Chrylei Criox’s Pov Hanggang ngayon ay binabagabag pa din ako ng mga imaheng pumasok nalang bigla sa aking isipan noong nakaraan. Sinubukan ko nang magsaliksik sa mga gamit at libro na mayroon sa Research Facility, hindi ko na din pinuntahan ang aking pagsasanay upang mabigyan lamang ako ng sagot ngunit bigo pa din ako. Wala akong mahanap na libro o kahit anong gamit na may kinalaman sa mga nakita ko. Kahit sa mga nasa facility ay wala ding nakakaalam ng mga sinasabi ko sa kanila kaya naman bigo akong pumunta sa Ray, iyon ang pangalan ng lupaing pag-aari ni Zeal kung saan kami nagsasanay. “Akala ko ay tuluyan ka nang sumuko sa pagsasanay mo.” bungad sa akin ni Zeal pagdating ko pa lamang. Ngunit hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa maratin

