Chapter 6

1225 Words
Kanina pa daldal ng daldal sa loob ng sasakyan si Caloy. We are heading to the location of our next project. It is a farm. Isang malawak na lupain na gustong patayuan ng fish pond at piggery. Pag aari parin ng brother-in-law ni Mr. Guerrero ang lupain. Our client Mr. Ace delos Santos wants to build a farm and a rest house. Gusto niya magkaroon ng isang rest house sa gitna ng kanilang lupain sa probinsya ng Quezon. This is his fiancee's hometown. Katulad ng sinabi ni Caloy maswerte ang babae dahil hindi nauubusan ang aming kliyente ng sorpresa para sa kanya. Iniwan muna namin ang pinapagawang mansion to visit and study the location of the site. Nakatutok ang atensyon ko sa labas ng sasakyan. Papasok na kami sa isang barangay. Payak at simple ang pamumuhay ng mga taong nakatira Dito. Magkalayo ang mga bahay. Hanggang sa madalang na lang ang mga nadadaanan naming kabahayan. Kabukiran at taniman ng niyog ang aming nadadaanan. May mga taniman din ng mais at pinya. Hindi na ako magtataka kung gusto ni Mr. Delos Santos na dito magpatayo ng rest house. Sariwa ang hangin dito at malayo sa mausok sa na amoy ng syudad. Napalingon ako sa gawi ng kaibigan ko nang marinig ang kanilang tawanan. Hinampas si Caloy sa braso ng isa naming kasamang babae. Ang pagkakaalam ko ay isa ito sa mga Architect na kasama namin. Gumanti rin ng hampas si Caloy. I don't think he really intended to do it but I saw him caress the arm of that Architect instead of striking her. What a move man. Tinitigan ko siya ng may babala ngunit nagkibit balikat lamang siya at itinuloy pagpapatawa sa mga kasama namin. Itinuon ko ulit ang atensyon ko sa mga lugar na dinadaanan namin. Papasok na kami sa daan papunta sa location ng lupain ni Mr. Ace Alejandro Delos Santos. Medyo masukal ang daan papasok at lubak lubak ito. Bumangga ang balikat ko sa aking katabi. Tumikhim ako at nag-sorry sa kanya. Yumuko ako para pulutin ang bag ko na nahulog mula sa aking kandungan. "Kumusta ka Eng. Cortez?" tanong ni Shane kaya napalingon ako sa kanya. Hindi ko namalayan na magkatabi pala kami. Ngumiti ako "I'm fine Eng. Canlas. I'm sorry ulit nasagi yata kita." hinging paumanhin ko. Lalong lumawak ang ngiti niya. Binasa naiya ang kanyang labi sa pamamagitan ng kanyang dila. "Drop the formalities, just call me Shane." suhestion niya. "Ok, Shane. Tawagin mo na lang din ako sa pangalan ko." sagot ko. Ngumiti siya inipit ang takas niyang buhok sa kanyang tenga. At Saka muling nagtanong. "So, are we friends now Francis?" tanong niya. Ngumiti lang ako at tumango sa kanya. I can't say Yes. I can't say no. Hindi ko lang magawa ang magtiwala o makipagkaibigan sa mga taong bago ko pa lamang nakilala. Napasalin ulit ang tingin ko sa kanya nang muli siyang magsalita. "How old are you?" tanong niya. Mukhang hindi siya naaapektuhan ng pananahimik ko. She is determined to start conversation with me. "I'm 24. Eh ikaw Shane ilang taon ka na?" ganting tanong ko habang nakatitig sa kanya. Tila namula siya sa paraan ng paninitig ko. Ngayon ko lang natitigan si Eng. Shane sa malapitan. Mestisa at mukha siyang model ng shampoo. Mahaba ang kanyang buhok. Mahaba ang kanyang mga pilik mata at matangos na ilong. Mukha siyang Filipino-Indian. Ang taglay niyang ganda ay mahuhumaling kahit na sinong lalaki. Tumikhim siya at nagsalita. "I'm 26. Mas matanda pala ako sayo ng dalawang taon." kiming sagot niya. Ngumiti ako ulit at binalingan siya "Hindi naman halata sa itsura. Mas mukha kang bata sa akin eh." saad ko. Tila nawalan siya ng isasagot at natahimimlk. Yumuko