AKHIRO:
NAPAPANGUSO AKONG kunot ang noo na pinapasadaan ang mga resume ng mga aplikante para maging bagong secretary ko.
Napahinga ng malalim si Divina. Ang longtime secretary ko since nag-umpisa akong maging CEO ng A'M Empire Group of Company. Isa sa mga nangunguna ngayong business nationwide at maging sa Asia ay kilala na ang kumpanyang sariling pawis kong itinayo. Labinlimang taon na ang nakalipas.
Bumagsak ang sales ng kumpanya sa nangyaring scandal ko, limang taon na ang nakakaraan dahil sa pagtakbo ng ex bride ko sa araw mismo ng kasal namin. Maraming investors ko ang nagsi-back-out na ikinalugi ng kumpanya ko. Idagdag pang na-depressed ako sa kahihiyang inabot ko. Pero sa tulong ng buong angkan ko lalo na ang mga magulang ko ay unti-unti akong nakabangon.
At ngayo'y masasabi kong isa na akong successful business man nationwide at nakikilala na rin worldwide.
Hindi na ako sumubok pang muli na pumasok sa relasyon. Sakit lang sa ulo ang mga babae. Panira lang sila sa buhay. Nag-focus na lamang ako sa pagpapalago ng kumpanya kong ngayo'y nangunguna na sa bansa kasama ng mga kumpanyang itinayo rin ng mga pinsan kong katulad ko ay mga successful business man na rin.
"What, Akhie? Wala na naman bang pasado sayo?" untag nito.
May halong pagkairita na sa tono ang secretary ko dahil natignan ko na lahat ang nasa 50 resume na ipinasa nito ay wala akong napiling qualified sa panlasa ko. Napahinga ako ng malalim na napahilot ng sentido at sumandal ng swivel chair ko.
"Bakit ba kasi kailangan mong mag-resign? Nakakainis ka naman eh!" pagak itong natawa at napailing sa reklamo ko.
"Akhie naman, ilang boyfriend ko na ang tinakbuhan ako sa pagpapakasal dahil hindi mo ako pinapakawalan. Maawa ka naman sa akin, ayokong tumandang mag-isa katulad mo, ano?"
Namilog ang mga mata kong pabirong binato ito ng nilukot kong papel na ikahagikhik nito.
"30 years old pa lang ako. .
. kung makatanda ka naman. Ni hindi nga halatang nasa 30s na ako eh," ingos ko.
Napailing itong muling dinampot ang mga resume.
"Akhie, sige na. Hwag ng matigas ang ulo mo. Bundat na ako, oh? Maawa ka naman sa baby ko. Gusto ko ng lumagay sa tahimik. Bukas dapat may mapili ka na sa mga bagong aplikante, huh? Malilintikan ka na sa akin. . . arte mo," napabungisngis akong tumango sa sinaad nito.
Sa loob ng sampung taon kong naging secretary ito ay para na kaming magbarkada kahit dito sa loob ng opisina.
Sa lahat ng empleyado ko ay ito lang ang nakakapagbiro sa akin. Magaling siyang secretary na kayang i-handle lahat ng schedule ko on time.
Wala akong masabi sa pulido nitong magtrabaho. Kaya nga hirap akong pakawalan ito dahil sayang talaga siya. Lalo na't siya na ang nakasanayan kong kasa-kasama magmula ng mag-umpisa ako sa larangan ng negosyo. Masungit at arogante ako sa lahat. Kaya natatakot ang mga empleyado kong magbiro sa akin.
NAPAPAHILOT AKO ng kilay na muling bumaling sa mga papeles na nasa harapan ko for approval na kailangan kong pirmahan. Siya namang pag-vibrate ng phone ko sa bulsa.
"What?" tinatamad kong sagot sa pinsan kong si Typhus.
"Akhie, what's up, dude!? Jamming ka naman sa amin. . . nandidito kaming lahat sa Bar ni Mama Liezel," pag-aaya nito.
Napatingin ako ng relo ko at pasado alasotso na pala ng gabi. Napahinga ako ng malalim na tumango.
"Fine. I'm on my way."
Pagpayag ko na ikinabunyi pa nito sa kabilang linya. Iniligpit ko na ang mga ginagawa kong hindi ko pa natapos at nagtungo sa room ko dito. Halos dito na nga ako tumira sa opisina ko dahil may kitchen, room at sala na ako dito. Mabuti na rin kasi dito dahil nakatutok ako sa trabaho at anytime ay maaari akong matulog kung inaantok at gumising kung kailan ko gusto.
Naligo na muna ako at nagbihis ng casual bago pumasok ng private elevator kong bumaba ng ground floor. Sisipol-sipol akong tinungo ang kotse ko at pinasilab palabas ng building.
Halos 30 minutes din ang binyahe ko bago nakarating ng Del Prado's exclusive Bar. Marami na ring branch ito pero dito sa main branch ang madalas ay tagpuan naming magpipinsan.
Pagpasok ko ng Bar ay sumaludo pa sa akin ang mga guard at bouncer naming nakaabang dito sa harap para kapkapan muna ang bawat pumapasok at kinukunan din ng I'D.
Lumapit na ako sa mga pinsan kong nasa sulok ang pwesto pero pinagtitinginan at tilian ng mga kababaihan dito dahil lahat naman kaming heredero ng pamilya Montereal ay kilala ng publiko.
"Akhie, Here!" napangiwi ako sa parang batang pagsalubong ni Taylor sa akin.
Napalingon tuloy ang mga tao sa akin na napapairit pa ang mga dilag sa tabi-tabi.
"Himala nandito ka. . .Daddy," nakangising pang-aasar ko kay Dos na pinsan ko.
Hindi kasi ito nagsasasama sa get together naming mga lalaking pinsan nito dahil siya ang nag-aalaga sa ina nilang si tita Catrione. . . kakambal ni Daddy.
Napangiti lang naman itong inabutan ako ng shot kong tinanggap ko at agad nilagok. Napangiwi akong humagod ang init at pait na ikinadampot ko ng slice lemon sa center table at agad sinipsip.
"Ngayon lang. Walang sumpong si Mommy eh," anito.
"Labas-labas din minsan, dude. Lalo kang yumayaman na ginawa mo ng bahay ang opisina mo eh," natatawang saad ni Kuya Kieanne na pinsan ko rin.
Panganay ng Tito Khiranz ko. Tulad ko'y mag-isang lalake dahil dalawa lang din sila ng nakababatang kapatid nitong si Sofia na kaedaran lang namin ni Danica na kambal ko.
"Oo nga naman, Akhie. Libangin mo rin ang sarili mo, hindi 'yong puro papeles at ballpen ang hawak mo. Teka. . . ihanap kita ng babae mo," ani Tyrone na pinsan ko rin na anak ng Tita Catrione kong kakambal ni Typhus.
"No way! Hindi ako nagpunta dito para sa babae!" alma ko at agad hinila itong naupong muli.
"Baka naman mag-expire na ang mga punla mo dyan na hindi mo nailalabas, dude."
Nabato ko ng nilukot kong tissue si Claude na pinsan kong anak ni Tita Cathleen. Mag-isa ring lalake ng pamilya nila at may triplets na Ate.
Nagtawanan pa tuloy ang mga ito sa pangangantyaw nito sa akin.
"Kaya kong paligayahin ang sarili ko, nuh? Marurumihan lang ako sa mga babaeng 'yan," ingos kong ikinahalakhak ng mga ito.
"Baka naman matulad ka na dito kay Dos, na hanggang instant lang ang mga nagiging girlfriend, dude. Galaw galaw din. . . sayang ang gem ng lahi natin oh," ani Chloe na anak ng Tito Collins namin.
Pinaningkitan ko itong ngingisi-ngisi sa akin habang nagtataasbaba ng mga kilay. Napailing akong napangisi dito.
