Chrylei Criox’s Pov Hindi agad natapos ang digmaan sa pagitan ng mga mamamayan ng Attila at mga halimaw. Inabot ito ng ilang taon. Marami ang namatay at maraming lugar ang nawasak. Halos mawala na din ang dating ganda ng mundo. Hanggang sa nagpakilala ang dalawang pamilya na siyang nanguna sa dalawang grupong lumaban upang itaboy ang mga halimaw papunta sa dalawang rehiyon kung saan nila ito ikukulong. Ang kilala ngayong Zeki Region na naas kanlurang bahagi ng Attila at ang Liz Region na nasa silangang bahagi ng aming mundo. Parehong may malaking papel na ginampanan ang dalawang pamilya kaya naman isang malaking pagtatalo kung sino ang dapat mamuno. At dahil ayaw magpatalo ng dalawa ay doon nagsimula ang paghahati ng Attila na kinilala noong Mirai Kingdom na pinamu

