Chapter 7

1021 Words
The following days became smooth. Maayos kong ginagampanan ang aking trabaho ewan ko lang kay Caloy. Madalas ko siyang napapansin na mag-isa sa sulok at abala sa kanyang telepono. Nagbabalak pa lang ako na gulatin siya ngunit sobrang talas ng pakiramdam niya. Agad niya akong napapansin. Kapag lumalapit ako sa kanya hindi pa man ay naitago na niya ang kanyang telepono. What's with him in this past few days? Lalapitan ko na sana siya sa table n'ya nang harangin ako ni Eng. Shane "Hi Kiko, saan ka pupunta?" nakangiting tanong niya sa akin. "May sasabihin sana ako kay Caloy." nakangiting sagot ko sa kanya. Napansin ko ulit ang pamumula ng kanyang mga pisngi kaninang nginitian ko siya. "Ah, may gagawin ka ba mamayang gabi?" alangang tanong niya. "Wala naman, bakit?" sagot ko habang napasalin ang titig ko kay Caloy na tumayo sa kanyang table at nagtungo sa pantry. "Gusto sana kitang imbitahin birthday kasi ng Daddy ko. Inimbita ko na rin si Caloy ang sabi niya pupunta raw s'ya kung pupunta ka. Sana makapunta ka." nag-aalangan sabi niya. Sabi ko na nga ba at ako na naman ang ginawa niyang alibi. "Sige Eng. Shane. Pupunta kami." sagot ko. "Thank you." saad niya at napakagat sa ibabang labi. Why other girls keep on biting their lips. It's kinda weird. "Sige maiiwan na kita may sasabihin lang ako kay Caloy." paalam ko at iniwan na siya para tunguhin ang pantry kung saan pumasok si Caloy kanina. Nabungaran ko siyang nakatalikod at nagtitimpla ng kape. Tinapik ko siya sa balikat "Par–" "Anak ng tipaklong naman pare! Bakit ka ba nanggugulat!?" sigaw niya at sapo ang pa dibdib. "Wow! Ang OA. Tinapik lang kita nagulat kana? 'wag mong sabihing pati pagpasok ko hindi mo namalayan?" nakakunot noo'ng tanong ko. "Magugulat pa ba ako kung namalayan kita?" asik niya. Uma-attitude ang unggoy. "Bakit ba parang ngarag ka? Mukha kang puyat. Kapapanood mo siguro 'yan ng p*rn." bintang ko. Agad naman siyang napakunotnoo sa tinuran ko. Hinarap niya ako. "Ako? Nanood ng porn?" tanong niya at dinuro duro pa ang sarili. "Oo do'n ka lang naman nagpupuyat aside from chatting random girls on your social media." "Well di ako nanood kagabi" sagot niya at nagkibit balikat pa. See? "Niyaya ka ba ni Eng. Shane sa birthday ng Daddy n'ya?" tanong niya habang naghahalo ng kape. "Yes, kasi ako ang ginawa mong dahilan. Gusto mong maki ML pero nahihiya ka at ako ang ginawa mong dahilan." saad ko habang kumukuha ng disposable cup. "Huh? ML? May palaro?" takang tanong niya kaya lihim akong napangiti. "Wala." Maikling sagot ko. Nangunot ang kanyang noo at saka n'ya ako tinitigan "Eh ano?" "ML means MAKIKI LAMON. Makiki lamon ka na nga idadamay mo pa ako." nakangising saad ko. Palabas na ako ng pantry dala-dala ang kape ko. Sumunod naman si Caloy. "Grabe ka sa lamon pare. 'Di ba pwedeng makikikain lang?" Nakangusong saad n'ya. "Sana naman makikikain lang ang gagawin mo doon Caloy utang na loob. Iiwan talaga kita do'n kapag gumawa ka ng kabalbalan." "Kung maka advice ka naman p're parang napaka sama at walang kwenta kong tao." nakanguso na naman siya. "Pero kung may pa take out pwede bang kunin ko p're?" nakangisi pa siya, parang patay gutom! "Hindi na lang pala ako sasama. Uuwi pala ako." biro ko sa kanya. "Pare naman nag-yes kana kanine eh." habol niya sa akin. Inilingan ko lang siya at dumeretso na sa table ko. Kina hapunan umuwi muna kami sa boarding house para magbihis. Pagpatak ng alas syete ng Gabi ay gamayak na kami lulan ng aking motor. Inabot kami ng isang oras sa daan dahil sa bigat ng traffic. Pagdating sa bahay nila ay agad kaming sinalubong ni Shane. "Pasok kayo, feel at home." masayang bungad sa amin ni Shane at iginaya kami sa loob ng kanilang bakuran. Iginala ko ang aking paningin sa labas ng bahay. Hindi maipagkakaila na may sinasabi sa buhay ang pamilya ni Shane. Ang daming halaman at maayos na nakasalansan palibot sa harapan ng bahay hanggang sa main door. May mga table at upuan sa kanilang garden na puno ng mga bisita. Shane's Dad is a lawyer according to Caloy. Kung kanino n'ya nalaman ay hindi ko alam, maybe sa mga katrabaho din namin. Halos lahat kasi ng mga ka trabaho namin close na kay Caloy. Sa ilang buwan namin sa GCC ay halos lahat ng empleyado ay kabisado na n'ya. Pagpasok sa loob ay maraming pa ring bisita. May nakaupo sa living area and some where in the dining at halos lahat oldies. Iginiya kami ni Shane sa umpukan ng mga kalalakihang naka formal attire. "Daddy si Caloy and Francis nga po pala, guys my Dad." pagpapakilala ni Shane sa isang matangkad at medyo matabang lalaki ng sa tantya ko ay nasa mid sixties na ito. Baling sa amin ang Daddy ni Shane, napaka formal Ang Mukha na animo kapag ngingiti ay uulan ng malakas. "Happy birthday Sir, by the way I'm Eng. Francis Cortes and this is my friend Engineer Carlo Lorenzo–" the lawyer cut me. "So, you are the Engineer that my daughter's admi–" "Daddy!" Shane cut her dad. Hindi tuloy namin alam ni Caloy kung kanino ibabaling ang tingin. "Katrabaho ko po sila." mariing saad ni Shane at tila pinanlakihan pa n'ya ng mata ang ama. Nagkibit balikat lang ang matanda. "Feel at home, and thanks for coming." saad ni Mr.Canlas na sa akin nakatuon ang atensyon. "Com'on guys. Let's eat." Aya ni Shane sa amin na hinawakan ako sa aking braso. "Thank you sir, and happy birthday ulit." bati ni Caloy sa kanya. Tumango naman ako at nagpatiyanod na kay Shane papunta sa kanilang dining table. Bakit ganun makatingin ang Daddy ni Shane sa akin. Weird. Walang lingon si Caloy na naglakad at nauna na sa hapag. Nailing na lamang ako habang nakatunghay sa kanya. Pasimple kong hinawi ang kamay ni Shane at ipinaghila ko siya ng upuan. Napansin ko ang mga kababaihan na nakatingin sa amin na tila nanunukso. Nahuli ko pa si Shane habang pinandidilatan n'ya ang mga ito. What's wrong with them?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD