Chrylei Criox's Pov Hindi ko napansin na nakalayo na pala sa akin sina Zeal at Red. Natauhan na lamang ako nang akbayan ako ni Faero at Aimur na muli na palang nakalapit sa akin. "Iyon ba si Red?" tanong ni Faero habang tinatanaw ang dalawang lalaki na hindi kalayuan sa amin at seryosong nag-uusap. Tumango ako. "Woah! Ang gwapo naman pala niya." ani Aimur. "At mukha ngang harmless kaya hindi na ako nagtataka kung bakit ganoon ang pagtatanggol mo sa kanya." "Well, you cannot judge the person base on their looks." Bumaling sa akin si Faero at ngumiti. "Pero dahil sa ginawa niyang pagsulpot dito upang tulungan kang ayusin ang hindi nyo pagkakaunawaan ni Zeal, masasabi kong mabuti nga siyang nilalang." "Is he also a student here?" tanong ni Cali na nakatitig din kay Red

