"Ma'am ito na po yung copy ng CCTV na hinihingi n'yo po." wika ng security guard ng lumapit sa kanila pag labas nila ng basement parking kasama si Amira. "Ano yan bakit humingi ka ng footage?" takang tanong ni Amira. "Gusto ko lang makita kung bakit na flat ang kotse ko all of a sudden." ani Kenneth sabay lingon ng marinig na tumunog ang pagbukas ng elevator sabay labas ni Miggy na bihis na bihis din. Wala itong ngiti ng una pero ng makita sila bigla ang lawak ng ngiti nito. "Hi! B12," bati ni Amira na kumaway pa na sabay pa na ikinalingon ni Kenneth at Miggy kay Amira na parehas pang salubong ang kilay. "B12?" tanong ni Miggy. "Ediba ikaw si B1 at si Kenneth si B2, and to make it cuter baka kasi ako talaga ang future mo. B12 na lang itatawag ko sa'yo para mahiy

