Sa loob ng dalawang araw ay nilubos ko muna ang pamamahinga. I need to regain my energy and I also need to decide what to do. Di pwedeng magmukmok habang buhay.
Kahit kay Lexus ay di ko sinasabi ang pagdating ko at alam kong di rin nagsabi si Lola Alicia dahil kundi, di ako titigilan ng kababata ko. Kung tutuusin sa pamilya ng Natividad ay sya ang pinakaclose ko. Kung natuturuan lang sana ang puso eh sana siya na lang siguro ang pinili ko kaysa kay Josh.
Sa loob din ng dalawang araw ay pinilit kong iayos at linisin ang bahay sa tulong ni Manong Berto at Josie.
Si Josie ay inilaan ni Lola para maging assistant ko.
Manong Berto salamat po sa pagbisita sa bahay namin habang wala ako.
Naku ikaw pa ba eh kaibigan kong matalik ang tatay mo. Wag kang mag atubiling magsabi kapag may ipapaayos ka rito at tutulungan kita.
Salamat po Tay Berto. Si Mang Berto ay asawa ni Manang Ibyang, nga lamang ay di sila biniyayaan ng supling kaya naging malapit kami ni manang buhat ng mawala ang aking mga magulang.
Pero hija wala na ba pag-asa ba magkabalikan kayo ni Josh?
Eh minahal ko naman po sya eh kaso baka po talagang ganon ang buhay di ba po.
Hayaan mo't matatapos din ang lahat.
Opo.
Ate, ano nang plano mo?
Balak ko tulungan ko muna ang lola sa hacienda. Unti unti ko syang kukumbinsihin na kailangan ko ding lumayo dito. Paano na pag nagka asawa na si Josh eh it's either di ko kakayanin yon or maalangan si Josh kapag nakita pako dito.
May balak ka bang magpa annulment?
Pwede naman din yon para wala kaming obligasyon sa isa't isa.
Bakit ba nagkaganun ang batang yon noh.? Nakwento sakin ng nanang mo kagabi ang nangyari.
Ano nga ba nangyari ate? Tanong ni Josie.
Naku Josie wag ka ng magtanong at lalong malulungkot si Lyza. Sabi ni Manong Berto
Ok lang po ako Tay. Kailangan ko po ito harapin.
Ngunit ang pagbubuntis nya ay nanatiling lihim sa lahat. Hinde pa sya handang magsabi lalo sa abuela dahil baka pilitin nito si Josh na magkaayos sila. Gusto nya sana na kung magkaayos man sila ay kusang pasya yun ni Josh.
Josh POV ------
Sa Quezon City.
Two days ng hinde pumapasok si Josh sa trabaho.
Ariel, ano bang nangyayari sa anak mo at di ko makontak? Sabi ni Leah sa asawa. Jana, ang kuya mo ba di mo nakakausap?
Hinde po ma. Si ate Lyza nga tinatawagan ko di ko din makontak.
Kinuha ng ina ang telepono at nagdial.
Hinde nga nagriring, halika Ariel at puntahan natin.
Sasama ako ma.
Sige na gumayak na kayong mag-ina. Igagayak kong kotse. Sabi ng padre de pamilya.
Wala namang isang oras ay dumating na sila sa bahay ng panganay na anak na si Josh.
Ma mukha po yatang walang tao, madilim. Sabi ni Jana.
Nandyan ang kotse eh. Nahihiwagaang tugon naman ng inang si Leah.
Nagdoorbell sa gate si Ariel ngunit nagulat ng pagtulak sa gate ay bumukas ganun na din ang main door, kaya malayang nakapasok ang mag-anak sa loob.
Pagpasok nila ay lasing na si Josh ang inabutan at magulong magulo ang bahay.
Anak ano bang nangyari? Humahangos ang inang nilapitan ang anak.
Ma? Tugon naman ni Josh.
Josh! Seryosong tawag ng ama. Nilapitan ang anak at hinimas sa likod.
Si Jana naman ay naupo sa sofa at nagmamasid lamang.
Anak anong nangyari? Si Lyza?
Ma, umalis na sya.
Kuya bakit sira sira itong bag na to? Sayang.
Anong umalis? Bakit?
Pumanik si Jana sa taas at tiningnan ang kwarto at sumenyas sa ina na wala nga si Lyza.
Iniwan nya na ako mama. Nagsawa na sya sa akin.
Kailan umalis?
2 days ago pa.
What happened anak? Tanong ng ina.
I came home early from work because I missed her but when I arrived she was not home doing errands outside. Then Mirabel came. Pinabibigay dw ng mama nya yung pasalubong. Then my wife came and Mirabel told her that we had s*x.
What? Gaga talaga yung babaeng yon. Galit na komento ng ina.
Then kuya what happened?
Nabugbog si Mirabel tapos inaway ako.
I know what's next. Singit ng ama. You let her leave or you pushed her to leave and didn't bother explaining? All because of your goddamn pride. Buti sana kung yun talagang gusto mong mangyari pero there you are, devastated.
Anak, sabi ko sayo mas mahalaga ang pamilya kaysa sa anomang bagay sa mundo. Where is she? Kina mama? Tanong ng ina.
Mama I already called lola and she was asking for Lyza. Meaning wala ang asawa ko dun.
Honey can you call mama to confirm?
Di tayo basta pwedeng tumawag duon kailangan muna nating pag-isipan ang sasabihin dahil alam mo naman, she loves her and she'll freak out to know that Lyza is missing. Isa pa baka busy sila dahil may malakas na bangyong tatama sa Central Luzon kaya nga bukas Josh kailangan ko ang tulong mo dahil nadaming delivery ang paluwas ngayon.
What should I do? How can I find her? Umiiyak nantanong nito.
Wag kang mag-alala kuya babalik yon si ate kasi mahal na mahal ka nun.
Sabi nya if I can't love her it's better for her to leave!
Di ba mahal na mahal mo naman sya anak?
Yes, but I fail to give the security that she's looking for.
Kasi nga anak sinabi ko na sayo na tapos na ang nakaraang issue at ang kasalukuyan na ang harapin mo. Ikaw naman ang gumusto na mawala sya. Simple lang naman ipaliwanag ang nangyari pero hinde mo maibaba ang pride mo. Di naman kabawasan ng p*********i o pagkatao mo pag ipakita at iparamdam mo sa asawa mo na mahal na mahal mo sya.
Anak sa bahay ka muna matulog ngayon at bukas ipapalinis ko to kay manang. Napakadumi ng bahay mo.
Sige po mama, ako ng maggagayak ng gamit ni kuya. Pambahay at pang office.
Sige anak thank you.
Malungkot silang lumisan sa bahay papunta sa bahay ng kanyang mga magulang.