"Anong meron?" tanong ni Adam habang nag lalakad sila sa sidewalk papasok ng campus at kapansin-pansin ang pag-iwas sa kanila ng mga studyante na akala mo mga dala silang mga nuclear bomb kung maka-iwas. Halos 1-week na din after mangyari ang aksidente na yun, mula nun para na siyang may sakit na nakakahawa at wala ng may gustong makipag kaibigan sa kanya o makipag-usap lahat ilag na ilag. At hindi niya alam kung okay lang ba yun o nakakainis. Wala naman siyang magawa kaya siguro okay na din yun kesa lagi siyang napapansin dahil kay Adam. Daig pa niya ang isang radioactive, lahat naka bantay lang sa kanya, lahat nakatingin pero walang may gustong lumapit o kumausap.
"Bakit parang biglang may title ka sa school, ha?" bulong ni Adam na napapalingon sa paligid. Ngayon na lang ulit nakapasok si Adam after nitong magkasakit at so far naman bukod sa medyo pumayat ito hindi naman nabawasan ang gandang lalaki nito na labis pa nitong ipinag aalala nung una.
"Princess of Razon High?" dugtong pa ni Adam na ngumisi.
"Shut up! Manahimik ka na nga lang kung away mong ihampas ko sa bibig mo tung math book ko." mariin na saway niya sa kapatid.
Hindi niya alam kung mahihiya ba siya pakiramdam niya minions na siya ni Juan Miguel, he accidentally dragged her into his world. Yung parang nasa north pole ka na wala kang ibang kasamang tao sa paligid. Things changed, people didn't talk to her. They didn't bully her either but not because they liked her. They were just afraid—because Juan Miguel Razon had spoken her name.
And worse?
Kapag nakikita niya si Juan Miguel, noon hindi ito nalingon basta deretso lang ang tingin nito deadma lang from north korea to north pole ang ang datingan pero ngayon he kept looking at her. Not obviously, never long but she’d feel it. Minsan sa cafeteria, across the gym and during flag ceremony. Kaya naman wala na siyang paki-alam sa ibang studyante kung ayaw na siyang pansinin. Dahil yung kilig niya abot hanggang next school year na. Hindi na siya makatulog sa kakaisp kung bakit palaging nakatingin na sa kanya si Juan Miguel. Hindi man siya nito kinakausp pero yung mga tingin nito na nahuhuli niya isa more than enough para kiligin siya ng bongga.
Minsan na iimagine na din niya kung paano kung crush din siya ng crush niya. Ay grabe na yun imagination niya basta araw-araw na siyang may ngiti sa labi pag matutulog. Kahit ayawan pa sila ni Juan Miguel ng buong mundo ang importante natingin na sa kanya si Miggy.
"Bawal kang mag boyfriend huh! Isusumbong kita kay Daddy." wika pa ng kapatid na sinamaan niya ng tingin.
"Sinasabi ko lang sa'yo, I'm maybe an assh*le brother pero hindi ako papayag na meron lalaking mang-uulol sa'yo dito." anito.
"Edi, sana hindi mo lahat pinapatulan ang mga babaeng dito sa campus." irap ni Kenneth.
"Correction! Hindi ako pumapatol sa kanila sila ang pumapatol sa akin magkaiba yun."
"Spell gago? 4 letters."
"Ayaw nitong maniwala."
"A.D.A.M." pag spell pa ni Kenneth sa pangalan ng kapatid na tumawa pa.
"Hindi lahat pinapatulan ko ano, choosy pa din naman ako. Hindi porket maganda at nag pakita ng panty kinakana ko na."
"Nakakadiri ka wag mo na ngang ikuwento ang kababuyan mo." natawa naman si Adam.
"Sinasabi ko lang ang totoo na hindi lahat ng panty ibinaba ko. Madalas itinataas ko mabaho kasi." biro ni Adam na inis na inis naman na pinag hahampas na ng libro ni Kenneth sa inis dito. Nag tatakbo naman si Adam na lumayo.
"Buwisit! napakababoy talaga."
-
-
-
-
-
Malungkot na si Kenneth dahil maghapon na niyang hindi nakikita si Miggy, asan kaya ito? Hindi yata pumasok, hindi naman siya makatawid sa senior department dahil na ulan at wala siyang maisip na dahilan para pumunta dun since maulan nga. Kaya naman hindi buo ang araw niya, malungkot. Kanina pa siya sa library natapos na niya ang assigment niya pero walang dumating na Juan Miguel para matulog. Kaya naman pakiramdam niya magkakasakit siya ng tumayo para ibalik ang mga books na kinuha sa shelves.
