FTW31 Hindi na natuloy ni Gerard ang kanyang balak na tabihan sa pagtulog si Bernice. Halata sa mukha ng nobya ang labis na pagod sa halos apat na araw na shoot. Kahit tinutulungan naman ito ni Brendan ay nakakapagod pa rin ang magpakain ng sampung katao ng tatlong beses sa isang araw. Kaya, nilapitan na lang niya ang tulog ng nobya at inayos ang kumot nito. In-adjust na rin niya ang aircon at nilisan na kaagad ang silid na iyon. Mahirap na at baka mabisto siloa ng kakambal nito. Kung siya lang ang masusunod ay gusto niyang ipagsigawan na sa buong mundo na nobya niya ang isang Bernice Gacho. Husgahan man sila ng nakararami dahil sa maling pananaw ng mga ito ukol sa pagiging apat na beses na biyuda ay wala siyang pakialam. Ang mahalaga ay alam niya ang totoo at kung anuman ang magiging

