“WE had a wonderful time, hijo. Sinumpong lang ng sakit ang papa mo dahil hindi kinaya ang lamig sa Los Angeles. Have a seat and join us for dinner. Matilda, another plate for your Señorito,” basag ng ina ni Romeo sa paraisong nabubuo sa kanyang isipan.
“Oo nga po, gutom na rin ako,” baling nito sa ina. “Hello din sa ‘yo, Corazon!” ibinalik nito ang tingin sa kanya at muling ngumiti pagkatapos ay si Sabel at si Alexa naman ang binati nito.
“Where’s Sandra?” agaw muli ng ina nito.
“I’m here, Mama!” sumulpot bigla ang babae kung saan at mabilis na lumingkis kay Romeo. “Good evening!” bati nito at kumalas kay Romeo. Maarteng nakipag-beso ito sa mga magulang ng nobyo.
“I miss you, hija. Matilda, another plate for the beautiful Sandra,” ani Rosenda at iminuwestra ang katabing silya.
“So, what happened, Mama? Nakabuo na po ba kayo ulit ni Papa?” pilyong biro ni Romeo na ikinatawa ng mga magulang nito.
The room was filled with laughter. While Corazon’s heart was filled with yearning. Seeing the joy on Romeo’s face made her desire to kiss him. All over again. The surge of emotion was unbearable she closed her eyes tightly to control it.
“Is there any problem, Corazon? You’ve stopped eating your food,” baling sa kanya ni Emilio.
Nagmulat siya ng mga mata at marahang umiling. Ano na ba ang nangyayari sa kanya? Epekto pa rin ba iyon ng aksidente? Bumugso na naman ng mabilis ang tikbo ng puso niya. Nais yata niyon na tumalon papunta kay Romeo.
“Corazon?” napatingin silang lahat sa tumawag sa pangalan niya. “How long do you plan to stay here?” direktang tanong sa kanya ni Sandra.
“She can stay here as long as she wants,” salo ni Romeo sa tanong ng nobya. “The moment I helped her I know that she’s going to be my obligation. Let her be my obligation until she remembers. And besides, there are a lot of rooms here in the estate. Siguradong hindi siya makakaabala,” dugtong nito na mabilis na sinang-ayunan ng ama nito.
“Pero hindi bahay-ampunan ang tahanang ito, Romeo!” may panggigigil na sambulat ng ina nito.
“Hindi naman tayo nag-aampon, Rosenda. Tumutulong lang tayo sa nangangailangan. Remember, if there are no people like Sabel we will not be with Romeo right this very moment. It’s the high time for us to give back the blessings we are receiving,” sagot ng asawa nito.
“All right, let me just think that this is a charity case,” may pagkaasar na binalingan na lamang ng señora ang pagkain nito pagkatapos ng huling komentong iyon.
“Why don’t we just ask Corazon regarding this matter?” tumuon sa kanya ang pansin ni Sandra. Hindi kaila sa kanya ang kahulugan ng matatalim na titig ng babae na para bang hinihiwa siya at hinahalungkat ang laman niya.
“Honestly, I don’t know when I will leave. I can’t still remember anything. But I’m willing to work while I’m here so that I can pay for my expenses,” diretsang sagot niya. Mga bagay na totoo sa kinalalagakan niyang sitwasyon.
“It’s fine with us, Corazon. But you don’t have to pay anything. You are a guest here. My guest,” tinig iyon ni Romeo na nagbibigay assurance sa kanya. Sinuklian niya iyon ng malapad na ngiti.
“Anyway, let’s drop that topic now. It’s not worth it of our evening. Let’s talk about you two, huh, lovebirds? When will you plan to get engaged? I’m hoping for it as soon as possible. I and Emilio are not getting any younger. We want to witness the wedding,” singit ng ina nito. Nagmuwestra ito sa katulong na salinan ang kopita nito ng alak.
“I still don’t know when, Mama. It’s up to Romeo when will he be proposing. It’s not that I’m bargaining my own self, but I love him so much I can say yes tonight,” tumatawang sagot ni Sandra at sumandal sa balikat ni Romeo.
“Kailan nga ba, Romeo? We would like to have grandchildren and still be able to play with them. Hindi ba, Emilio?” anito at naghanap ng kakampi sa pagsulsol sa dalawa. Tango lamang at tipid na ngiti ang nakuha nitong suporta mula sa asawa.
Humingi ng alak si Romeo sa katulong at inisang lagok ang laman ng kopita. “I’d like it to be a surprise. I need to plan things carefully. No pressure, please,” sagot ni Romeo sa ina nang bumalik ang tingin nito sa anak.
Hearing the idea broke Corazon’s heart into million tiny pieces. She couldn’t accept the fact that Romeo was considering marrying Sandra. It made her hard to breathe.
Ngunit ano nga bang pakialam niya? Bagong salta lang siya sa buhay nito. Kanina nga lamang sila nagkakilalang dalawa. Inaasahan ba niyang sabihin ng lalaki na wala itong balak na seryosuhin si Sandra dahil sa kanya? Siya na isang estranghera sa tahanang iyon?
Marahas siyang napatayo na ikinabigla ng lahat.
“Anong problema, Corazon? Tapos ka na bang kumain?” ani Sabel.
Napahiya naman siya sa naging aksyon. Yumuko siya at humingi ng paumanhin sa mga ito. “Sumama lang po ang pakiramdam ko. Magpapahinga na po ako. Salamat sa hapunan,” aniya at tumalikod na.
Tumuloy siya sa inuokupang silid. Pabagsak na humiga siya sa kama. At sa hindi mawaring dahilan ay napaluha siya. Isinubsob niya ang mukha sa unan at patuloy na umiyak.
KINAUMAGAHAN ay niyaya siya ni Sabel na mamili ng mga gamit sa mall. Nagpaunlak naman siya rito dahil hindi siya nito tinantanan hangga’t hindi siya pumapayag. Isinama rin nila si Alexa na sapilitan ding niyakag ng tiyahin nito.
“Ibinilin ni Romeo na mamili tayo ng mga damit mo. Huwag ka nang kumontra at mahiya dahil magagalit iyon kapag nalaman niya. Isa pa, nauubos ang magagandang damit ko sa kakapahiram sa ‘yo,” nakatawang litanya ni Sabel, napakaganda nito at napakabait. Ang mga mata nito ay sumisingkit tuwing nagsasalita at tila guhit na lang ang natitira kapag tumatawa.
“Sobra-sobra na ang naitulong sa akin ni Romeo, paanong hindi ako mahihiya? Maraming salamat sa inyo.” Sa kabila ng mga bagay-bagay na gumugulo sa isip niya ay nagawa niyang ngumiti ng totoo. Sabel’s smile was so contagious. “Sana makaalala na ako, Sabel. Ang hirap ng ganitong sitwasyon na kahit sarili ko ay hindi ko kilala.” Nalulong na naman siya sa mga isipin at kinapa ang sing-sing sa kanyang daliri.
Hinaplos ni Sabel ang kanyang balikat. “Don’t worry too much, Corazon. I-enjoy na lang muna natin ang shopping spree na ito.”
Muli ay napangiti siya. Tumuloy na silang tatlo sa department store ng mall. Una silang nagpunta sa racks ng mga blouse. Naengganyo siyang tumingin-tingin doon dahil napakagaganda ng mga damit pero nang silipin niya ang presyo ay ibinalik agad niya ang mga iyon.
“Ang mamahal naman dito, Sabel. Huwag na lang kaya tayo dito mamili. Baka pwede tayong lumipat sa iba.”
“No, dito ibinilin ni Romeo tayo mamili. The store is owned by one of his colleagues. Baka magkatampuhan pa sila kung lilipat tayo sa ibang store.”
“Pero tingnan mo ito,” kinuha niya ang isang puting blouse na may burda ang mga disenyo. Inabot niya rito ang tarheta. “Isang libo na ito mahigit. Hindi ko matatanggap na gagastos siya ng malaki para sa damit ko lang.”
