Chrylei Criox’s Pov (Knight of Shield) “Are you okay?” tanong ko kay Zeal. Hindi na kasi kami nakapag-usap ng maayos kagabi dahil pareho kaming nakatulog. At nang magising ay hindi na din kami nakapag-usap pa dahil hinahanap na kami ng mga kasama namin dahil hindi na din kami maaari pang magtagal sa kampo namin. At ngayon nga ay sinisimulan na namin ang paglilibot sa buong rehiyon kaya hinati ni Zeal ang grupo namin sa lima. Gumawa sila ng mga duplicate ng mapa at itinuro ko sa kanila ang mga lugar na maaari nilang puntahan kung saan alam kong may makikita silang mapakikinabangan ng bawat isa. Kasama ako sa grupo ni Zeal because you know, he insist on being with me all the time kahit pa gusto akong kasama nila Honaira at Faero. Bumaling siya sa akin at ngumiti. “Don

