Flashback 1- 1st day of school

1570 Words
Kenneth Marie Brichimore 15 years old young lady. A 3rd year high school student sa isang prestigious school kung saan sila napa transfer from Thailand. May nakapag sabi na kasi sa parents nila na nakita na daw ang kapatid nilang panganay na nawala noon newborn pa lang. Umaasa ang lahat na makikita pa ang Ate Noah nila, wala pa silang masyadong na iintindihan sa mga nangyayari kung bakit nawala ang ate nila at kung sino ang kumuha. Basta ang utos sa kanila mag-aral lang silang mabuti at mag dasal iyon lang ang bilin sa kanila ng parents nila. Nagpalingon-lingon sa paligid si Kenneth nakatayo sila sa harapan ng isang flagpole para sa morning ceremony. First day of new school, new uniforms and new friends. "Junior, right?" tanong ni Adam habang inaayos ang suot nitong necktie sa salamin ng cellphone nito. Napatango naman siya sa kapatid. "Oo." tipid pa niyang sagot. "Sophomore ako. Kaya huwag kang lalapit-lapit sa akin sa hallway. Ayokong isipin ng mga kaklase ko na sabit kita." umasim naman ang mukha ni Kenneth na inayos ang suot na salamin na nilingon si Adam na numero unong chickboy kahit noon nasa Thailand pa sila. Sasabihan sana niya ang kapatid na wag gawin sa Pilipinas ang gawain nito sa Thailand ngunit hindi na siya nakapag salita ng makita sa gilid ng courtyard, sa tabi ng covered walk natanaw niya ang isang lalaki na kilala niya by chance dahil pamangkin ito ng mga Tita Klary at Tita Blessy nila. Si Juan Miguel Razon kung tama ang calculation niya nasa senior na ito ngayon school year. Taller than she remembered. Sharp in his pressed uniform. Quiet and unreadable, but not in an arrogant way—more like… controlled. Reserved. The kind of guy na hindi mo lalapitan basta-basta pero gusto mong sundan ng tingin. Ilang beses na nila itong na meet noon bata pa sila. Nakikita niya ito sa mga salu-salo, pero noon, bata pa silang pareho. At ngayon…parang ibang tao na siya sa paningin niya wala na yung batang lalaki na makulit na laging nakikipag away sa bunso nitong kapatid na si Mikay na bata naman ng isang taon kay Adam na palaging pinaiiyak nito. "Hoy! Hoy!" Kinawayan siya ni Adam sa harap ng mukha niya saka palang siya napatingin sa kapatid ng matauhan habang nakasunod ng tingin kay Miggy. "Ha?" "You’ve been staring in the seniors’ direction for a while now. You’re looking at Juan Miguel, aren’t you?" "Hindi ah—" irap niya sa kapatid na ngumisi naman na tumingin kay Juan Miguel. "Bakit? Crush mo si Kuya Onemig? May chance ka ba, feeling mo?" pang-aasar pa ni Adam sa kanya na tumawa pa na inis naman na bahagya niya itong itinulak. Sabay irap rito at hindi na ito pinansin. After ng flag ceremony agad na niyang iniwan ang kapatid at nag-usap na lang na mag kita mamayang uwian dahil iyon ang bilin ng Daddy nila bawal silang umuwi ng hindi magkasabay at bawal din ang sabit kung hindi man sila dederetso ng uwi kasama nila ang mga bodyguard nila kung saan sila pupunta. - - - - - Pasimple naman na naglalakad si Kenneth sa outside basketball court ng school na kunwari papunta lang siya sa kabilang building pero ang totoo. Nakita niya si Juan Miguel na naroon at nag lalaro ng basketball kasama ng mga kaklasemate nito. Kunwari pa siyang nag squat at nag panggap na nag tatali ng sintas ng P.E shoes niya. Pero ginawa lang niya iyon dahil nakita niyang tumakbo si Juan Miguel patungo sa bench malapit sa kanya. At kumuha ito ng tubig sa bag nito at uminom, napatingin naman siya rito pero ng bigla itong yumuko at napatingin din sa kanya mabilis siyang tumayo at nag mamadaling lumayo habang nakangiwi at na iinis sa sarili kung bakit para siyang spring na tumilapon. Baka kung anong isipin nito sa naging reaction niya, it's been 2 months since mag transfer sila sa school na yun. And she found herself having secretly in love with Juan Miguel Montenegro Razon, One-sided lang pero no worries wala din naman siyang balak na sabihin. Masaya na siya na nakikita ito araw-araw, enough para pakiligin siya at matulog sa gabi na may ngiti sa labi. Makita lang ito buo na ang isang araw niya. "Uy," sabay lapag ni Adam ng bag sa tabi niya sa cafeteria. "May load ka ba?" tanong pa nito ng maupo sa tabi niya. "Wala, e." pabalang na sagot niya sa kapatid na ang sabi wag daw lalapit dito dahil ayaw nitong mapagkamalan na mag jowa sila. Sa loob ng 2 months naka ilang girlfriend na agad ang kapatid niya. Kaya ang ending siya na ang inaaway ng mga