FTW30:Walk out

1219 Words

Walang nagawa si Tim sa naging utos ni Gerard. After all si Gerard ang big boss at kahit sabihin pa na manager si Tim ay wala nga naman itong naitulong ultimo sa production ang nabanggit. Kaya, nakahinga ang production team nang nakita na bumaba na si Tim mula sa taas matapos nitong bitbitin na ang mga gamit na nakasilid sa bag nito. Todo simangot pa ito at masama ang tingin kay Bernice. “You better watch how you look at other people, Tim. Baka hindi kita matantya at dukutin ko pa ang mata mo,” seryosong saad ni Gerard. Hindi man niya maaring ibunyag ang relasyon nila ni Bernice sa ngayon ay hindi naman siya makapapayag na basta na lang itong alipustahin ng kung sino lang. Naging maganda na ang shoot nila sa dalampasigan. Kahit pa binabae si Brendan ay hindi naman halata sa galaw nito l

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD