"Hi! BDO," bati pa ni Miggy kay Amira na bahagyang nagulat pa pero ngumiti. "Isasauli ko lang tong screwdiver." ani Miggy sabay patong sa mesa ng naturang bagay, habang pigil hininga na si Kenneth. "Paano nalaman ang password ng pinto ng fiancee' ko? Hindi yata ako aware na close ka sa girlfriend ko." tanong ni Luke pero kay Kenneth nakatingin. "Lahat ng pinto kaya kong buksan ng hindi ako na hihirapan?" ngisi pa ni Miggy na ikinapikit ni Kenneth na talaga naman pakiramdam niya lalabas na ang puso niya sa bibig niya. "Anong sinabi mo? Nang iinis ka ba?" galit na wika ni Luke. "Si Amira ang nag bigay ng password sa akin kanina, may problema ba?" tanong pa ni Miggy na humawak pa sa likod ni Amira na umawang ang bibig na nag palipat-lipat ng tingin sa kanilang 3 sabay kamot ng k