babaeng niloloko nito. "Sayang, may picture pa naman ako ni Juan Miguel Razon diba crush mo yun." malakas pang wika nito na ikinalingon naman ng ilang studyante na nasa cafeteria na buti nalang iilan lang at puro karamihan lalaki lang. Inis naman na sinuntok ni Kenneth ang hita ni Adam na napa-uklo sa mesa. "Sumo-sobra ka na! Isusumbong na talaga kita kila mommy." "Isusumbong din kita, sinaktan mo ako...ahhh sakit.. talaga!" daing pa nito na hinihimas ang hita. "Magkano ba kasi load." "499 unli data." mabilis na sagot nito na umunat bigla ng upo. "Adam…" He shrugged, evil grin on his face sabay bukas ng cellphone at ipinakita ang isang picture ni Juan Miguel na naka swimming trunks lang sa loob ng pool area ng school. "Isend mo na." kunwaring na iinis pang wika ni Kenneth. "Paano ko i-sesend e wala nga akong load. Ang hirap pa naman niyang kunan ng stolen shot takot na takot ako kanina baka may makakita sa akin, nakakahiya." "Nakakainis ka talaga, asan ba ang baon mo?" "Ubos na." balewalang sagot ni Adam. "Ubos na? Sobra kang gumastos. Saan mo dinala." "Hay! Wag ng maraming tanong send mo na saka ikaw muna bahala sa baon ko huh! Libre mo na din ako ng milktea." wika pa ni Adam na paangat-angat pa ang kilay. "Scammer ka talaga!" "Gusto ko ng milktea. Yung large. Add pearls." ngisi pang dugtong nito. "Ayan na na send ko na." "Asan ang milktea ko muna." tumarak naman ang mata ni Kenneth na tumayo at umorder na ng milktea ng kapatid. "Oh! Ayan na send mo na yung picture dali." "Ito na relax, upo ka na ulit dito." tinapik na ni Adam ang upuan niya kanina na katabi nito. Sumunod naman siya at tumingin sa cellphone ito na sinelect lahat ng stolen shot ni Juan Miguel na napakarami pala kaya naman ang lawak ng ngiti niya pero ganun na lang ang awang ng bibig niya pati mata ng makitang delete ang pinindot ni Adam. "Oooppssss! Sorry sis... no a chance." wika nito sabay nag mamadaling tumayo at hinablot ang milktea at bag nito saka ang bilis na ng takbo paalis. Gusto niyang sumigaw at murahin ito kung wala lang sila sa school. One, Adam was the worst and two, loving someone in silence was harder when your brother was a blackmailing brat. "Hi! Beautiful." nagulat naman si Kenneth ng 5 lalaki ang biglang lumapit sa mesa niya at tinanggal pa ang suot niyang salamin. Hindi naman siya naka imik na pinilit bawiin ang salamin, pero nga ayaw ibigay ng mga ito bag na lang niya ang kinuha niya para umalis na lang pero mabilis siyang pinigilan ng isang lalaki at puwersahan siyang iniupo pabalik. Gusto na niyang umiyak at matakot sa mga ito. Naging malikot ang mata niya at nag hanap ng mahihingian ng tulong pero mga nakatingin lang ang mga ito na parang walang balak tumulong sa kanila. "Transferee ka diba ano panga—" hindi natapos ng isang lalaki ang sasabihin na hahawakan pa sana ang ID niya na nasa dibdib niya ng isang tray ng pagkain ang bumagsak sa mismong table niya kasabay ng isang bag at na gulat si Kenneth ng makita si Juan Miguel na padabog na hinila ang isang upuan. Mabalis pa sa alas kuwatro na umalis bigla ang 5 lalaki ng walang imik na parang mga takot. Napalingon naman siya sa limang lalaki bago kay Juan Miguel. "Hindi ka pa ba aalis, umalis na yung mga kasama mo." wika nito ikinagulat naman niya, na umiling gusto niyang sumagot pero parang naputol ang dila niya. "Hindi mo sila kasama?" tanong pa nito, muli naman siyang umiling. "Ayokong kumain na may nakatingin sa akin, kung tapos ka ng kumain at hindi mo naman sila kasama. Kung hindi naman nakakahiya sa'yo, umalis ka na." para naman batang nag mamadaling tumayo si Kenneth at dinampot ang bag at tray ng pagkain niya saka nag mamadaling tumalikod. "Kenneth." pakiramdam ni Kenneth nag bukas ang langit at may mga angel na nag-awitan ng tawagin siya ni Juan Miguel. "He knows me! He knows me! He remember me!" sigaw sa isip ni Kenneth sabay lingon dito. "Oh naiwan mo!" anito habang hawak wallet niyang nakabukas na muntik na niyang ikangiwi. Akala pa naman niya nakilala siya nito yun pala nabasa lang nito sa luma niyang ID na nasa wallet niya. Nag mamadali siyang lumapit rito at kinuha ang wallet saka nag mamadaling umalis. Pero di pa rin niya naiwasan na mapangiti at least tinawag siya nito sa pangalan niya. Huminga siya ng malalim at pasimpleng dinala sa labi niya ang wallet niya na hawak ni Miggy kania. "Hay! guwapo niya." parang na nanaginip na usal ni Kenneth.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD