Chrylei Criox’s Pov Tulad ng sinabi ni Zeal ay muli kaming bumalik sa aklatan ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na namin kinailangan pang lumabas ng inn para pumunta sa gubat. May kakayahan si Zeal na gumamit ng gate. At iyon ang dahilan kung bakit nagawa niyang pagdugtungin ang parte ng research facility at ang lugar sa Atlas region kung saan kami nagsanay. At iyon din ang ginamit niya kahapon. Naglagay siya ng marking sa pintuan ng aklatan at gamit ang susi na kanyang laging dala ay nagawa niyang pagdugtungin ang silid na aking tinutuluyan at ang aklatan. Ngunit sa pagkakataong ito ay kasama na namin sina Faero, Honaira, Deccan at Zenia na ngayon ay nasa loob na ng aklatan. Hindi ibig sabihin nito ay hindi namin pinagkakatiwalaan ang iba ngunit tulad ng sinabi ni Ze

