Josie pkitawag mo na si Lyza ng makakain na.
Opo senyora. At dali dali namang sumunod ang inutusan.
Nakarinig si Lyza ng mararahang katok. Pagdating kanina ay parang tamad na tamad syang kumilos kaya naman nahiga muna siya para makapahinga dahil pakiramdam nya ay manhid ang katawan nya sa pagod sa byahe at pagod sa pag-iisip.
Ate Lyza kakain na po. Katok nito.
Binuksan ko ang pinto.
Salamat Josie. Kamusta kayo dito? Ang lola di ba nagkakasakit?
Hinde naman ate. Eh dito ka na ba titira?
Oo dito muna ako. Malungkot kong tugon.
Eh nag-away ba kayo ni Senyorito Josh, ha ate?
Hiwalay na kami pero okey lang ako, wag mo sabihin sa kanila ha.
Oo ate di ko sasabihin, pero bakit naman?
Ganun talaga eh.
Natigil ang pag-uusap namin dahil malapit na kami sa dinning area.
Anak, kamusta ka na?
Okey naman po ako.
Naku halika nga rito at sa itsura mong yan siguradong hinde ka okey.
Naiiyak akong napayakap kay Manang Ibyang.
Kumain ka muna at pagkatapos ay mag-usap tayong bata ka.
Tango na lang ang naisagot ko dahil parating na din ang lola.
Apo, kain na tayo tsaka tayo mag-usap ha. Ibyang samahan mo na kami at sila Linda na lang ang magligpit dito mamaya.
Opo senyora.
Tulad ng inaasahan ay di naman ako makakain ng maayos dahil sa lungkot na nararamdaman.
Iha, gusto mo bang pag-usapan muna?
Tahimik lang ako at dahil pag pinilit kong magsalita ay bubunghalit ako ng iyak.
Tara apo sa study dun tayo mag-usap.
Tahimik naman akong sumunod habang inaalalayan ni Manang Ibyang.
Josie, magdala ka ng tubig, bilisan mo tsaka tissue, bulong ni Manang Linda.
Pagpasok sa study room ay naupo ako sa sofa at nag-isip paano sisimulan ang kwento. Sasabihin ko bang nagdadalang-tao ko? Pero wag muna siguro ayaw kong gawing dahilan ang bata para kaawaan nila ako.
Matagal tagal na din nakikiramdam ang matanda bago nagsalita.
Apo, ano bang nangyari?
Eh lola hiwalay napo kami ni Josh.
What? Bakit? Sinaktan ka ba nya. Nagulantang ito sa aking balita kaya napatayo at bakas ang galit sa mukha.
Lola, huminahon po kayo, okey lang naman po kaysa magkasama nga kami pero hinde naman nya ko magawang mahalin o itrato bilang asawa.
Hinde apo, alam kong mahal na mahal ka nya. Kanina ay tumawag pa sya at alam kong gusto nyang magtanong kung nandito ka pero binabaan ako ng telepono.
Lola, nawala napo ang katiting na pag-asang meron ako sa nangyari kanina. Kaya wag nyo na pong ipilit pa, naniniwala po akong mas okey na yung ganito.
Teka tatawagan ko si Josh.
Lola please, ayaw ko pong malaman nyang nandito ako.
Kaya ba kanina wala sa plano mong pumunta dito? Bakas sa mukha ng lola ang sakit ng damdamin.
Sorry po lola, ayaw ko lang po talagang mag-alala kayo kaya inisip ko baka maging pabigat lang po ako sa inyo isa pa po ayaw ko din po na isipin ni Josh na nagsumbong ako sa inyo.
Ano ka bang bata ka. Sige ikwento mo sakin ang nangyari.
Inilahad ko mula umpisa pero di ko sinabing sa ospital ako galing, sabi ko may pinuntahan lang ako at naabutan ko yung babae sa bahay. Bumalik ang kirot at halos isang baldeng luha na naman ang naubos ko habang nagkukwento.
Gigil na gigil si lola sa nangyari.
Nakikiusap po ako sakali pong tumawag si Josh o sila papa at mama baka po pede nyo muna ilihim, kahit po kina tita Gina kahit ilang araw lang po. Gusto ko lang po muna makapag-isip.
Nanatiling tahimik ang matanda at di kumikibo.
Lola, baka din po pwede nyo ko payagan umalis muna dito.
Ano? Yan ang di ko mapapayagan.
Eh lola pano po ako makakalimot kung sa bawat sulok ng bahay na ito ay nandito ang alaala namin ni Josh.
Iha, mahal mo ba ako?
Opo naman lola.
Wag na wag mong subuking umalis at iwan ako. Naluluha na din ito habang nakikiusap ang mga mata.
Lola... Hagulgol ko habang nakayakap sa matanda. Ang saki sakit po. Akala ko mahal na nya ako.
Mahal ka nya apo. Tumingin ka sakin!
Tinitigan ko si lola sa mata at kitang kita ko ang pagmamahal nito sa akin.
Magpakatatag ka apo, wag ka agad susuko. Maniwala ka saking mahal ka nya. Nakita ko, naramdaman ko. Sa buhay may asawa kailangan nating sumugal. Kayanin mo at hinde kita papabayaan. Isang araw marerealize nya ang nagawa nya. Maging masaya ka para sa sarili mo at tanggapin na parte ito ng pagsubok.
Marami kaming nagmamahal sayo dito apo. Di sapat na dahilan ang mabigo sa pag-ibig para sumuko. Laban lang. Ang lolo mo nga tuluyan na kong iniwanan pero iniisip ko kayo kaya hinde ako sumuko. May panahon na nakatakda, minsan maling panahon lang pero pasasaan ba at mahahanap mo din ang tamang oras. Mangako ka na di mo ko iiwanan.
Mahaba ang litanya ng lola at tatlo na kaming umiiyak nila manang Ibyang.
Lola wag po kayong mag-alala at kakayanin ko. Pero may hihilingin po ako.
Ano yon apo?
Babalik po ako sa dating trabaho ko dito sa hacienda bago pa kami nagpakasal ni Josh.
Sigurado ka ba apo?
Opo lola para po malibang ako at ng di laging mag-isip. Kailangan ko pong maging busy pero bigyan nyo po muna ako ng mga 3 days para maiayos ang sarili ko.
Oo naman iha. Nga pala ay may paparating na bago sa susunod na linggo. Madami pa ding dapat ihanda sa hacienda. Mabuti na ding nandirito ka ng matulungan mo ako.
Opo lola. Magpahinga na po tayo at bukas po pupunta muna ako sa bahay namin nila nanay.
Oh sige apo. Ibyang magpahinga ka na din ha.
Opo senyora. Lyza gusto mo bang samahan muna kita sa kwarto mo?
Hinde na po manang, kaya ko po ito. Salamat po.
Magsabi ka anak pag may iniisip ka ha. Magpahinga ka din ng maayos.
Opo, goodnight po lola. Hinalikan ko ang matanda at niyakap ng mahigpit. Thank you po lola.
I love you apo.
Ako dn po mahal na mahal kita. Manang goodnight po. At si manang naman ang sunod nyang niyakap bago pumunta ng kanyang silid.