Natawa lang ito sa reaksyon niya at ibinalik ang blouse sa pinagkuhaan niya. Dinampot nito ang isang floral na bestida. Violets at lavenders ang naka-imprentang disenyo. “O, ayan. Bagay na bagay sa ‘yo. Ang ganda-ganda mo sa damit na ‘yan, nagbi-blend sa asul na mga mata mo. Huwag ka ng mailang, mura lang ‘to kaysa doon sa suot mo noong matagpuan ka ni Romeo. You were wearing Prada, Corazon. I bet you’re rich, too. Kapag nakaalala ka at mayaman ka pala, bayaran mo na lang sa kanya.”
“Kung ano-ano naman ‘yang conclusion mo. Malay mo naman hindi original iyon. Baka made in China?”
Nagkahagikgikan sila ni Sabel. Mayamaya ay isa na namang bestida ang iniabot nito sa kanya. “Wala akong alam sa fashion pero sure akong original iyong suot mo. I don’t want to say this pero baka na hold-up ka that night, Corazon. That wound you have in your stomach, it came from a stab. All your things were gone, and you were left inside that wrecked car… bleeding to death,” sumeryoso ito pagkatapos ng mga sinabi.
“I would know once I have my memories back.”
“I’m so sorry. The police are doing their best to trace the driver of the taxi. Justice needs to be served.”
“I trust them but for now, I guess I just need to stay sane,” nilakipan niya ng tawa ang sinabi at kinuha ang pinapasukat nitong bestida. “I’ll take this. You have a very good taste, Sabel.”
Pagkatapos niyang makapili ng mga damit ay dumaan sila sa child section para hanapan ng damit si Alexa. Parang manyikang de susi ang pamangkin ni Sabel dahil hindi ito kumikilos ng kusa o nagsasalita man lang. Masyado ring malungkot ang mga mata nito at walang sigla ang mukha.
Nasa isang restaurant na sila ni Sabel nang maitanong niya kung ano ang nangyari kay Alexa bakit ganoon ito katamlay. Uminom muna ng tubig si Sabel bago sinagot ang tanong niya.
“It’s a long story, Corazon. And very painful.” Lumunok ito na tila may sinok na pinigil lumabas. “She lost her parents at a very young age. It was a m******e and she was left alone with her parent’s dead body for days,” halos bulong ang paglilitanya nito, nakatingin sa tahimik na pamangkin.
“I’m very sorry to hear that, Sabel. Hindi ko sinasadyang maitanong.”
“It’s okay. It had been years. Ngayon naman ay mas maayos na ang lagay namin. Salamat din sa tulong ni Romeo.”
“Matagal na ba kayong magkakilala ni Romeo?”
Uminom itong muli ng tubig. “It’s a long story, too. Nakita namin siya sa dalampasigan ni Alexa. Walang nakakaalam ng totoong nangyari sa kanya dahil wala rin siyang maalala kung ano ba talaga ang nangyari at napadpad siya sa lugar namin. May… amnesia din si Romeo. Actually, it’s a selective amnesia.”
“What do you mean?”
“Mahirap ipaliwanag, Corazon. The last memory he has when we found him was when he was fifteen years old and being abducted by kidnappers. Nang magising siya, he was shocked to know that he was already twenty-two. Wala siyang maalala sa naging buhay niya for the last seven years. Hanggang ngayon na magbebeinte-nueve na siya ay wala pa ring ala-alang bumabalik. Isa rin iyon siguro sa dahilan kung bakit determinado siyang tulungan ka.”
Napipi siya sa kaalamang iyon tungkol kay Romeo. Parang kay hirap tanggapin na lang na may mga bahagi ng pagkatao nito ang hindi na nito maaalala pa. Parang nakababaliw isipin na malilimot niya rin ang mga taon ng buhay niya. Ayaw niyang mangyari iyon. Nanakit muli ang kanyang ulo.
“Sumasakit na naman yata ang ulo mo. Pagod ka na siguro. Umuwi na tayo pagkatapos nating kumain.”
“Okay lang ako. Kaya ko pa.”
“Alam mo, Corazon. Ang gaan-gaan ng loob ko sa ‘yo. Kapag naka-alala ka, huwag mo akong kakalimutan, ha.”
Napangiti siya sa sinabi nito. “Oo naman. Hindi kita makalilimutan, Sabel. Kayo ni Romeo… pati syempre ikaw, Alexa.”
