Kabado si Kenneth habang nasa labas siya ng library malapit sa may hagdan, nakatanaw siya sa salamin ng bullentin board kung saan tanaw ang mga studyanteng umaakyat at bumaba na rin ng hagdan. First time niya itong gagawin sa buong buhay niya ang literal na gagawa siya ng move para mag papansin. Hindi siya sigurado pero gusto lang naman niya makita ang magiging reaction nito sa scripted niyang plano.
After kasi ng encounter nila sa library para nanaman siyang bacteria, titingnan lang siya pero hindi man lang ngingiti or tatango. Samantalang may pa mine pa itong na lalaman nung nakaraan. Grabe ang effect nun sa kanya hindi siya naka tulog napuyat siya sa kilig. Kaya itong gagawin niya ngayon ay something dangerously close to stupid. Nakataya rito ang dignidad niya bilang babae kaya sobra ang kaba niya sana wag mahalata ni Juan Miguel. Yakap niya ang isang libro na madalas niyang hiramin sa library sa loob nun meron love letter na naka sipit, hindi sa kanya yun mukhang may naka-iwan. The letter addressed to someone code name B2, kahapon niya iyon nakita at nakalagay sa love letter is...
To B2,
You don’t know me but I know you. I see you, I wish I didn’t because every time I do, I fall harder.
She read it at least twenty times. Not because it was meant for her—but because it felt like something she wished someone would say to her. Ngayon gagamitin muna niya iyon para sa plano niya at kung sino man ang may-ari nun na hingi na agad siya ng pasensya dahil kailangan niyang mag panggap na meron siyang secret admirer kahit ang totoo wala naman kasi nga iniiwasan nga siya ng mga classmate at schoolmate niya dahil kay Juan Miguel.
Gusto lang niya makita kung anong magiging reaction ni Juan Miguel kung malalaman nitong meron siyang secret admirer. She waited until the hallway cleared out. She knew his schedule. 3:27 PM—Juan Miguel always passed here after last period to drop by the library para isauli ang book nitong kinuha sa library. Kaya ng makita na itong paakyat bumilis na ang t***k ng puso niya grabe ang kaba niya. Nag simula na siyang mag bilang ng hakbang nito saka pumikit then saka lumabas mula sa kanto ng hallway then boom... There he was.
"Ahhh." usal ni Kenneth ng bumangga na nga siya kay Juan Miguel na hindi man lang siya hinawakan gaya ng mga na papanood niya sa pelikula. Napaka epic fail ng plano niya kaya bago pa siya mapahiya ng sobra habang naka-upo sa sahig at pinag titingnan ng ilang studyante na daan, mabilis na niyang sinimot ang mga librong kunwaring sumabog.
Kukunin na sana niya ang isang stationary ng sabay pa sila ni Miggy na napahawak dun pero hinayaan na niya na ito ang sumimot since iyon naman talaga ang plano. Itinuloy na lang niya ang kunwaring pamumulot ng mga gamit niya saka tumayo at kukunin sana rito ang papel pero iniiwas nito. Nakatingin lang ito sa kanya saka binuklat nito ang love letter na ikina-kagat labi niya. Medyo kabado siya sa magiging reaction nito.
"Wag mo basahin." kunwari pang pigil ni Kenneth kay Miggy pero hindi siya nito pinansin at binasa na rin ng tahimik bago tumingin sa kanya at binasa ng malakas na ikinangiwi ni Kenneth dahil napatingin sa kanila ang mga nag dadaanan na studyante, paano kung makarating sa may-ari ng love letter. Ngali-ngali na takpan ni Kenneth ang bibig nito pero hindi niya alam kung paano.
To B2,
You don’t know me but I know you. I see you, I wish I didn’t because every time I do, I fall harder.
"Iyo ba to?" tanong nito nito na tiniklop na ulit ang letter. Hindi na lang siya sumagot para safe, ito na lang ang mag assume sira na lang din naman ang plano niya. Kinuha na lang niya ang letter at ibinalik sa libro na yakap-yakap niya.
"Secret admirer huh?" ngisi pa nito na humakbang paabante na ikinakaba naman niya na napa-atras na sumagad sa pader. Napakagat naman siya ng labi at naging malikot ang mata lalo at meron ng ilan ang nag vivideo sa kanila. Itinukod ni Miggy ang braso sa ibabaw ng ulunan niya then lean forward na ikinalunok niya.
"Ikaw ba si B2?" tanong ni Miggy na nakataas ang sulok ng labi. Mabilis naman siyang iiwas sana pero mabilis nitong iniharang ang isang braso sa kabilang side niya kaya nakulong siya sa pagitan ng pader at katawan nito. Gusto na niyang tumili hindi dahil natatakot siya kundi mamatay na siya sa kilig. Yung pakiramdam na kinorner ka ng crush mo tapos wala kang magawa kundi tumayo lang.
"Tell your admirer to try harder. That letter’s weak." wika pa nito na halos idikit na ang labi sa tenga niya. Itutulak na sana niya si Miggy ng magulat sila parehas ng biglang may tumulak kay Miggy at halos muntik pa itong ma out of balance sa lakas ng pagkakatulak at pag-lingon niya nagulat siya ng makita si Adam na hinila siya nito sa tabi nito. Nakangiti si Adam kaya hindi niya alam kung galit ba ito o ano bakit kung makatulak ito para naman masyadong OA.
