naupo siya sa tabi ko. "Ano bang napag-usapan nyo?" Ipinagtapat niya sa akin na isa nga siyang Thrylos." panimula ko. "At sinabi din niya na hindi magtat

