Chrylei Criox’s Pov “I’m sorry, Chrylei!” Iyan ang bungad ng lahat sa akin paglabas ko palang ng kwarto. Agad akong niyakap nila Faero at Aimur habang umiiyak. “Huwag na kayong umiyak.” Hinaplos ko ang kanilang buhok. “Wala kayong kasalanan sa nangyari.” “No.” Umiling-iling si Faero. “Hindi tinablan ng illusion spell sina Deccan at Honaira kaya nangangahulugan lang iyon na kami ang may pagkakamali.” “Tama!” sigaw ni Honaira. “Ikaw dapat ang hindi tinablan ng spell na iyon dahil ikaw ang pinakamalapit sa babaeng iyan.” “Honaira.” Binalingan ko siya at umiling-iling. Inirapan niya lamang ako at pinag-krus ang mga kamay niya sa dibdib. “Tulad ng aking sinabi, huwag nyo nang alalahanin ang anumang nangyari kagabi dahil hindi nyo naman ginusto ang inyong mga ikinilos.” sabi ko. “Isa pa,

