Ang pagbangon

1081 Words
Lyza, tahan ka na hinde kita iiwanan. Lexus wala na akong magulang ulila na ako. Naghihintay kami sa bahay habang inaayos sina nanay at tatay. Ibuburol kasi sila sa chapel sa bayan. Dumating ang pamilya nina Josh at hinde ito humihiwalay sakin. Lagi akong dinadamayan. Kinukuhanan ng pagkain. Di rin ako umaalis sa tabi nila nanay pwera na lang pag maglilinis ng katawan o kaya ay gagamit ng cr. Napakasakit na sabay pa sila nawala. Pagkatapos ng libing ay dito na naningil ang pagod at buong araw akong nakatulog. Paggising ko ay inaapoy ako ng lagnat, walang ganang kumain o walang ganang mabuhay. Lyza apo kaya natin ito nandito pa kami. Sabi ng lolo. Ngunit di ako makakuha ng tamang encouragement para lumaban. Dalawang araw ng di bumababa ang aking lagnat at panay tulog lang ang gusto ko. Ito siguro ang paraan ng katawan ko para takasan ang sakit ng pagkaulila. Anak kamusta ka na? Sabi ng Nanay. Nanay, bumalik po kayo? Mahal kong prinsesa, bungad naman ng tatay sabay yakap sakin. Anak nandito lang kami hanggat kailangan mo pa kami. Anak kailangan mong lumaban, kaya mo yan, matapang ka, matalino ka. Ingatan mo ang sarili mo. Umiiyak na sabi ng nanay. Wag kang malungkot anak ko. Madami ka pang pagdaraanan sa buhay at kailangan mong harapin lahat. Patawarin mo kami na agad kaming umalis pero alam naming kaya mo. Anak sa tuwing nalulungkot ka, isuot mo lang yung bag na bigay namin sayo at yakapin itong unan mo at mararamdaman mo na kami. Mangako ka anak na pagbubutihan mo ang pagharap sa hamon ng buhay, sa skwela mo at ang pakikisama mo sa mga tao. Bumangon ka anak, nandirito lang kami sa tabi mo. Mahal na mahal kita anak. Mahal na mahal ko din po kayo tatay... Sa reyalidad naman ay umuungol at umiiyak ang bata habang natutulog. Pinipilit syang gisingin ngunit tila yata naiwan na sya sa daigdig ng panaginip. Lyza, Lyza, can you hear me? Nadidinig ni Lyza ang tawag ni Josh. Sige na anak, hinahanap ka na nila. Sumama ka na maglaro. Sabi ng nanay. Ayoko po, dito na lang po tayo. Hinde pupwede anak, kailangan na naming umalis ng iyong ina. Akala ko po ba hinde nyo ako iiwan. Hagulgol ng bata. Anak, nandito kami hinde kami mawawala. Sabay turo ng ina sa kanyang dibdib. Dala kami ng iyong puso at isipan kaya naman lagi mo kaming kasama... Kayanin mo anak. Bilin ng ama. Aalis na kami ha. Nagyakapan sila ng magigpit hanggang sa tuluyan na itong nawala. Lyza Lyza, please wake up. Nagising ang bata habang hawak hawak ni Josh ang kamay nya. Josh? Lyza gising ka na. Sa tuwi nito ay hinalikan sya sa pisngi at niyakap. Thank God you're awake. Napanaginipan ko po sila nanay, nagpaalam na po sila ng nakangiti. Apo ko. Iyak ng lola Alicia. Tumayo ang bata at kinuha ang bag at nagsimulang ligpitin ang mga gamit Apo anong ginagawa mo? Uuwi na po ako sa amin! Anong uuwi eh di ba dito tayo nakatira? Di po, nakikitira lang po kami dito di ba po. Wala kang kasama dun? Kaya ko po yon, marunong napo ako. Marunong po ako magluto. Apo, di namin gustong malayo ka sa amin. Dumito ka na apo. Pakiusap ng lola. Nahihiya po ako dito. Bakit ka mahihiya? Ituring mo itong parang sayo. Sabi ng lolo. Wag ka mahihiya ha, magsabi ka sakin pag may kailangan ka. Gusto mo ba sa tabi ko matulog? Naku lola wag napo malaki na po ako. Malakas kang bata apo, alam kong kakayanin mo. Nandito kami di ka namin papabayaan. Lumipas ang mga araw, linggo, buwan at taon at patuloy na pinag-aaralan ng bata ang tungkol sa pagtatanim, pangangabayo o kahit anong tungkol sa hacienda, hinde naging pasaway si Lyza. Magaling sa academics, magalang at business minded tulad ng bilin ng kanyang mga magulang. Sa edad na labinglima ay madami na itong nagagawang tulong sa Don kasama ang inventory ng stocks. Namamahala na din ito kapag may pitas o mga kakataying hayop na idedeliver. Magaling at napagkakatiwalaan ito sa pera. Ngunit sa kabila ng lahat ay iba pa din ang epekto ng pagkawala ng mga magulang nito. Takot na takot itong mapag-isa lalo na't kumukulog at kumikidlat. Apo anong kurso ang balak mong kuhanin sa kolehiyo? Kahit alin po dito sa tatlo pede po. -Agricultural Engineering -Agricultural Trade and Marketing -Breeding of Field and Agricultural Crops Aba maganda yan ah. Kayo napo bahala mamili para sa akin. Sa Manila mo ba gusto mag-aral? Di po, sa CLSU po para malapit lang po. Ok ikaw ang bahala sagot ng Don. Nagsimula na ang kolehiyo at napili nya ang Agricultural Trade and Marketing at Breeding of Field and Agricultural Crops. Pinagsabay nya na ang dalawang kurso dahil maluwag naman ang araw nya. Hanggang sa dumating ang ika labingwalong kaarawan nito. Alam ng Don at Donya na hinde ito papayag na maghanda para sa ganitong kaarawan dahil napansin nila kung gaano ito katipid kaya naman binabalak nila ulit ang surprise debut party. Lola, I know you are planning something! About? Hmmmmnnnn si lola I knew both of you. Common tell me. Kilala tayo ng apo natin kaya sabihin mo na! Nangingiting sabi ng Don. Is it about my debut lo? Of course apo. Nakangiting sabi ng Donya. Awww lola, di nyo naman po kailangan gawin yan una po ang pag-aaral ko sapat na po ang dami nyo napong nagagastos tapos may allowance pa po ako weekly tapos po may kabayo pa ako at may service pa akong ginagamit. Sobra sobra napo yon lalo yung alam ko pong mahal nyo ako. Mula po ng mawala ang nanay at tatay hinde nyo po ako pinabayaan. Naiiyak na sabi ni Lyza. Naku ang iyakin umiiyak na naman. Biro ng tita Gina. Wala ka ng magagawa eh nandito na ang damit mo oh. What tita Gina? Here take a look, habang dala dala ang malaking white box. Pagbukas nya ay tumabad sa kanya ang napakagandang light pink gown. Tita Gina.... Naluluhang sabi ni Lyza. Salamat po. Naku anak, tandaan mo palagi na mahal ka namin ha. Yes, correct ate Lyza, sigaw ni Alexander. Talaga love mo din ang ate? Of course. I love you so much. Turuan mo muna ko sa algebra. Naku kaya mo pala ko mahal may kailangan ka. Ahahahha tawanan ng lahat. Libre kita meryenda basta turuan mo ko. Libre meryenda eh kukuha ka lang sa kusina. Biro ni Lyza. Lalong nagtawanan ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD