Chrylei Criox’s Pov Ilang araw na ang nakakaraan nang magsimula ang pagsasanay ko sa paggamit ng espada sa tulong ni Zeal. At masasabi kong hindi nga iyon madali dahil ramdam ko ang sakit ng aking buong katawan sa tuwing makakauwi ako ng aking tahanan. Hindi nalang naman kasi simpleng pagsasanay ang ginagawa ko. Talagang pinapaatake ako ni Zeal sa kanya at nagagawa ko naman iyon ng maayos. Ang sabi nga niya ay mabilis akong matuto dahil isang beses lang niya ipinapaliwanag at ipinapakita sa akin ang mga dapat kong gawin ay nagagawa ko agad ng walang mali. Ngunit hindi pa din nawawala ang pagiging lampa ko dahil may mga pagkakataon na kapag susugod ako sa kanya ay mapapatid ako o tuluyang madadapa sa damuhan. At ang sinasabi ni Zeal ay baka may limitasyon talaga ang aking katawan kaya

