PAGPASOK sa loob ng bahay ay bumalik si Corazon sa kusina upang tapusin ang pag-uurong ng mga ginamit nila kanina. Sa kalagitnaan nang pagkaabala niya sa hugasin ay nakarinig siya nang sunod-sunod na busina sa labas. Naisip niyang baka may naiwan si Romeo kaya bumalik ito. Mabilis niyang hinubad ang guwantes na suot at nagmamadaling tinungo ang pinto. Nang makalabas siya ay ibang sasakyan ang tumambad sa kanya. Mula roon ay umibis ang ina ni Romeo at kasama nito si Sandra. Sinalubong niya ang mga ito.
“Magandang umaga, Señora Rosenda, Sandra,” bati niya, trying her very best to act civil towards them.
Pinagtaasan lamang siya ng kilay ng mga ito. “Aren’t you going to open the gate for us, Corazon?” ani Rosenda.
Napilitan siyang buksan ang tarangkahan at papasukin ang mga ito. Ipinark naman ng driver ang kotse nang maayos. Hindi pa man niya pinapaunlakan ay dire-diretso na ang dalawa sa loob ng bagong bahay nila ni Romeo. Naupo ang mga ito sa sofa at tila hinihintay siyang harapin ang mga ito.
“Can you give us a drink, Corazon? I’m thirsty,” mapang-utos na tinig ni Rosenda.
“Ano po bang gusto ninyong inumin? Juice, tea, or coffee?” atas ng kagandahang asal na tanong niya.
“I want wine. How about you, Sandra?” anito at binalingan ang kasamang babae.
Ngumiti sa kanya si Sandra. “Any drink you have here, Corazon na hindi makakasama sa baby namin ni Romeo,” tugon nito. Hinimas-himas nito ang tiyan na hindi tinatanggal ang tingin sa kanya.
Kulang ang sabihing nagulat siya sa sinabi nito. Parang nagunaw ang mundo niya sa mga binitiwan nitong mga salita. She felt dying inside.
“O, bakit parang naestatwa ka na diyan? Hindi ba kapani-paniwala ang sinabi ko na buntis ako at si Romeo ang ama? Hindi lang halata sa ngayon dahil maliit pa ang baby bump ko but I’m pregnant and I’m so happy na si Romeo ang ama ng anak ko. You know, we’ve been together for several years before you came and snatch him away from me.”
Biglang tumayo ang matandang babae at tumapat sa kanya. “You heard what Sandra said, Corazon. So, I guess you better leave now and never show your face to my son ever again!”
“No, I won’t,” buo ang loob na sabi niya nang makahuma sa isiniwalat ni Sandra. Hindi siya tiyak kung totoo ang sinasabi nito. Sa ugali ng dalawa ay baka nililinlang siya ng mga ito para magalit siya kay Romeo at iwan ito.
“Bakit ba ang pilit mong babae ka?” Mariin siyang hinawakan sa braso ng matandang babae at hinatak palapit sa pintuan. “Hindi ba’t sinabi ko na sa ‘yong wala kang paglalagyan sa pamilya namin? Nahihibang ka na kung iniisip mong makakapayag akong matuloy ang kasal ninyo ng unico hijo ko. Dadaan ka muna sa bangkay ko, Corazon!” Malakas na itinulak siya nito na naging dahilan nang pagsadsad niya sa tiles na sahig.
Alumpihit na sinubukan niyang tumayo pero inapakan ni Sandra ang binti niya nang umahon ito mula sa pagkakaupo sa sofa. “Mama, mukhang cheque lang yata ang hinihintay nito. Why don’t we offer her a million so, she would stop bothering us?”
Umismid naman ang ina ni Romeo at dumukot sa hawak nitong bag. It was a check and she started writing on it. Nang matapos ito ay inihagis nito sa mukha niya ang tseke.
Dinampot niya ang papel ngunit hindi na tiningnan kung magkano ang isinulat doon ng matanda at agad iyong pinagpupunit. Inihagis niya pabalik sa dalawa ang pira-pirasong tseke na inaalok ng mga ito sa kanya. “I don’t need any of your money. Keep it to yourselves and maybe, it can buy you some values!” hindi nakatiis na bulyaw niya sa mga ito.
Napaaray naman siya bigla nang diinin ni Sandra ang sandals nito sa binti niya. “Ang kapal ng mukha mo! Ang sabihin mo, mukha ka talagang pera. Pero alam mo, bilib din ako sa ‘yo. Iniisip mo siguro na mas malaki ang makukuha mong pera kung maikakasal ka kay Romeo, ano?”
“Name your price, Corazon. I’ll give it to you basta iwan mo lang ang anak ko!”
“Pasensya na po, Señora Rosenda pero hindi ko matatanggap ang kahit na anong alok ninyo. Nagmamahalan kami ng anak ninyo at wala akong balak na iwan siya dahil lang sa mga sinasabi ninyo.”
“You b***h!” sigaw ni Sandra sa kanya. Tinanggal nito ang pagkakatapak sa binti niya at sinugod siya nang sabunot sa buhok. Dahil nakalugmok siya sa sahig ay naging madali para ditong hilahin ang mga hibla ng buhok niya.
Napangiwi siya sa sakit nang makitulong na rin ang matanda sa pagsabunot sa kanya. Pakiramdam niya ay makakalbo siya sa ginagawa ng mga ito sa kanya. Inipon niya ang lakas para madepensahan ang sarili at tinisod ang paa ni Sandra. Napatukod ito kaya naabot niya ang mukha nito at ginamit niya iyong gabay para makatayo sa pagkakasadsad sa sahig. Iniangkla niya ang binti na inaapakan nito kanina sa mga hita nito at nagawa niyang mapahiga ito sa sahig. Kinubabawan niya ito at pinalasap ng mag-asawang sampal nang magkaroon siya nang pagkakataon. Pagkatapos niyon ay bigla na lamang itong umungol nang napakalakas. Natigalgal naman siya nang mapagtantong baka totoong buntis talaga ang babae. Kusa siyang napalayo rito at binitawan naman ng Señora ang buhok niya upang daluhan ang babae.
“Danilo, tulungan mo kami. Tulong!” sunod-sunod na sigaw ng matandang babae.
Mabilis namang dumating ang tinawag na driver at binuhat si Sandra palabas ng bahay. Hilakbot na hilakbot siya sa mga pangyayari.
“You better pray that my grandchild is okay, Corazon!” naninindak sa galit na babala sa kanya nito at mabilis nang sumunod pabalik ng sasakyan ng mga ito.
Hanggang sa makaalis ang sasakyan ng mga ito ay hindi pa rin niya magawang makatayo sa pagkatigalgal.
MARAMI nang nainom na alak si Romeo ngunit ang dami niyon ay hindi pa rin nakasapat upang maampat ang pamimighati sa kanyang dibdib. Labis-labis ang paninikip ng dibdib niya at hindi niya magawang huminga nang maluwag. Hindi pa man niya nasisilayan ang anak ay kinuha na agad ito sa kanya. Ito na ba ang tinatawag na karma? Dahil sa pagkakamali niya sa naging relasyon nila ni Sandra at pinabayaan ito? Hindi ba’t masyado naman yatang malaki ang kinuha sa kanya bilang kabayaran? Lalo pa’t si Corazon ang may dahilan nang pagkalaglag ng sanggol sa sinapupunan ni Sandra. Hindi niya alam kung paano niya kakayanin ang lahat ng iyon. Sobrang nanghihina ang buong pagkatao niya.
Muli siyang tumungga sa bote ng alak at nagpakalunod upang kahit paano ay makalimot ang sistema niya. Pero mas lalong sumisiksik sa isip niya ang tagpong naabutan niya sa ospital kung saan dinala si Sandra. Marami itong galos sa mukha at katawan. Hindi rin maampat ang pagdurugo nito. Ibayong sakit at lungkot ang gumuguhit sa mukha nito. At wala siyang magawa sa nangyayari dito kahit gamit ang mga salita.
Ang kanyang Mama ang nagpaliwanag sa kanya ng nangyari. Bumisita lamang daw ang mga ito sa bahay nila para makausap siya at hindi raw alam ng mga ito na hindi pa niya nasasabi kay Corazon ang kalagayan ni Sandra. Kaya nang malaman iyon ng fiancée niya ay bigla raw nitong sinugod ang mga ito. Hindi daw maawat ng mga ito ang pagwawala ni Corazon hanggang sa mamagitan na ang driver nilang si Danilo. Subalit huli na ang lahat dahil napuruhan na si Sandra at ang bata ng mga sandaling iyon. Kinumpirma niya mismo iyon kay Danilo at tugmang-tugma ang kuwento ng mga ito. Hindi man niya mapaniwalaan sa simula na magagawa iyon ni Corazon ay hindi niya rin masasabi kung nanguna na naman ang bugso ng damdamin nito katulad nang huling magpambuno ang dalawa.
Ayaw niyang isisi lahat dito ang pangyayari. Dahil alam niyang may pagkakamali rin siya at pagkukulang. Sana ay nasabi niya agad rito ang kalagayan ni Sandra para hindi rin ito nabigla sa naging reaksyon nito. Sana ay hindi nadamay ang walang kamuwang-muwang na magiging anak niya. Pero huli na ang lahat at wala na siyang magagawa pa kundi harapin ang sitwasyong kinalugmukan nila.
Sunod-sunod ang naging pagtungga niyang muli sa bote ng alak hanggang sa maubos ang laman niyon. Kumuha pa siya ng panibago at binuksan iyon. Hindi niya tinigilan ang bagong bote ng alak hangga’t hindi iyon nasasaid.
Mayamaya’y naisipan niyang umuwi sa kabila ng kasalukuyan niyang estado.
PASADO hating-gabi na ay wala pa rin si Romeo. Ni hindi nakatanggap si Corazon ng tawag o mensahe mula rito na gagabihin ito. Mas lalong sumisidhi ang kaba sa dibdib niya sa bawat oras na lumilipas. Bugbog na bugbog ang katawan niya pero hindi siya dalawin ng antok dahil sa malakas na kabog ng puso niya. Maya’t-maya rin ang paroon at parito niya sa apat na sulok ng bahay nila dahil hindi siya mapalagay buhat nang bisitahin siya nila Sandra at Rosenda at nang tila mapuruhan niya ang una sa pag-aaway nila kanina.
What if I killed Sandra’s baby by accident? My God, please no… I wouldn’t be able to bear it for the rest of my life.
At paano niya pakikiharapan si Romeo kung ganoon nga ang kinahuntangan ng mga pangyayari kanina? Kaya ba niyang harapin ang galit nito? Ang pagdadalamhati nito dahil sa nagawa niya? Siguradong kinamumuhian na siya nito at malabong mapatawad.
Nang makarinig ng ingay ng sasakyan sa labas ng kabahayan ay sumilip si Corazon sa bintana at namataan ang pumaradang taxi. Susuray-suray na lumabas mula roon ang bulto ni Romeo. Naging mabilis ang paggalaw niya upang salubungin ito sa tarangkahan. Binuksan niya ang pantaong gate at nagtama ang paningin nilang dalawa. Halo-halong emosyon ang nakabalatay sa mga mata nito.
“Bakit? Bakit, Corazon? Paano mo nagawa iyon? I’m about to sacrifice everything for you! I’m prepared not to marry Sandra and have an illegitimate son just to be with you! I let my relationship with my mom to go downhill just to be with you! And this is what I would get? Did I deserve this? I know I made mistake and I’m not justifying it by playing victim here. But it’s too much. It’s too much. You’ve taken my baby away from me! My child…” Nagtatagis ang mga bagang nito sa pagitan nang paghagulgol at pagsasalita. Damang-dama niya ang galit sa tinig nito at ang kirot na nararamdaman nito.
Wala siyang maapuhap na sabihin. Alam niyang walang salita ang makakapagpalubag ng damdamin nito sa ngayon. Gusto sana niya itong yakapin ngunit hindi niya magawa sa takot na nararamdaman.
Napatay niya ang anak nito. Isa siyang criminal at nagkasala sa mata ng Diyos. Ano pang magagawa niya para maitama iyon? Wala maliban sa humingi ng kapatawaran.
“Umalis ka na sa harapan ko, Corazon. Ayaw na muna kitang makita sa ngayon. Hindi ko kayang nandito ka sa tabi ko dahil mas pinapalala niyon ang sakit dito sa puso ko. Kung pwede lang na burahin ko itong nararamdaman ko katulad ng mga ala-ala ko ay ginawa ko na. Pero hindi, hindi ko kayang gawin. Kaya pakiusap, umalis ka na!”
“I’m so sorry, Romeo. Hindi ko sinasadya. Hindi ko---”
“I could sue you for this! So, please get out of my sight now! I don’t need your explanation. It’s not important as it will never bring back my child’s life! Leave me alone, Corazon bago kung ano pa ang masabi ko sa ‘yo at magawa ko!” Tinalikuran siya nito at dumiretso sa loob. Pabagsak na isinara nito ang pintuan.
Naiwan siya sa labas na parang estatwa na hindi makakilos. Hindi niya alam kung ano ang gagawin maliban sa umiyak. Clearly, Romeo needed space and she had to give it to him. Isinara niya ang gate at naglakad palayo. Wala sa sariling tuloy-tuloy ang hakbang niya. Ni hindi niya namalayang nababasa na pala siya ng ulan kung hindi siya nadulas sa basang kalsada. Bumangon siya ngunit muli ring isinalampak sa gilid ng kalsada ang sarili sa sobrang panghihina.
NAPAKALAMIG ng paligid nang magising si Romeo. Dinig niya ang buhos ng ulan sa labas. Kinapa niya ang katabi ngunit blangko iyon. Iminulat niya ang mga mata upang isara lamang ang mga iyong muli. Tumitibok ang sentido niya sa kirot na nararamdaman sa ulo. Unti-unting bumalik sa isipan niya ang mga naganap kahapon na pilit niyang nilunod sa alak. Sumigaw siya walang katapusang hinagpis na lumulukob sa kanyang sistema. Paulit-ulit niyang iniuntog ang ulo sa headrest ng kama habang patuloy na pumapalahaw.
Nasaan na kaya si Corazon ngayon? Tanong niya sa sarili.
He could have said things he didn’t mean to say due to the influence of alcohol. He wondered if he even tried to get her side of the story during their confrontation. Or did he just blatantly accused her of murdering his child? Did he put all the blame on her? Did he hurt her? Romeo couldn’t remember the answers to his own questions. He could only remember a little and that was when he asked her to leave him alone.
Ngayon nagawa na niyang lunurin ang sarili sa alak at wala na ang epekto niyon ay kailangan na niyang bumalik sa realidad. At harapin ang mga nangyari kahit gaano man iyon kasakit. Kailangan niyang lubusang maunawaan ang lahat at magpatuloy sa buhay. Ngunit anong buhay ang ipagpapatuloy niya? Ang mamuhi nang tuluyan kay Corazon o ang patawarin ito at ituloy ang ipinangako niyang kasal? Kaya bang tanggapin ng sarili niya ang pagkawala ng anak nang hindi darating ang sandaling maisusumbat niya rito nang paulit-ulit ang nagawa nito, sinasadya man o hindi?
He wasn’t sure. Right now, he could only feel a tremendous pain. A lost. And he knew that he wouldn’t be the same again.
Pilit siyang bumangon. Dumiretso siya sa banyo para makapaghilamos at nag-ayos ng sarili. Nagpalit siya ng damit at bumaba. Umuulan pa rin sa labas. Mukhang hindi agad iyon titila. At wala ang sasakyan niya sa kung anong dahilan na hindi niya maalala. Naghanap na lamang siya nang payong para makalusong sa lakas ng ulan.
He needed to find Corazon.