Young Heart

1063 Words
Ganito kasaya ang aking mga summer days kasama si Josh. Umaga palang pagkagising ay malungkot na ang pakiramdam ni Lyza, paano ba naman eh tapos na ang bakasyon at babalik na ito sa Maynila.. Anak bangon ka na ng sabay sabay na tayo makapag-almusal. Tawag ng Nanay sakin. Sige po mauna na kayo. Mukha yatang malungkot ang prinsesa ko. Dahil ba uuwi na ang crush mo? Pambubukaska ng ama. Tatay naman eh. Tsk mahal wag mo ng asaran ang baby ko. Sabi naman ng Inay. Nanay naman isa pa po kayo eh sabi ng hinde na ako baby eh. Oh siya sige na dalaga ka na. Hinde ka man lang ba magpapaalam sa kanila? Sige na po babangon na ako. Ayan sige anak hihintayin ka namin ng Nanay mo bago kumain. Ok po Tay. Maghihilamos lang po ako. Sa almusal ay napansin kong malungkot din si Josh. Pagkaagahan ay gumayak na din sila paalis at ako naman ay sa hardin na nagtambay para kahit paano ay mabawasan ang lungkot ko dahil ang mga bulaklak ay sadyang nagpapasaya sakin. Napansin kong madami ng tuyong dahon ang mga orchids at ilang halaman kaya naman nakialam na ako na kuhanin ang gunting sa halaman at maingat na inalis ang mga tuyong dahon. Wow ang sipag naman ng apo ko. Sabi ni Lola Alicia. Ayyyy. sigaw ko. Lola nagulat po ako. Eh paanong di ka magugukat ay tutok na tutok ka sa ginagawa mo dahil alam ko nililibang mo lang ang sarili mo kasi aalis na ang crush mo. Ehhh si lola naman eh. Bakit? Totoo naman di ba gusto mo si Josh. Lola bata pa po ako. Bakit may edad ba sa pagmamahal? Mag-aaral po akong mabuti muna. Yan ang gusto ko sayo eh matalino kang bata. Lola simula po ngayon ako na po ang mag-aalaga ng mga halaman nyo dito. Ay talaga ba? Opo para po bayad ko sa inyo kasi pinatira nyo kami dito. Ano bang bayad sinasabi mo bata ka?. Kasi po mabait kayo kaya aalagaan ko po kayo tsaka si lolo tsaka mga flowers natin. Ay kabait mo naman talaga kaya mahal na mahal kita. Paano kapag matanda na ko at di ako alagaan ng mga apo ko.? Aalagaan ka po nila sigurado ako pero aalagaan pa din po kita. I love you po lola... Naku bakit puro ang lola lang ang niyayakap?.. Lolo, salubong ko at sabay yakap. I love you lolo. Paano ba yan apo, tayo na naman maiiwan dine. Ok lang po kasi busy ako may trabaho na po ako... Trabaho? Opo, ako napo ang mag-aalaga sa mga halaman natin dito sa garden. Sige pagbutihin mo para pag okey ang trabaho mo may sweldo ka sakin!.. Talaga po? Oo apo. Sige po para may pambili ako ng regalo pag merong may birthday sa inyo. Lyza, aalis na kami alagaan mo ang sarili mo ha. Malungkot na sabi ni Josh. Sige apo maiwan muna namin kayo ng lola nyo. Mag-iingat din kayo ni Jana dun ha. Oo naman. Dadalaw-dalaw din naman kami dito kaya wag ka malulungkot. Okey. Lyza aalis nakami, sigaw ni Jana. Sige Jana ingat kayo ha. Ikaw din Lyza. Okey. Sige na sakay na kayo sa kotse nyo. Kuya magbabye ka na sa wife mo. Bulong ni Jana. Bye Lyza. Niyakap ako ni Josh at pinisil sa balikat. Malapit na ang birthday mo. May nilagay ako sa room mo na regalo baka kasi hinde kami makabalik. Bulong nito. Nanlaki ang mga mata ko at kinilig ako kasabay ng pagdagundong ng puso ko. Salamat Josh. Mamimiss kita. Ako din. Hinde umaalis si Lyza hanggat di nawawala sa paningin ang papalayong sasakyan nila Josh. Pagkatapos ay dali dali nyang tinungo ang kwarto at nakita ang isang malaking paper bag na nasa kama. Happy birthday Lyza. Love, Josh and Jana. Kinilig na naman ang puso ni Lyza ng mabasa ang salitang Love Josh. Binuksan nya ito at tumambad ang isang pink na bear na nakasuot ng pang ballerina. Napakalambot nito yakapin at napakacute. Medyo malaki din ito kaya mula ngayon ikaw na ang katabi kong matutulog. Pasukan na naman at busy na kami ni Lexus sa pag-aaral dahil Grade 1 na kami. Bukod sa pag-aaral ay maayos ko namang nagagampanan ang pag-aalaga ng halaman. Medyo nalilibang na din ako pero sadyang di ko malilimutan si Josh. Sumapit ang ika pitong kaarawan ni Lyza. Hinde naman nya ineexpect na may handaan. Good morning munti kong dalaga, happy birthday. Mahal na mahal ka ng nanay at tatay. Thank you po. Ano po yang hawak nyo sa likod. Ang bilis talaga ng mata ng prinsesa ko. Sabi ng ama. Syempre may regalo kami ng tatay. Talaga po? Nanlalaki ang matang sabi ni Lyza. Inabot sa kanya ng tatay ang isang pink na inuminan na may kasamang bag na maliit. Wow tatay, nanay ang ganda ganda po. Salamat po. Welcome anak. Tara na baka mahuli ka sa klase mo at dahil birthday mo, ihahatid ka ni nanay at tatay sa school. Wow sana lagi kong birthday. Natawa naman ang mag-asawa sa komento nito. Mamimili kasi ng lulutuin si Aling Maria sa bayan kaya ihahatid nya muna si Lyza bago mamalengke. Lingid kasi sa kaaalaman ng bata ay may handaang magaganap mamayang hapon sa mansyon. Armando tawag ni Don Martin. Sir, po andyan na po. Mamalengke na ba kayo para sa birthday ng apo ko? Opo. Nagpapalitson ako kila Kardo kaya wag mong kakalimutang kuhanin sa tanghali. Po? Naku nag-abala pa po kayo. Sabi ng Itay sa Don. Ano bang abala eh apo namin yan. Salamat po ng marami. Sabi ni Maria. Maria yung damit na susuutin ni Lyza mamaya nasa kwarto, binigay yon ni Gina. Darating din ang pamilya ni Ariel. Nako ma'am matutuwa po nito ang dalagita ko. Yun naman talaga ang dapat dahil lagi tayong napapsaya ng bibong batang yon kaya tayo naman ang magpapasaya sa kanya. Maya maya pa ay nakagayak ng lumabas si Lyza. Lola good morning po. Ako walang good morning? Singit agad ng don. Si lolo talaga di pa naman po ako tapos. Good morning po, ang pogi nyo po ngayon. Naku at nang-uto ka pa. Lola ang ganda nyo din po. Aba syempre magkamukha tayo eh. Ang ganda mo din ngayon. Happy birthday apo. Happy birthday apo. Sabi naman ng lolo. Salamat po. Mamaya ko na po bubuksan ang regalo ko ha. Nakangiting biro sabi ni Lyza.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD