Kinabukasan ay bumiyahe kami ni Caloy sa siyudad para sa una naming project. This is it. I feel excited and a little bit nervous. Kailangan naming gawin ng maayos at pulido ang trabaho namin. Pagdating namin sa City ay dumeretso kami sa bahay na tutuluyan namin. Lima kaming magkakasama sa isang bahay. Ako, si Caloy at ang 3 pa naming kasama. Ang dalawa ay kapwa namin Engineer at ang isa ay ang Draftsman na kasama sa team. GUERRERO CONSTRUCTION COMPANY provide us car for our transportation.
It is a two story mansion. A huge mansion with a wide garden in front. The second floor is ready for pouring. Suot ang aking usual outfit, a dark blue polo shirt paired with denim pants, steel toe shoes and my hard hat. I was busy giving instructions to the Foreman when I heard a click of the camera. Then I saw Caloy browsing his phone while smirking. Tiningnan ko siya ng may pagtataka.
"For documentation bro." He said.
Documentation? Wala akong naaalala na kailangan namin ng documentation sa trabaho. Nagkibit balikat na lamang ako at tinuloy ang trabaho ko. Lumipat ako sa ibang bahagi ng bahay. The landscape and some other parts of the garden were handled by the Architects and Engineer Shane.
Nakaramdam ako ng uhaw kaya sumaglit ako sa tent naroon kasi ang mga bottled water na dala-dala namin. Maalinsangan ang panahon dahil palapit na ang tag init. Pagkatapos uminom ng tubig ay umupo ako sa isang monoblock chair. I am reviewing the floor plan nang makita ko si Caloy na nakatutok ulit sa akin ang camera ng phone niya. Kunot noo ko siyang tiningnan at napa halukipkip.
"What are you doing?" tanong ko.
"Taking pictures?" balik tanong niya.
"Yeah, your taking pictures of mine." Sagot ko at binigyang diin ang huling salita na sinambit ko.
"Pare, ayaw mo nun marami kang memories sa una nating project." pagdadahilan niya.
"Bakit ako ang kinunan mo ng litrato? Bakit hindi 'yang sarili mo?" kunot Ang noo na tanong habang nakatagilid ang ulo.
"May picture na ako kanina pre. Nagpakuha ako kay Eng. Shane." sabi niya.
"Siguraduhin mo lang pare na hindi ako mapapahamak diyan sa pinaggagawa mo. Tatamaan ka talaga sa akin." pagbabanta ko sa kanya.
"Don't worry pare. Memories nga lang, mapapahamak ka ba dun? By the way, Eng. Shane keeps on asking you." pag iiba niya ng usapan. Kumindat kindat pa ang loko. Mukhang may ginawa na namang hindi kanais-nais ang ungas na ito.
"Tigil-tigilan mo ang kabubugaw sa akin Caloy. Wala akong panahon sa mga ganyan." saad ko at isinalin ang atensyon sa binabasa kong plano.
"Hindi ka man lang ba na a-attract may Eng. Shane? Maganda siya, sexy, at mabait." Pangungumbinsi niya.
"Paano mo nasabing mabait siya?" Tanong ko.
"Kasi hindi siya suplada." maikling sagot niya.
"Kapag ba hindi suplada mabait na? Iyon ba ang basehan mo nang mabait? Ngayon mo nga lang nakilala yong tao eh." sabi ko.
"Ayaw mo talaga sa kanya?" pangungulit niya pa.
"Caloy huwag ka ngang makulit. Kung may gusto akong babae liligawan ko agad. Huwag mo akong ipag pilitan sa isang tao na wala naman akong nararamdaman. Kasi ang pagmamahal kusa 'yang nararamdaman. Mamahalin mo ang isang tao kahit walang dahilan." paliwanag ko na para bang anumang oras ay mawawalan na ako ng pasensya kay Caloy.
"Alam ko na kung kanino ka may gusto." naka ngising saad niya. I swear kapag hindi ko talaga magustuhan ang pinagsasabi ni Caloy ngayon mababatukan ko na siya.
Tinaasan ko siya ng kilay "At sino na naman?" nairitang tanong ko.
"Ako!" sigaw niya sabay takbo. Hahabulin ko pa sana siya kaso nakalayo na agad siya. Alam niya kasing matatamaan siya ng kung anong mahahawakan ko.
"Tss, pasalamat kang unggoy ka. Kapag nahabol talaga kita tatamaan ka sa akin." bulong ko habang bumabalik sa kinauupuan ko kanina.
Hindi naman ako manhid tulad ng sinasabi ni Caloy at nang mga kapatid ko. Nagkagusto din naman ako sa isang babae. She is Camille. My school mate. Hindi nga lang ako makalapit dahil laging naka buntot sa kanya ang boyfriend niya. Yes, I was once attracted to a woman. Sa isang babaeng taken na. Since first year college kakaiba na ang nararamdaman ko kay Camille. Kapag nakasalubong ko siya sa lobby, sa hallway sa labas ng University bumibilis ang t***k ng puso ko. Kakaiba ang taglay na ganda ni Camille. Maamo ang kanyang mukha kaya hindi na ako magtataka kung marami ang nahuhumaling sa kanya. Magkatabi ang building namin.
Camille became my inspiration. I did my best to be on top of the class. Baka sakaling mapansin niya ako. Ginugol ko ang oras ko sa pag-aaral. That's why I became a dean's lister. Gusto kong may mapatunayan. Minsan nangangarap ako na kapag naka graduate ako at may matinong trabaho baka sakaling pumasa na ako sa standards niya.
Inaamin ko sa sarili ko na minsan akong umasa. Umasa ako na maghihiwalay sila ng boyfriend niya. Hibang na kung hibang pero minsan ko rin panalangin na sana maghiwalay sila at magkaroon ng pagkakataon na mapalapit sa kanya .
Then our graduation came. Lalapitan ko na sana siya para i-congratulate ngunit hinarangan ako ng isang lalaki. Babatiin ko lang naman sana siya. Wala na akong nagawa kundi bumalik kung saan ako nakaupo.
Matalino si Camille. She took up business administration and graduated cumlaude. Pagkatapos ng graduation gusto ko na sanang ituloy ang panliligaw sa kanya. Pupuntahan ko sana siya sa bahay nila para pormal na magpa kilala ngunit nabigla ako sa aking nalaman. Wala na pala si Camille.
Dinala siya ng kanyang magulang sa America para malayo sa kanyang boyfriend. Katulad ni Camille ang boyfriend niya ay may kaya din sa buhay. Laking panghihinayang ko na hindi ko man lang ako nakapag pakilala sa kanya.
Napaisip ako, kung yung boyfriend nga niya na mayaman hindi pumasa sa standards ng magulang niya? Ako pa kaya na isang dukha? Ngunit kung may nararamdaman din si Camille para sa akin hindi ako magdadalawang isip na ipaglaban siya. Ang lihim na pagmamahal ko kay Camille ay walang nakakaalam kahit sinoman. Kahit si Caloy. Ayokong ipaalam sa kanya dahil masahol pa sa chismosa ang ugali niya. Hindi sa ayaw ko nang manligaw sa ibang babae pero umaasa pa rin ako na babalik si Camille.