"Hey." nagulat na napasinghap si Kenneth ang biglang mag salita sa kabilang side ng self at muntik pa siyang mapa-atras ng pagsilip niya nakita niya si Juan Miguel. He was standing by at the back shelf casual, calm, dangerous, like always.
Why was he here? Why now? tanong niya sa isip niya, napalunok siya ng laway na tumango lang dito at itinuloy lang niya ang pag sasauili ng mga books na hawak niya habang grabe na yung kabog ng puso niya sa pa hey ni Miggy. I love you na yun sa pandinig niya.
"I said hey." wika pa ni Miggy ng sumulpot na sa dulo ng aisle ng library, bahagya pang napalingon sa paligid ni Kenneth. Walang ibang tao dun silang dalawa lang kaya tiyak na siya ang kinakausap nito ngayon since naka harap sa kanya at naka harang sa daraanan niya.
"Y-Yes?" halos hindi lumabas sa bibig niya ang isang salitang yun sa sobrang kilig na nararamdaman niya. Bahagya pa siyang napa-atras ng humakbang ito papalapit sa kanya pero bigla siyang hinawakan nito sa braso at pinigilan sa pag-atras ang pin her on the shelf na ikinasinghap niya.
"May I ask something?" tanong pa nito na itinuon ang isang kamay sa shelf towering her. Napalunok naman si Kenneth na mahigpit na nayakap ang dalawa pang libro na hawak niya lalo na ng he leaned closer na halos wala ng isang dangkal ang layo ng mukha nila at na aamoy na niya ang hininga nitong amoy mint. Kenneth nodded, throat tight sabay si Juan Miguel pa ang nag-ayos ng bago nanaman niyang suot na salamin na bahagyang bumaba.
"Why didn't you fight back? That day?" napakurap naman si Kenneth sa tanong nito. Habang nakatitig naman si Juan Miguel sa dalagita na hindi niya mabasa ang reaction ng mukha nito na para mas kita ang takot nito sa kanya at hiya at the same time bukod dun wala na siyang makitang kahit ano, ang hirap nitong basahin di tulad ng ibang babae.
"You could’ve screamed. Reported them. Slapped someone. But you didn’t." ani Miggy pakiramdam ni Kenneth hindi na siya nito makakatulog mamayang gabi.
"I… I didn’t think it would help." ngumisi naman si Miggy na hindi naman malaman ni Kenneth kung ngiti ba yun o ngisi.
"Smart or just scared?" ani Miggy. Nagyuko naman ng ulo si Kenneth.
"Both." saglit na natahimik ang paligid nila.
"You’re not what I expected," he said softly.
"Most people crumble when they’re targeted, you didn’t, you stood there. Shaking… but still standing." wika ni Miggy na mas lalong ikinakaba ni Kenneth dahil mas lumapit pa ito at magkadikit na sila literal at kung wala ang braso niya at libro na yakap niya malamang dama na niya ang init ng singaw ng katawan ni Miggy. Dinig na niya ang sariling t***k ng puso niya na hindi na talaga mapakali. And then—He brushed a strand of hair behind her ear. So casually, so deliberately, so dangerously. Na gusto ng ikatili ni Kenneth na dahan dahan na itinaas ang libro sa may labi niya para itago ang pagkagat ng labi niya.
"I don’t like people touching what’s mine," wika pa ni Miggy sabay atras at walang kangiti-ngiti na tumalikod at hindi na lumingon pa habang si Kenneth naman ay parang nalantang gulay na wala sa sarili na napaupo sa sahig. Na nginginig ang tuhod niya na sinuntok-suntok pa niya ang legs dahil bigla yun namanhid dahil sa sinabi ni Miggy.
"What did he mean? Why did it sound like a warning?" bulong ni Kenneth sa sarili niya.
"Ms. Brichmore? Are you okay." biglang napatakbo sa tabi niya ang school librian ng makita siyang naka-upo sa sahig.
"I'm okay, ma'am. It's just that my leg suddenly went numb." alanganin na sagot niya.
"Are you sure? Should I take you to the clinic?" agad naman siyang umiling at ngumiti na nag paalam na lang dito sabay talikod na after mag pasalamat.