Loosing Your Loved Ones

1045 Words
Lexus agahan natin bukas ang gising ha magsuot ka ng pantalon kasi aabangan natin si lolo. Bakit san kayo pupunta? Tanong ni Josh. Josh samahan mo kaya kami. Nangako si lolo na tuturuan kami mangabayo. Ako din gusto ko ulit mangabayo! Wag ka ng sumama kuya Josh kasi sanay ka na di ba. Singit ni Lexus. Mainam nga sumama sya para mas lalo syang matuto. Sabi ni Lyza. Baka mamaya mo nyan di na tayo turuan ni lolo pag madami tayo. Sagot ni Lexus Hinde ah, nangako ang lolo. Sige Lyza sasama ako kasi delikado yon, para aalalayan kita. Ayan masaya na kasi madami tayo. Hmmmnnpp. tanging nasabi ni Lexus. Kinabukasan maaga pa lang nakahanda na ang tatlo. Good morning lolo. Sigaw ni Lyza ng madinig ang yabag ng matanda sa taas. Hinde pa man ito nakakababa ng hagdan ay sumalubong na ang tatlo. O san kayo pupunta? Lolo di ba nga po sasamahan mo kami at tuturuan mag horse riding. Ay oo nga pala. Nawala sa isip ko. Lolo naman eh. Nagtatampong sabi ni Lyza. Oh sya sya, mag-almusal muna tayo at tsaka tayo aalis. Lumipas ng mabilis ang oras at bahagya namang natutunan nila Lyza ang pagsakay, pagbaba at pagpapatakbo ng kabayo. Kinabukasan Linggo ay umuwi na din sina Josh dahil may pasok kinabukasan ng Lunes. Lumipas ang ikawalo, ikasiyam at ikasampong taon ni Lyza pero isa ang di nawawala, yun ay ang pagkakaroon ng family lunch or dinner sa bahay. Sa loob ng ilang taon nanatili ang kilig sa aking murang damdamin ng dahil kay Josh at habang tumatagal ay nagiging bihisa ang bata sa pagsakay at pagpapatakbo ng kabayo. Apo halika kayo at pupunta tayo sa kwadra. Sabi ng lolo. Tara Lexus daliaan mo. Oo na, di naman ako mabagal eh. Inis na komento ni Lexus. Oo na basta bilisan natin. Sumakay ang tatlo sa owner type jeep na minamaneho ng Don. Ito si Alpha at ito si Beta. Pumili kayo ng kabayo nyo. Ito po sakin si Alpha, sagot ni Lexus. Sige po akin si Beta, sabi naman ni Lyza. Ito po ba ang gagamitin namin sa pag-eensayo? Mula ngayon sa inyo na yan. Po?.. Gulat na gulat na tanong ng bata. Oo sa inyo na yan, alagaan ninyong mabuti ha. Opo lolo opo. Tuwang tuwa ang dalawang bata sa surpresa ng lolo Martin. Ilang buwan pa ang lumipas at si Josh ay laging tumatawag sa mansyon at nagbabakasyon kung summer. Lyza, bakit lagi na lang si Kuya Josh ang hinihintay mong tumawag, hinde ka na nakikipaglaro sa amin. Angal ni Lexus. Syempre tumatawag sya eh alangan naman di ko kausapin. Eh di sabihin mo busy ka. Eh di naman ako busy ah. Kasi nga hinihintay mo naman lagi ang tawag nya. Eh kasi nangako akong hihintayin ang tawag nya. Hmmmpp bahala ka na nga dyan. Sabay talikod nito. Tandang tanda ko pa ang araw na yon ng martes at malakas ang hangin dahil may paparating na bagyo. Lahat ng tao ay abala sa pag-aani ng mga papanin na pwedeng isalba. Ang mga hayop din ay sinesecure para hinde mabasa o maanod ng baha. Madilim ang langit at ang Inay ay wala pa, umuwi sa bahay para isinop ito kasama ng tatay. Pabalik na sila ng mansyon ng makita ang ilang magsasaka na hirap na hirap at basang basa sa pagbubuhat ng mga ani kaya huminto sila at tumulong. Kalakasan na ng ulan ng matapos. Pare, dito na kayo magpalipas ng ulan at malakas na. Magbihis muna kayo. Naku pare mare hinde na at baka kailanganin kami sa mansyon. Nagpumilit umalis ang dalawa at sumakay ng motor. Di pa man nakakalayo ay biglang kumidlat at tinamaan ang mag-asawa.. Nasaksihan ito ng mga tao sa imbakan at agad silang dinaluhan kahit delikado ngunit hinde na gumagalaw ang dalawa marahil sa lakas ng din ng pagtama ng kanilang katawan nung umilandang sila esa ere sa pagtama ng kidlat. Walang kaalam alam ang mga tao sa mansyon sa nangyari. Manang Ibyang wala pa po ang mga nanay ko. Naiiyak na tanong ng bata. Eh baka dun na magpapalipas ng gabi dahil madilim na. Gusto mo ba dine ka na muna sa amin tumabi? Ayaw ko po. Iyak nito at tumatakbong umakyat sa itaas. Lola lola, malakas na katok nito. Apo bakit? Wala pa po ang mga nanay, umiiyak na sabi nito. Wag kang umiyak apo at baka dahil sa lakas ng ulan ay nagpatila muna sila. Lola kasi po kinakabahan ako, natatakot po ako. Pumanatag ka apo. Sagot naman ng Don. Halika dito ka muna, mahiga ka sa tabi ko. Pang-aalo ng lola. Lumapit ang bata sa may bintana kung saan natatanaw ang entrada ng solar ng mansyon. Dito na lang po muna ako. Pinabayaan na nila ito sa gustong gawin. At di na namalayan ng bata na nakatulog na pala sya. Anak, magpakabait ka ha, mahal na mahal ka namin ng tatay ha. Oo aking prinsesa mahal na mahal ka namin, pagbutihin ang pag-aaral at maging matalino at responsableng bata ha Opo nanay tatay, mahal na mahal ko din po kayo. Sa pagod sa pag-iisip ay di nya namalayang nakatulog na pala siya at nagising sa kama ng mga matatanda. Marahil ay inilipat sya ng kanyang tatay kagabi ng dumating. Umaga na kasi ng sya ay magising. Nakadinig sya sa ingay sa paligid... Biglang kumabog ang puso nya ng madinig ang malalakas na palahaw. Nagmamadali itong bumangon at tumakbo pababa. Nakita nyang nag-iiyakan sina manang Ibyang, manang Josefa at manang Linda ganon na din ang tita Gina, Tita Lea, pati na sila lola. Bakit po? Naiiyak na ding tanong ng bata. Apo... Agad siyang niyakap ng abuela. Lola bakit po? Apo, yun lang ang tanging nasabi nito habang humahagulhol. Lumabas sya upang makita ang nangyayari at nabigla ng makita ang nakahigang katawan ng mga magulang na wala ng buhay. Nanay, tatay.... Nanay ko tatay ko..... patuloy ang malakas na pag-iyak nito. Ano po ang nangyari?. Nagtatanong ang mga matang tumingin sa mga tao sa paligid. Tinamaan sila ng kidlat habang papauwi ng mansyon kagabi. Hinde po totoo yon kasi nandito sila kagabi, nakatulog pa nga po ako kasi hinele ako ni nanay. Lalong lumakas ang iyakan ng mga nasa paligid. Halika na apo ng maiayos na natin sila. Sabi ni Lola Alicia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD