WALA NA siyang nagawa kundi pumikit at hintayin ang nakaambang na kamatayan nilang mag-ina habang yakap niya ng mahigpit ang kanyang anak na patuloy pa rin sa pag-iyak. Kinulong niya ito ng maigi sa kanyang dibdib para protektahan. !!!!#*#@*^#!!!! Ano yun? Anong nangyari? Bigla siyang nagmulat ng mga mata nang marinig niya ang tila pagsabog o malakas na salpukan ng sasakyan. Napanganga siya nang makitang tumilapon ang sasakyan na lulan ni Zara at ilang beses nagpagulong-gulong tsaka tumama sa isang sementadong bakod. Halos mawasak na ito at nagkalat sa kalsada ang basag na bote ng bintana at ilang pira-piraso ng sasakyan. Dahil doon ay lalong nagkagulo ang mga tao. Lahat ay gulat sa pangyayari. Lahat ay taranta. Nagsimulang umapoy ang unahang bahagi ng sasakyan ni Zara. Kita niya rin

