Chrylei Criox’s Pov Hindi ko inaasahan na matapos ang laban ko kay Nino ay magsisi-atras at susuko nalang ang mga kasunod kong kalaban kaya naman walang hirap akong nanalo sa grupo. At nang makita ko ang mga makakalaban ko sana ay napakunot noo nalang ako dahil hindi nila magawang tumingin sa akin. Para pa silang nababalot ng takot dahil sa pag-igtad nila nang tawagin ko sila at kumaripas ng takbo. Kahit si Nino na nakasalubong ko sa paglabas ng arena ay dumidistansya talaga sa akin. At agad ding tumakbo palayo nang akma ko siyang kakausapin. “Ano bang nangyari sa mga iyon?” takang tanong ni Faero na napansin din ang ikinilos ng mga iyon. “May ginawa ka ba sa mga iyon?” Nagkibit-balikat ako “Iniisip ko ngang kayo ang dahilan kung bakit nagkakaganoon ang mga iyon.” M