siya at kinagat kagat ang ibabang labi. What happened to her? Kinikilig ba s'ya? Ganun na ba katindi Ang epekto ko sa kanya? What the hell! "Pwed–” Shane. "We're here!" Caloy. Hindi ko malaman kung kanino ako babaling dahil sa sabayang pananalita ni Shane at ang pag sigaw ni Caloy. Mukhang may sasabihin pa sana si Shane ngunit bumukas ng ang van kaya isa-isa na kaming bumaba ng sasakyan. Ang lupain ay napapaligiran ng mga burol. Sa patag na bahagi sa tabi ng pinakamataas na burol gustong magpatayo ni Sir Ace ng rest house. Nagpasya akong mag libot-libot sa Lugar upang mapag-aralan ng mabuti at magkaroon ng idea tungkol sa proyekto. Napalingon ako sa likod ko nang makita si Caloy na sumusunod pala.sa akin. Hawak ang phone niya at mukhang kumukuha na naman ng litrato. "Ang anda Dito pare. Sariwa Ang hangin malayo sa polusyon." nakangiting Sabi Niya habang paakyat kami sa isang burol. "Oo nga eh. Hindi yata mauubusan si Mr. Delos Santos ng pasabog sa kanya ng mapapangasawa 'no?" tanong ko habang nakatanaw sa lawak ng lupain. "Oo, Hindi pa kan din niya nakukuha Ang I do niya pinaghahandaan na niya." nakangising Sabi ni Caloy. Nahihiwagaan ako sa salitang binitawan niya. Hindi agad na digest ng isipan ko ang mga iyon kaya napalingon ako kay Caloy. "Hindi pa nakukuha ang I do? What do you mean? Parang ang labo pre." Kunot ang noo na tanong ko. "Wala pala dito sa Pilipinas ang babae. Nasa ibang bansa." sagot niya habang hinahawi ng paa niya ang mga tuyong dahon sa nilalakaran namin. "Ang sabi fiance niya? Tapos sabi mo wala dito ang babae? Ang gulo." naguguluhan na pag-uusisa ko. "Fiance niya pero si Mr. Delos Santos lang ang nakakaalam, hindi pa alam ng babae." nakangising sagot ni Caloy. "Kanino mo na naman nalaman? Chismoso ka talaga kalalaki mong tao." salubong ang kilay na paraang ko sa kanya. "Narinig ko kasing usap usapan sa opisina. Na itong babae raw eh iniiwasan si Sir Ace. Kaya nangibang bansa itong babae. Ang matindi pare walang ibang gusto si Mr. Delos Santos na pakasalan kundi siya. At ang pinaka matindi sa lahat..." panbibitin ni Caloy sa sasabihin kaya mariin ko siya tinitigan. "Ano?" tanong ko habang matamang nakikinig sa kanya. "Nakikinig ka talaga sa mga pinagsasabi ko ngayon pre? Interesado ka rin sa chismis?" tanong niya at tinaasan pa ako ng kilay. Bigla akong nairita sa mga pinagsasabi ni Caloy kaya akma ko siyang iiwan ng pinigilan niya ako sa braso habang natatawa at nagsalita ulit. "Ito na, itutuloy ko na." nakangising habol ni Caloy sa akin. Ito ang isa sa kinaiinisan kong ugali ng unggoy na ito eh. "Huwag na, hindi na ako interesado." Sagot ko habang naglalakad pabalik sa mga kasamahan namin. "Ang matindi pare. Lahat ng nanliligaw sa babae pinipigilan ni Sir Ace." Pagpapatuloy niya kaya napatigil na naman ako sa paglalakad. "Ikaw Caloy, huwag mo akong pinagloloko ha. Sabi mo kanina nasa ibang bansa Ang babae 'di ba? Paano mapipigilan ni Mr. Ace ang mga nanliligaw dun sa babaeng mahal niya kung magkalayo sila? Puro ka imbento eh. Nakarinig ka lang ng chismis ipapamalita mo agad. Patingin ng lawit mo baka naging hiwa na iyan?" Panunukso ko sa kanya. "Sinundan nga niya yung babae ng palihim sa ibang bansa ano ka ba. Walang imposible sa taong maraming pera. About sa lawit ko gusto mo talagang makita? Free ako tonight." Pagkindat kindat pa siya sa harap ko. Napapikit ako dahil sa iritasyon. "F*xk you!" mura ko sa kanya. Siya naman ay patakbong lumayo sa akin habang sapo ang tiyan sa kakatawa. Nailing na lamang akong bumalik sa sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD