“Anong ginagawa mo dito, Gerard?!” nalukot ang mukha na tanong ni Bernice. Hinigpitan niya ng tali ang buhol ng kanyang tuwalya. Iba ang kutob niya sa kararating na binata. Mababanaag kasi ang pagnanasa doon at nakita niya kung paano gumalaw ang lalagukan ni Gerard. “Lumabas ka na at kailangan mo silang i-monitor! Mamaya atakehin ng pagiging palaaway ang kakambal ko, baka ibalibag niya pa si Tim!” ani Bernice. Seryoso naman si Bernice sa kanyang sinabi. Ang kakambal ay may ugali na minsan ay hindi nito pinapalagpas ang mga parinig, lalo na kapag kapwa bakla. Talagang nanunupla si Brendan. Kaya nga ang mga kapitbahay nila sa looban ay walang nangahas na biruin o kantyawan ang kakambal dahil sa talas ng dila nito at kung kailangan nitong makipagsuntukan ay ginagawa nito. “Utang na loob,

