Chrylei Criox’s Pov Dalawang araw na din ang nakalipas mula nang mangyari ang insidente kung saan sinabihan ako ni Zeal na layuan si Red. At hanggang ngayon ay hindi pa din kami nag-uusap. Magkasama pa din naman kami sa iisang grupo. Sabay kaming nagpupunta sa aming silid-aralan, nanananghalian at umuuwi ngunit pareho naming hindi man lang tinitingnan ang isa’t-isa. Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit hindi mapakali sina Faero at Aimur. “Hanggang kailan kayo hindi mag-uusap ni Zeal?” tanong ni Faero. Nandito kaming dalawa sa library upang tapusin ang ilan sa aming mga asignatura ngunit wala yatang plano si Faero na gawin ang kanya sa ngayon kaya sinimulan ko nang ipunin ang mga libro na kanyang kakailanganin mamaya. “Alam nyo bang ramdam namin ang tensyon sa pagi

