My 7th Birthday

1054 Words
Pagdating sa bahay ay tahimik lang ang lahat dahil ang handaan ay sa may parang, malapit sa maliit na burol dahil masarap ang hangin duon. Nagtayo ng mga tent at merong gayak ang mga upuan at nakaready na ang magarbong hapag para sa birthday ni Lyza. Nanay, Tatay nandito napo ako. Anak kamusta ang school mo? Tanong ng Itay. Okey naman po. Nagandahan din sila sa bago kong baunan ng inumin. Kinatahan ka ba nila sa school. Dagdag na tanong ng Inay. Hinde po kasi hinde ko naman sinabi na birthday ko tsaka sabi ko kay Lexus wag din sabihin pero may mga friends po ako na bumati sa akin. Ah siguro best friend mo yon kasi alam nila ang birthday mo. Opo Nanay. Masayang sagot ni Lyza. Naku mga anak magsipagbihis na kayo at ang amoy pawis nyo na. Sabi ni Tita Gina. Ay oo nga mahal bihisan mo na ang prinsesa ko. Singit ng Itay. Wag napo tatay marunong na po ako. Halika anak sasamahan na lang kita, maligo ka na muna din at aalis tayo. Sabi ng Inay. Po? San po tayo pupunta Nay? Basta, malalaman mo. Wag ka na muna magtanong. Ok po sige po. Nakangiting sagot nito. Siguro ipapasyal nila ako kasi birthday ko. Sa isip isip ni Lyza. Ito ang suotin mo. Wow nanay ang ganda po. Nagustuhan mo ba? Opo sobrang ganda. Regalo sayo yan nila Lexus at Alex. Binigay kanina ng tita Gina mo. Ito naman regalo ng mga tita Lea mo. Binuksan nya ang box at nakita ang isang pink na sapatos. Wow thank you po. Masayang sabi ni Lyza. Hinde naman yan samin galing. Natatawang sagot ng ina ng makita ang kasiyahan sa mukha ng anak. Kahit na po, basta po thank you nanay. Mahal na mahal po kita. Mahal na mahal din kita anak. Basta lagi ka lang mabait ha. Opo naman nanay. Siya sige na maligo na tayo at magbihis. Ilang sandali pa ay lumabas na sila sa kwarto at nakitang naghihintay sina Lexus na nakabihis na din at naka sapatos. Lexus, Alex, salamat sa regalo nyo ha. Tita Gina salamat po. Love ko kayo. Naku talaga namang ang bolera mo. Ang ganda ganda mo naman ngayon anak. Bati ng Tita Gina. Nakasuot kasi siya ng bestida na kulay purple at pink na may malalaking bulaklak na tinernuhan ng pink shoes. Nakasuot sa balikat nya ang maliit na pink bag at inuminan na bigay ng magulang. Sasama po ba kayo sa pupuntahan namin? Inosenteng tanong ng bata. Oo anak, kasama natin sila. Nakangiting sagot ng Inay. Dapat nakatakip ang mata mo kasi hinde na surprise pag makita mo agad yung pupuntahan natin. Ayyyy. May surprise po ako? Oo kaya tara na. Sabi ng Itay. Sumakay na sila sa kotse ni Tito Alexis pero si Mang Armando ang driver nito. Sa daan ay nilagyan sya ng kanyang ina ng takip sa mata. Pagdating sa lokasyon ay tahimik ang lahat. Natanaw pa lang ni Don Manuel ang kotse ay nagsabi na ito na maghanda na. Nandyan na sila, wala ng magsasalita. Dagdag pa nito. Pababa ng sasakyan ay inalalayan ng ina si Lyza. Kahit sina Alex at Lexus ay tahimik din dahil kanina pa sinabihan ng ina nila. Anak ready ka na ba sa surprise mo? Excited na tanong ni Armando, ang ama ni Lyza. Opo tatay, tatanggalin ko na ang takip mo ha. Mabilis na tango ang isinagot ng bata. Pagbukas nya ng mata ay ang batang Josh agad ang nakita nyang nakatayo sa kanyang harapan at may hawak na malaking bear, big brown bear. Nanlaki ang mata nito ng makita ang pink decorations sa likod ni Josh. Happy birthday Lyza. Nakangiting bati ni Josh. Joshhhh... Masayang sigaw nya sabay yakap dito. Akala mo di kami pupunta noh. Sumenyas ang senyora at nagsimula na silang umawit ng happy birthday. Happy birthday to you Happy birthday to you Happy birthday Happy birthday Happy birthday dear Lyza. Lola lolo thank you po. Tita Gina, Tito Alexis. Tita Leah, Tito Arthur, Tito Ariel, Tita Jana, Josh, Jana, Albert, Robert, Bridgette, Lexus and Alex, maraming salamat nandito po kayo lahat. Nanay at Tatay. Salamat po, naluluhang sabi ni Lyza Manong Bert, Manong Jaime, Manang Ibyang, Manang Josefa, Manang Linda, Manong Ed, Manong Jo, Manong Ramil at sa lahat po na di ko na mabanggit salamat po talaga. Lalong napaiyak ang bata ng pumarada ang dalawang van at bumaba ang kanyang guro at mga kamag-aral. Huhuhu salamat po teacher, akala ko po di nyo alam na birthday ko. Naku talaga lang di ka namin binati kasi mawawala yung element of surprise di ba. Thank you po. Happy birthday frendship. Bati ni Michelle, Ara, Annika, Elisa at Bea mga kaibigan nya. Salamat friends. Oh sya kain na tayo, sigaw ng Don. Tama na ang iyakan, napakadrama naman kasi ng maganda kong apo. Syempre po masaya ako kasi ngayon lang po ito nangyari. Salamat po lolo. Pasalamat naman ng pasalamat si apo. Biro ng Don. Syempre po lolo kasi alam ko naman pong pakana ninyo ito ng lola. Ay huli ba kami apo? Sabi ng Lola Alicia. Opo naman kasi kabisado ko po kayong lahat. Ang nanay at tatay sigurado po ako na gusto din nila ito kaso po ay wala kaming sapat na pera dahil kailangan po namin mag-ipon dahil magaaral pa po ako ng agrikultura. Agriculture? Alam mo na yon? Opo tinanong ko si Tatay. Paano po ako makakatulong dito pag hinde iyon ang pag-aaralan ko. Di ba po lolo? Oo tama apo. Bukas po ha ung klase natin ha. Oo na oo na. Hinde mo naman ako titigilan eh. Talaga po. Love you po lolo. Love you apo. Maya maya at madami na ang naglapitan at nagbibigay ng regalo. Lahat naman ay masayang pinasalamatan ng bata. Lyza, kumain ka na anak. Opo nay, sabay na po tayo. Tay tara na po kain na po tayo, Sige anak. Naupo silang magkakasalo sa isang lamesa at masayang kumain. Madaming nakain si Lyza at di alintana ang pagod sa pag-aasikaso sa kanyang mga bisita. Higit sa lahat masaya sya dahil nandyan si Josh. Lyza, masaya ako na nakauwi kami ngayon birthday mo. Namiss kasi kita. Sabi ni Josh ng mapag-isa sila. Ako din nga eh, masayang masaya ako at namiss din kita. Buong maghapon silang naglaro at magkasama ni Josh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD