Chrylei Criox’s Pov Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at nabugaran ko ang magandang mukha ni Mare na ngayon ay nakangiting nakatingin sa akin. “Mare.” “I’m glad that you’re awake.” sambit niya at inalalayan akong bumangon. “Kamusta ang pakiramdam mo?” Pinakiramdaman ko ang aking sarili at huminga ng malalim. “Maayos naman.” Iginala ko ang tingin sa paligid dahil hindi pamilyar sa akin ang lugar na ito. “Nasaan ako? At nasaan ang mga kaibigan ko?” “Huwag mo nang alalahanin ang mga kaibigan mo.” sabi niya. “Nasa maayos na silang kalagayan at nandito kayo sa bahay ng aking kapatid.” Kumunot ang noo ko. “Kapatid?” Bumaling ako sa kanya. Tumango siya. Alam kong maayos na ang aking pakiramdam ngunit hindi ko maintindihan kung bakit pakiramdam ko ay may

