Pag daan ni Kenneth sa harapan ng unit ni Miggy huminto siya saka masama ang tingin ang ipinukol sa pinto na parang si Miggy ang nakikita niya roon. Masama ang pakiramdam niya dahil sa hang-over kaya naman lumabas muna siya at nag lakad-lakad na bumili ng softdrinks dahil pakiramdam niya bloated ang tiyan niya. "Bakit ba nagkita pa ulit tayo?" wika pa ni Kenneth sabay sipa sa pinto ni Miggy saka nnagmamadaling tumakbo papasok si Kenneth sa unit nya deretso sa kusina, hawak ang dalawang bote ng softdrinks na binili niya sa labas para pampatanggal ng hangover. Medyo hilo pa siya sa dami ng nainom nila alak kagabi, maghapon na silang nag tulog ni Amira. Nagkataka pa si Kenneth ng marinig na parang may tao sa laundry area niya kaya sumilip siya roon. Nakita niya si Amira, naka