Nag-ring ang cellphone ni Sabel. Binasa agad nito ang mensaheng dumating. “Si Romeo. Magkita daw tayo sa park pagkatapos natin dito. Sabihin ko na lang na sumama ang pakiramdam mo at didiretso na tayo sa mansion.”
“Please don’t!” bigla ay sabi niya. “I’m fine. We can go there.” Bigla-bigla ay napuno ng antisipasyon ang kanyang damdamin. Gusto niyang makita ang lalaki. Parang nangulila siya rito ng husto. Isang kabaliwan marahil ang nadarama ng puso niya.
“Okay, if you say so.” May ngiti sa mga labi ni Sabel pero hindi na ito nagkomento pa ng iba.
Minadali na niya ang pagkain. Medyo nagtagal nga lamang sila dahil hinintay din nilang makatapos si Alexa. Nang umayaw na ang bata ay dumiretso na sila sa park na hindi naman kalayuan sa mall na pinuntahan nila.
Naabutan nila si Romeo na nakaupo sa bench at may hawak na lobo. Iniabot nito iyon kay Alexa nang makalapit sila. Isang long stemmed rose naman ang iniabot nito sa kanya.
“Have you enjoyed shopping, Corazon?”
“Masayang kasama si Sabel. Salamat sa lahat ng tulong mo, Romeo. I will never forget you.”
Inabot nito ang palad niya at pinisil iyon. She felt the surge of volts bridged to her veins. She grew goose bumps all over. Matamang tumitig ito sa kanya, as if he could see through her.
“I will never forget you, too, Corazon. Gusto kong gumaling ka na pero parang ayokong umalis ka. I don’t know why there’s a feeling inside me which I can’t explain. It’s bothering me. It only starts bothering me when I met you. Ironically, I love this feeling growing within my system.”
“Ay, teka. Parang gusto ni Alexa ng cotton candy. Excuse us, please. Tara, Alexa!” ani Sabel at hinigit ang pamangkin palayo.
Mula ay naghinang ang kanilang mga mata na pinaghiwalay ng maikling distraksyon. His dark chocolate eyes met her icy-blue eyes. Walang nagnais na magbaling ng tingin sa iba o makaramdan ng asiwa sa lalim ng kanilang mga tingin sa isa’t-isa.
“A part of me is empty, Corazon,” usal ni Romeo. “There’s a longing here in my heart. A longing which was filled with unexplainable happiness when I’m with you. Sa kabila ng lahat ng tanong at agam-agam ay hindi na ako naghanap pa ng mga sagot at kadahilanan. Sapat ng nandito ka.”
Naipikit ni Corazon ang mga mata. Ninanamnam ang mga salita ni Romeo. Tila may alingawngaw na nagsusumigaw sa kanyang isip. Nagsimula siyang mabingi at pananakitan ng ulo.
“Are you all right, Corazon? Did I say something wrong? Ano ba kasing pinagsasasabi ko. Sorry, I’m so sorry. I’m not in my self today. It’s insane for me to say those words. I’m so sorry… Can you hear me? Corazon? Corazon!?” He was starting to panic.
“Cariño… Cariño…” paulit-ulit na bigkas niya. Umiikot ang kanyang paningin. Dumako ang mga mata niya sa mga bumping cars, sa carousel, sa umiikot na jet plane, sa pamilyang naglalaro ng baril-barilan, sa mga batang nagtatakbuhan, sa langit. Pakiramdam niya ay mahuhulog siya. She screamed loudly. She fell to a bottomless darkness. She didn’t know where to find the way out.
Then she heard a familiar voice calling her name. She followed the voice and saw a spark of light. Nagliwanag ang buong paligid niya. Pinilit niyang magmulat ng mga mata. She saw a glimpse of Romeo. Nasa bisig siya nito at alalang-ala ang anyo.
“Corazon!? Corazon, please wake up…” pagsusumamo nito, almost crying.
Gustuhin man niyang gumising at payapain ang pag-aalala nito ay hindi niya kinaya ang libo-libong imahe na dumagsa sa kanyang balintataw.