"Pasensya na senior, napalakas yung sampung pursyentong inilabas kong kapangyarihan. Grabe lakas ko pala?" ngisi pa ni Adam na tumingin sa kamay nito na ipinakita pa kay Kenneth saka muling bumaling kay Miggy.
"Pasensya na Senior." wika pa ni Adam sabay akbay sa kapatid na hinila na palayo at wala man lang salita na naging tugon mula kay Miggy.
"Ano yun?" tanong ni Kenneth sa kapatid ng makalayo na sila.
"Paano ka seseryosohin ng isang lalaki kung easy to get ka?" ani Adam na inalis na ang kamay sa pagkakaakbay sa kanya.
"Anong pinag sasabi mo, sira-ulo ka? Anong easy to get?"
"Para sa amin mga lalaki may dalawang klase ng babae isang laruan lang at isang pang display."
"Wag mong gawin general sa'yo lang yun applicable." mataray na wika ni Kenneth.
"Applicable yun sa lahat maniwala ka sa akin, Gaga ka."
"Susubong kita kay Mommy tinatawag mo akong gaga."
"Edi isusumbong din kita dahil lumalandi ka na sa school."
"Hindi kaya." defensive na sagot niya.
"Ang lalaking seryoso sa babae... hindi yan basta lalapit lang dahil gusto niya ang babae." ani Adam.
"Lesson number 1: Normal sa aming mga lalaki na na totorpe kapag tunay ang feeling namin para sa babae.
"Lesson number 2: Iiwasan namin ang babaeng gusto namin dahil nga gusto namin sila kasi nga na totorpe.
"Lesson number 3: Makikipag debate kami sa sarili namin puso kung i-go-go ba o wag na kasi tagilig ang laban.
"Lesson number 4: Kapag hindi na kayang itago, ilalabas na sa paraang tama. Which means is manliligaw ng maayos.
"Lesson number 5: Hindi namin kayang landiin ang babaeng tunay na gusto namin kasi nga hindi sila laruan pang samantala lang. Pang display sila yung tipong aalagaan mo, mamahalin at titiyakin na hindi madudumihan at masasaktan. Gets mo?" ani Adam ng makasakay na sila ng backseat ng kotse nila.
"Grabe ang daming lesson kapag seryoso pero kapag hindi seryoso itaas lang ang palda ng girls at ibaba ang underwear then there you have it Mr. Adam Brichmore." sarcastic na wika ni Kenneth.
"Bahala ka kung ayaw mong maniwala nag sasabi ako ng totoo."
"Talaga lang coming from you na lahat na lang ng babae sa campus, ginagawan mo ng krimen sa banyo." natawa naman si Adam.
"Showbiz lang yun masyado kang nag papaniwala sa rumor."
"Walang usok na kakalat kung walang apoy." irap ni Kenneth.
"Puwes hindi lang naman sa ladies room ko yun ginagawa sa ibang parte pa ng school kung saan gusto ng babae." ngisi ni Adam na pina-ulanan ni Kenneth ng hampas.
"Napaka baboy mo talaga! Sobra ka!" sigaw ni Kenneth sa kapatid.
"Correction ha! Sila ang lumalandi sa akin, may ilan lang akong pinag bibigyan kasi sabi ni Mommy diba be generous to other,"
"Gago! Gag* ka!" tili ni Kenneth na pinag-hampasan ang libro dito hanggang tumilapon ang love letter na nakuha ni Adam na binasa pa nito.
"Ayos ah! May pa love letter na si B1 sa'yo?" kumunot naman ang noo ni Kenneth na hinablot kay Adam ang love letter.
"B1 who?"
"Edi ang crush mo none other than Juan Miguel."
"B1 and code ni Juan Miguel sa school?" tanong ni Kenneth sa kapatid.
"Oo at dahil under radar ka ni B1 kaya may codename ka na din B2 hindi mo alam?" tanong ni Adam.
"Kayo ang sikat na tandem sa school natin sila B1 at B2." wika pa ni Adam na kinuha pa ang cellphone saka ipinakita ang siang GC na hindi siya kasali na ewan ba niya kung bakit ni remove siya sa GC na yun nung last week pa. Nanlaki ang mata niya ng makita ang picture nila ni Miggy ng ma conner siya nito sa pader na may pa caption pa na...
Magugunaw an ang earth... bakit siya pa? sana ako na lang ang kinorner ni B1.
Infairness bagay talaga sila B1 at B2, isang outcast at isang prime and proper.
Basa pa ni Kenneth sa mga sinasabi ng mga studyante.
"Ibig sabihin ako si B2?" wala sa sarili na tanong ni Kenneth at bago pa makatugon si Adam. Malakas na nag titili si Kenneth at nasabunutan si Adam ng di oras saka pinag wasiwasan ang ulo ng kapatid na halos mabali na ang leeg.
"Ako si B2! Ako si B2! Grabe ako si B2..." tili ni Kenneth.