Sigurado kang may regalo ka ha. Biro ng lolo.
Syempre po, love nyo ko eh. Di ba? Pero ayaw ko po ng materyal na bagay.
Eh ano... Nakakunot ang noong tanong ng matanda.
Mamaya na po.
Sabihin mo na kasi naeexcite na din ang lolo.
Mangako ka muna po na pagbibigyan mo ako.
Hmmnnn teka mukhang maiisahan mo ko ha...
Sige na po lolo, promise po magiging mabait ako tsaka masunurin ako.
Talaga ba apo? Tanong ni Lola Alicia.
Opo lola promise po bukod pa sa aalagaan ko ang mga halaman natin.
O sige na nga. Sagot ng lolo.
Talaga po lolo. Yehey yehey.
Ano na nga yung gusto mo?
Gusto ko po mangabayo, turuan nyo po ako.
Ano?.... Napanganga ang mga matatanda.
Anak naman napakadelikado ng gusto mo. Nag-aalalalang sagot ng nanay.
Ako din po lolo, gusto ko din. Singit ni Lexus.
Ayan dalawa napo kaming estudyante nyo. Alam ko naman po na delikado yon pero kung tuturuan naman po kami ng tama malalaman po namin yung bawal at yung mga dapat gawin.
Naku anak, baka madisgrasya ka. Singit ng Itay.
Tatay kailangan ko po matutunan yan kasi po paglaki ko tutulungan ko kayo sa pag-aasikaso ng hacienda kasi nangako ako kay lola na aalagaan ko sila kaya pagkatapos ko ng pag-aaral dito po ako magtatrabaho...
Ako din.... singit ni Lexus.
Hmmmp Lexus sabi mo gusto mo manirahan sa Maynila. Ako di ako aalis dito. Dito lang ako kina lolo.
Pag nandito ka dito din ako kasi papakasalan kita di ba. Sagot ni Lexus.
Eh hinde pwede kasi kay Josh ako magpapakasal. Nanlalaki ang matang sagot ni Lyza,
Ano bang pinag-uusapan nyong mga bata kayo, kasal agad. Singit ni Tita Gina ang nanay ni Lexus. Pero Lyza paglaki mo kay Lexus ka na lang nagpakasal at ng di ito umalis dito ha.
Hahahaha sabay tawanan ng matatanda.
Tita Gina good morning po. Bati ni Lyza.
Good morning anak, Happy birthday. Sagot naman ni Tita Gina.
Salamat po tita. Payag po ba kayo ni Lexus mag-aral kami sumakay ng horse?
Oo naman mainam na hanggat maaga na matuto kayo isa pa pag ang papa ang nagturo sa inyo mas okey dahil siya ang pinakamagaling mangabayo dito.
Lolo pumayag ka na po ha. Wag nyo napo ako bigyan ng gift kasi sa pagpayag nyo pa lang po masaya na ako. Please lolo. Sabay pagpupungay ng mata sa lolo.
Okey apo. Sige, di ako babali sa pangako. Pero nautakan mo ko dun ha.
Yehey, sigawan nila Lexus at Lyza.
Don, sir, sigurado po ba kayo? Baka ho maabala kayo?
Papa na din kaya ang itawag nyo sakin tutal para ko na kayong anak. Alam naman ng mga anak ko na mahal ko ang pamilya mo. Madamdaming sagot ng Don.
Lalo na ako? Diba po lolo? Sabay yakap ni Lyza.
Syempre naman. Lahat kayong apo ko mahal na mahal ko. Nakangiting sagot ng matanda.
Lola, bigay mo napo sakin ung luma mong pang sakay sa horse.
Ahahah malaki pa sayo yon pero akong bahala sa get up ninyo ni Lexus. Singit naman ng lola.
Yehey. Salamat po lola, yakap ni Lexus.
Lolo bukas po ha may klase na tayo. Excited na sabi ni Lyza.
Bukas agad? Gulat na tanong ng lolo.
Opo para hinde na magbago isip nyo.
Naku anak talagang ikaw napakakulit mo. Halika na nga at aalis na tayo. Mauna po muna kami. Paalam ng Itay.
Mag-iingat kayo Armando ha. Bilin ng tita Gina.
Opo opo. Lexus tara na. Binuhat na ng tatay ang mga gamit namin ni Lexus.
Ibyang tara na. Tawag ng nanay kay manang at nauna ng lumabas papunta sa owner type jeep na minamaneho ng Itay.
Opo ate. Sige po ma'am sir mauna napo kami.
Ibyang, etong sampung libo, bumili ka ng balat ng baka at twalya mga dalawampung kilo pang kare-kare at pangkaldereta.
Opo senyora.
Ito yung pambili ng cake ung malaki, kulay pink ha. Sabi naman ni Gina. Nasabi ko na sayo kanina kung anong design.
Opo madam Gina.
Sige mag-ingat kayo. Wag mo na ipaalam ky Maria na nag-abot kami at baka pigilin ka basta mamili ka na lang.
Josefa, sumama ka nga at baka di nila kayanin.
Okey po senyora. Sagot nito.
Sigurado ko mama masayang masaya ang mga bata mamaya lalo at parating sina kuya.
Oo sorpresa yon kay Lyza.
Mama pupunta po muna ako sa taniman at aanihin po ngayon ang mga kalabasa eh maagang umalis si Alexis sumama sa truck na magdedeliver sa bayan dahil dadaanan pa daw sila Kuya Arthur.
Maaga ba sila namitas? Tanong ng matanda.
Opo pinaagahan talaga kasi nga po after lunch ay may party tayo.
Ay oo nga pala makakalimutin na ako. Nakangiting sagot ni Lola. Nasan ba si Ramil at magpahatid ka?
Naku pinasama ko at baka di nila kayanin ang pamimili kung sila lang. Sabi ng Don. Ako ng sasama sayo iha, kumain muna tayo tapos tsaka tayo aalis.
Sige po papa.
Si Alex tulog pa ba?
Opo ma ibinilin ko na lang muna sa mommy at sabi ko babalik din po ako agad.
Ah nandyan ba si balae?
Opo dumating kanina.
Oh sya sige mmya na kami magkwentuhan. Tapusin na din mga tatapusin.
Linda, linda, Tawag ng don.
Senyor bakit po?
Magpatulong ka kila Berto mag-ihip ng lobo at ayusan nyo na ang pagdarausan ng party. Magsimula na din kayo maghiwa ng mga isasahog.
Opo nagsisimula na po kami.
Sige dapat bago makadating ang bata galing skwela ay ayos na.
Panigurado pong tapos na nun.
Ok sige mabuti kung ganon.
Pagkakain ay sama sama na silang umalis para gawin ang daily task routine ng pamilya.
Mabilis lang din naman nakapalengke ang mga magulang nya kaya bago maglunch ay naprepare na ang mga putahe. Kare-kare, kaldereta, chopseuy, lechon, embutido, pansit at afritadang manok.
Nung nakaraan ay kinausap na ni Aling Maria ang teacher ni Lyza para sa surprise party kaya sa pagsundo ng mga bata ay mayroon isang van na susundo sa mga kaeskwela nya.
Halos lahat din naman ng tao sa Natividad ay imbitado sa handaan. Mga manggagawa sa bukid at mga taga pastol ng mga alagang hayop. Mababait ang mga Natividad sa mga tauhan kaya naman tuwing may okasyon, ang lahat ay imbitado.