Loosing Your Heart

1063 Words
Josh POV ----- Alas singco na ng makauwi si Josh sa kanilang bahay at as expected madilim, tanda na umalis na si Lyza ang pinakamamahal nyang asawa. Pagpasok pa lang ng bahay ay may lungkot ng bumalot sa kanyang pagkatao. Namimiss nya ang masayang ngiti ng asawa pagdating nya. Hi babe, how’s work? Magluluto ako, what do you want for dinner? Pangkaraniwang salubong ni Lyza sa kanya kahit na nuong hinde nya ito masyadong pinapansin at tinutugunan naman nya ng walang kasigla siglang sagot, bahala ka na, anything, o di kaya ay nagdinner na ako. Napapansin nya na pag sinabi nyang nagdinner na ako ay malungkot itong babalik ng kwarto at di na lalabas o di naman kaya ay maglilinis ng bahay para lumipas na lang ang kalungkutan. Kahit naman kasi ano ang iluto nito ay masarap at alam nyang lagi nya itong pinaghahandaan. Pero ngayon ay hinahanap hanap nya ang ngiti ng asawa. San kaya ito nagpunta, okey kaya sya? Oh God what have I done? Umiiyak na sabi ni Josh at napaupo na lang sa sofa. Naisipan nyang icheck ang CCTV sa labas at tama nga na umalis na ang asawa base sa last motion na nadetect ng camera. Tumingin pa ito sa buong bahay na umiiyak bago isinara ang pinto. Sa ganitong oras ay maaaring nasa Natividad na ito kung dun ito nagpunta. Naisipan nyang tawagan ang abuela. Hello iho, kamusta kayo? Ok lang po lola, kayo po? Oh di pa ba ako magkakaapo? Nasan si Lyza? Ah hello po lola, nasa labas po ba kayo mahina ang signal eh. Tatawag na lang po ako ulit. Apo, ok naman…. Aba binabaan na yata ako ng telepono nito ah. Ibinaba na ni Josh ang telepono ng hanapin ng abuela si Lyza, nangangahulugang wala pa duon si Lyza o kaya ay hinde umuwi dun. San kaya sya possibleng nagpunta? What will I do? How can I find her? Dapat kasi hinde mo na hinayaang makaalis eh. Paninisi nya sa sarili. Sa Natividad... Teka ihinto mo nga sandali Berto. Sabi ng matanda sa driver. Josie, si Lyza ba yung nakaupo na yon? Tingnan mo nga pero wag mong lalapitan. Siguraduhin mo lang. Utos nito sa kasambahay na isinama nya. Anak ito ni Manang Josefa. Kasalukuyang pauwi ang matanda papunta sa mansion. Ang bus stop ay sa mismong kanto paliko ng Natividad at sa ganda ni Lyza at hubog ng katawan ay hinde pwedeng hinde mapapansin ng kahit sino. Ay senyora, opo si Ate Lyza nga po yon. Berto iayos mo ng parada ng kotse at magmasid muna tayo. Nung tumawag si Josh ay biglang tumibok ng malakas ang puso nya at nun pa lang alam nya ng may hinde magandang nangyari na pinatutuhanan ng makita nya si Lyza dito ngayon. Hinde nito malalamang sila ang nasa kotse dahil bago ito, ibinenta nya ang dalawang lumang sasakyan at ipinalit nya ito. Nakita ng matanda na may pagkain ito sa harap ngunit hinde nagagalaw at lalong naantig ang kanyang puso ng makita nya itong nagpapahid ng luha na kanina ay di nya napansin dahil nakashades ito. Tumayo si Lyza at nagbayad ngunit napansin nyang nagbago ang hugis ng katawan nito. Di kaya? Natututop ng matanda ang bibig sa naisip. Senyora aalis napo yata si Ate Lyza. Bakit po ang laki yata ng maletang dala? Nanatiling walang kibo ang matanda at pinagmamasdan nya ito habang buhat ang malaking maleta. Tila yata naghahanap ng masasakyan hanggang sa nilapitan nito ang tricycle na nakaparada malapit sa kotse kaya bahagyang ibinaba ng matanda ang bintana. Kuya, naghahatid po ba kayo sa Natividad dun po ako sa may Morong. Morong? Sabi ng matanda, sa bahay nila sya uuwi at di sa mansion. Bakit kaya lola ano kaya ang nangyari?. Tanong ni Josie. Naku miss, hinde kita maihahatid ngayon dun dahil may inaabangan ako. Mag-abang ka sa kanto baka sakaling may dumaan pang tricycle. Kuya balikan lang po kasi ako may kukuhanin lang ako dun tapos po babalik ako rito. Luluwas din po ako.. Tumawag ka na lang ng pwede sumundo sayo. Eh kuya kasi… Ah sige thank you na lang. Berto bumaba ka na at buhatin ang maleta ni Lyza. Josie lumipat ka na sa harapan ng kotse. Opo senyora. Sagot ng dalawa. Binuksan ng matanda ang pinto at tinawag si Lyza. Apo…. Parang boses ng lola yon ah…. Automatikong naghanap ang mata ni Lyza para hanapin ang nagsalita ng makita nya itong nakatayo sa likuran nya.. Lola…… Sabi ni Lyza at tinanggal ang mask at shades na suot suot nya. Halika apo, sumakay ka na dito. Magandang hapon po Donya Alicia, bati ng mga tao sa paligid. Nakangiti naman ang matanda sa mga tao at napayuko naman ang tricycle driver na kausap kanina ni Lyza. Hinde nya naman kasi alam na isang Natividad pala ang nagpapahatid sa kanya. Hinde nya nakilala si Lyza gawa ng face mask. Gusto mo ba akong sorpresahin apo kaya hinde ka tumawag? Hinde naman sumagot si Lyza at yumakap ng mahigpit sa matanda, alam nyang sinabi lng nito iyon upang hinde sya mapahiya sa mga tao. Sa higpit ng yakap ni Lyza ay alam na alam na ng matanda kung gaano kabigat ang kanyang kalungkutan. Halika na umuwi na tayo. Alalay nito sa kanya. Binuhat naman ni Mang Berto ang maleta at kinuha sa kamay nya ang bag. Magandang hapon anak. Nagmano din sya dito at yumakap. Good afternoon din po Tay Berto. Bati nya dito bago sumakay ng kotse. Habang daan ay tahimik lang ang maglola habang pinipisil ng matanda ang kamay ng apo. Josie, tumawag ka sa Nana Ibyang mo at magpaluto ka ng sinigang na pink salmon sa miso. Wag mong papalagyan ng talong. Sabihin mo din na magprito ng liempo. Opo Senyora. Alam na alam talaga ng lola ang kahinaan ko sa pagkain. Ngunit naisip nyang bakit wag lagyan ng talong. Buti na lang kasi bawal yun sa buntis. Sa isip isip ni Lyza. Pagdating ng mansion ay tahimik na pumasok si Lyza sa loob. Sige apo, magpalit ka muna ng damit at magpahinga, ipapatawag kita pag handa ang hapunan. Tay Berto, yun pong gamit ko pakilagay po sa kwarto namin nila Nanay sa baba. Josie bukas pakilipat mga gamit ko sa taas dito sa kwarto ko sa baba. Okey ate. Thank you. At pumasok na sya sa loob ng kwarto habang tahimik na napapailing at nakamasid ang matanda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD