Tara na maglaro na tayo nga taguan! Sigaw ni Albert. Ako ang taya.
Sige sige, tara na Lyza magtago na tayo, sabi naman ni Lexus.
Nagsimula ng kumanta ang taya.
Langit lupa impyerno, im-impyerno. Pagbilang ko ng sampu ay nakatago na kayo.
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10.
Wag mo na isama si Lyza Lexus, pigil ni Josh kasi mahilig kang magtago sa halamanan baka kagatin siya ng mga kulisap o kaya masugatan na naman siya. Halika na Lyza, dun lang tayo magtago oh.
O sige Josh, tara na Jana, tawag nya sa kapatid nito. Magakakahawak ang kamay na tumakbo ang tatlong bata.
Kuya Lexus tara dun tayo, sabi naman ni Robert. Bridgette tara na..
Ayaw ko sali sa inyo, liit pa ako eh, sigaw naman ni Alexander.
Ako din hinde sali, sabi din ni Bridgette.
Oh sige, wag kayong aalis dito ha, sabi ni Lexus sa dalawang maliit.
Nakatago na ang lahat bago pa matapos kumanta ang tayang si Albert.
Hoy nasan na kayo, ang unang mahuli, susunod na taya ha.
Umiikot sa paligid si Albert ng makita ang bestidang nakalitaw sa likod bahay.
Hmmmnn si Lyza yata yun ah. Sa loob loob nito. Lyza nakikita na kita.
Kinabahan ang bata sa nadinig, ngunit nagulat siya ng lumitaw si Josh kaya nakita ni Albert.
Aha, Kuya Josh bong ka na, sabay takbo sa base, bong kuya Josh, safe, sabay tapik sa puno.
Sa larong ito kasi pag nakita ka ay kailangan mong sumigaw ng bong at tapikin ang puno na ginawa mong base at sasabihin ang safe bilang katibayan na nahuli mo na ang kalaro.
Ayun pa, bong Lexus safe, tapik ulit sa puno. Tumakbo at umikot ulit si Albert at nakita si Jana, bong Jana, bong Lyza. Tumakbo ulit sa puno at tinapik ito, safe safe. Bong Robert, safe.
Daya naman ni Kuya Albert, di pa kami ulit nakakatago eh na bong na kami, reklamo ni Jana.
Taya na si Kuya Josh. Wag ka ng magreklamo, sagot ni Albert.
Josh bakit ka lumabas, ako sana ang taya. Sabi ni Lyza.
Eh ayaw kong mapagod ka kakahanap. Sige na, magtago na kayo dun sa may likod bahay ni Jana sa may labahan at wag kayong lalabas. Hinde ko kayo tatayain. Lumabas na lang kayo pag nadinig nyong nataya ko na ang lahat.
Nagliwanag naman ang magandang mukha ng batang Lyza at hinatak na si Jana.
Ilang sandali lang nahanap ni Josh ang iba at unang nataya si Lexus. Nag mataya na ang iba ay lumabas na kami ni Jana ngunit napakahirap naman hanapin ni Albert. Siya na lamang ang hinde pa natataya.
Sa tagal ng paghahanap ay tumulong na din ang iba para makita si Albert.
Sama-sama silang naghanap hanggang makarating sila sa Parang, may maliit na bundok ito at puno ng mga ligaw na damong may magagandang bulaklak. Nasa gilid si Albert, nakahiga at tulog.
Eh paano pala natin makikita ito eh tulog na dito at ang layo ng tinaguan. Madaya talaga, reklamo ni Jana.
Wow ganda flowers sabi ni Bridgette at nagsimula ng mamitas.
Si Jana naman ay gumawa ng pinagtali taling damo at nilagaw sa kanyang ulo..
Tama, maglaro tayo ng kasal kasalan. Sabi ni Lexus.
Oo tara maganda yon, pero sino ang ikakasal sabi ni Albert.
Ako na lang, papakasalan ko si Lyza. Sagot ni Lexus.
Hinde pwede kasi bata ka pa. Si Kuya Josh dapat ang ikakasal kasi pinakamatanda siya. Singit ni Jana.
Sige kayong dalawa ni Kuya Josh kunyari ikakasal. Sabi ni Albert.
Lexus hinde pede kasi magkapatid kami. Si Lyza ang papakasalan ni Kuya, di ba Kuya. Pagpipilit ni Jana.
Oo sige, kami na lang ni Lyza ang magpapakasal.
Oo ayos yon kasi yung iba hinde naman pwede ikasal kay Jana at Bridgette kasi magpipinsan tayo. Sagot naman ni Albert.
Tama si kuya Albert. Tara ayusan na natin si Ate Lyza, singit ni Robert..
Ito na yung korona nya sa ulo, gagawa na lang ako ng hahawakan nyang flowers. Sabi ni Jana.
Sinimulan naman ng ibang bata ang paggawa ng dadaanan ng ikakasal.
Sino ang pari? Tanong ni Lexus.
Ako na lang, pagpiprisinta ni Albert.
Suutin mo itong sako na to sabi ni Robert sa kapatid nya kasi di ba nakaputi ang pari.
San mo naman ito nakuha? Nagtatakang tanong ni Albert sa kapatid.
Dun kuya sa nakabalunbon na yon, may itak din dun na ginamit ko pangbutas nito oh. Bibong sagot ni Robert.
Naku baka mamaya sako ito ng palay, lagot tayo. Nag-aalalang sabi ni Josh.
Hinde na nila mapapansin yan. Singit ni Jana. Nakaayos na ang daan papunta sa altar. Dito ka na Lyza.
Tamihik naman itong sumunod.
Kuya Josh dito ka na. Umayos na din ang pari dun sa pinakatuktok. Sabi ni Jana
Nagismula ng kumanta ang mga bata.
Tantantanan
tantantanan
tantantanan.
Mabagal akong lumakad paakyat ng maliit na burol hanggang makarating ako sa tapat ni Josh.
Agad naman nitong iniabot ang kamay at magkahawak kamay silang lumakad papunta sa altar.
Nandirito tayo ngayon para sa pagkakasal kina Josh at Lyza. Umpisang pananalita ng paring si Albert.
Hinde pagkakasal, sabihin mo pag-iisang dibdib. Bulong ni Jana.
Ang ibang bata ay nakatayo sa likuran ng mga ikakasal.
Ok na yon, sagot naman ni Albert.
Josh tinatanggap mo ba maging asawa si Lyza?
Opo father.
Lyza, tinatanggap mo ba maging asawa si Josh?
Napatingin muna ako kay Josh at hinde makasagot sa sobrang kabang nararamdaman.
Hinawakan naman ni Josh ang aking kamay at pinisil. Sabihin mo na oo, bulong nito.
O o opo father, nauutal kong sagot.
Yehey … palakpakan ng mga bata.
You may now kiss your bride, kasal na kayo. Pagtatapos ni Albert sa seremonyas.
Lumapit naman si Josh at humalik sa pisngi ng bahagya.
Kuya Josh sa lips ang kiss pag kinakasal, singit ni Robert. Ano kaya yon sa pisngi nagkiss. Eh hinde pa kayo kasal nyan.
Oo nga Kuya, di ba father dapat sa lips, sabi naman ni Jana..
Wag na magkiss mga bata pa tayo eh. Maktol ni Lexus.
Kiss na, pag walang kiss walang kasal….. sabi ni Albert.
Lumapit si Josh at mabilis akong hinalikan sa labi.
Right at that moment, I knew I fall in love with Josh. He is my first kiss. Mukhang di ako makakatulog mamaya dahil sa halik ni Josh.
Pagkatapos dito ay maligo tayo sa falls. Sabi ni Albert.
Wag kuya kasi wala tayong kasamang matanda, baka may mapahamak satin. Sabi ni Lexus.
Oo nga wag tayo dun. Sang-ayon ni Lyza dahil naisip nyang mawawala ang halik ni Josh kapag nabasa ito.
Mabuti naman at di na nangulit si Albert.