Chrylei Criox’s Pov (Knight of Shield) Dahil wala namang mangyayari kung magmumukmok ako sa sinapit ni Honaira ay bumalik na agad ako sa pagtra-trabaho. Alam na din ng iba ang nangyari at maging sila ay nang-aalala din pero sinabihan kong mas makakabuti kung mabilis naming tatapusin ang trabaho namin sa rehiyong ito nang sa gayon ay makapunta na kami sa susunod na rehiyon dahil naroon ang gamot na kailangan ko upang mawala ang epekto ng serum kay Honaira. At nagkasundo ang lahat kaya naman agad na namin inilalagay sa karwahe ang mga bagay na aming nakukuha. Wala kaming sinasayang na sandali. Bawat araw na lumilipas ay ginagamit namin para tapusin ang aming trabaho. Ang pagkuha ng mga magical items na maaaring gamitin ng palasyo. Mga kayamanang maaaring ibenta ng mga mer

