Chrylei Criox’s Pov Ang sabi ni Zeal sa akin noong unang araw ng aming pagsasanay, masyadong magaan ang aking katawan at isa iyon sa dahilan kung bakit madalas akong madapa o matumba agad kahit kaunting sagi lang sa akin. At iyon din ang dahilan kung bakit naging madali sa akin ang matutunan ang bilis at tamang pag-atake. Madali ko ding natutunan ang bawat kilos na kanyang itinuro kaya ang tanging pinagtuunan na lamang namin ng pansin ay ang lakas ng aking atake na mangagaling sa aking mga balikat, braso at kamay. At ngayon ko higit na nakikita ang bunga ng pagsasanay na iyon dahil nagagawa kong sanggain ang espada ni Yaren kahit pa masyadong malakas ang mga atakeng ibinibigay niya sa akin. “Ah, hindi ba limitado lang ang oras na kayang makipaglaban ni Chrylei?” sabi ni

