MABUTI na lamang ay hindi ganoon kalala ang sugat niya sa tagiliran at ulo. Sadyang bukong-bukong niya lamang ang napuruhan dahil naipit iyon sa pagitan ng pinto ng kotse at driver seat at pinilit niya pang hilahin ang kanyang paa kahit namimilipit na siya sa sakit makaalis lang sila ng kanyang anak. Isa pa sa kinagaan ng loob niya ay ligtas rin si Mang Rodolfo, iyon nga lang, mas kailangan nitong tumagal sa ospital dahil sa tinamo nitong sugat sa ulo at leeg. "She's dead," malamig nitong saad. "H-how?" nagitla siya sa sinabi nitong balita. Sandali itong natahimik tsaka tumikhim. "She had lost a lot of blood, and her other injuries made it worse." Napabuntong-hininga siya. "But what about her child? Where-" "Long gone," mabilis nitong sagot. Bagaman seryoso ang mukha nito, pero gumu

