Chrylei Criox’s Pov Hindi porket mabilis akong matuto at mag-improved ay magagawa ko nang talunin ang mga kaibigan ko. Tingin ko nga ay sinwerte lang ako nang makalaban ko si Yaren kaya nagawa ko siyang talunin. Dahil sa mga sumunod kong laban kina Milan, Erie, Deccan, Nevis at Savii ay ako ang mabilis nilang natalo. Ni hindi nga umabot ng higit limang minuto ang laban namin. Pero kahit na ganoon ang nangyari ay may natutunan pa din ako habang kaharap sa kanila kaya tama din ang sinabi ni Zeal na mas mag-iimprove sa set-up na ito. At ngayon ang araw ng pagsisimula ng aming paglalakbay. Hindi naman ganoon kalaking grupo ang ipinapadala ng hari para sa ekspedisyon. Sapat na ang tatlumpung knights. Kabilang ang dalawampung nanalo sa pagsusulit na ginanap sa arena, sina Zea