"Gusto mo, Akhie. . . ibigay ko 'yong isang bebe ko sayo?"
Nagtawanan muli ang mga ito sa suggestion ng alaskador at babaerong pinsan naming si Zayn na anak ni Tita Charrie.
Pinakitaan ko ito ng middle finger kong ikinabungisngis naman nito. Palibhasa kilalang playboy ito eh. Kaliwa't kanan ang babae nito na parang nagpapalit lang ng damit kung magpalit ng babae.
Lahat naman kami ay literal na habulin ng mga anak mayaman, model, actress kahit nga mga beauty queen ay lantarang naghahabol sa amin. Kaya hindi ko masisi ang mga ito kung may kinaka-fling sila sa mga babaeng naghahabol sa kanila pero. . . ibahin nila ako.
Well kami pala ni Dos na anak ni Tita Catrione. Kami lang yata ang may allergy sa mga babae dahil ito ay katulad kong bahay trabaho lang ang routine ng buhay.
"Hwag na, peperahan lang ako," ismid kong ikinahagalpak ng tawa ng mga ito kaya natatawa na rin ako.
"Ang kuripot nito. Ang yaman-yaman mo na, barya lang sayo na maglabas ka ng milyon para sa chiks mo, noh?" ani Typhus na inilingan ko.
"Hindi ako maglalabas ng perang pinaghirapan ko para lang sa babae. Pare-pareho lang namang katawan at pera lang ang habol ng mga 'yan sa atin," natahimik ang mga ito sa sinaad ko.
Mapait akong napangiti ng sumagi sa isip ko si Aliyah na inubos lang ang pera ko. Ilang bilyon din ang inabot ng sampung taon kong pangangalaga dito na binibigay lahat ng luho. Pero sa huli ay iniwan ako sa ere na babad sa kahihiyan.
"Hey take it easy, dude. Nandito tayo para magkatuwaan."
Natatawang saad ni Kieanne sa mahaba-haba naming katahimikan na tila nagpaparamdaman kung sino ang babasag ng akward moment namin.
Muli kaming nag-toss at nagbalik ang ingay sa table namin na nagpapasahang magkantiyawan.
Tumayo akong lumipat ng Bar counter para um-order ng ibang drinks ko dahil nalihis na sa babae ang usapan ng mga ito.
"Yes, Sir Akhiro?"
Nakangiting baling kaagad sa akin ng bar tender na kasalukuyang nagmi-mix ng alak. Naupo ako ng high chair kaharap nito.
"I want that," nguso ko sa inaalog-alog nito.
"Right away, Sir!"
Sinalinan ako nito sa shooting glass na maingat inilapag sa harap ko.
Akmang dadamputin ko ito ng may umakbay sa akin at inisang lagok ang shot kong ikinanganga ko at napabaling dito.
Mukhang lasing na ito na napayuko pa. Nag-angat ito ng mukha at hinawi pataas ang buhok na tumabing sa mukha. Napalunok ako ng mapasadaan ang mala-anghel sa ganda at amo ng mukha nito.
"Ooppss. . . sorry, handsome. Order ka na lang ulit." nakangising saad nito.
Mapupungay na rin ang mga mata nitong nakakalunod titigan sa ganda dahil may pagkabilog ang mga iyon na kulay berde. Malago ang makapal at mahaba nitong pilikmata na mukhang natural. Mukhang wala rin itong makeup at namumula na ang makinis at maputing mukha. Kahit mga labi nito ay walang ni anong bahid ng lipstick na natural ang pula.
Parang natuyo ang lalamunan kong napatitig sa makintab niyang mga labi na bahagyang nakaawang na ikinalunok kong napapababa ng tingin sa mga iyon.
"Are you drunk?" ismid ko at muling nagpatagay sa bar tender.
Nangingiti naman itong pinagmamasdan kami nitong magandang anghel na nakaakbay pa rin sa akin. Parang nagugustuhan ko pa ang pakiramdam na nakaakbay ito sa akin habang matiim akong tinititigan.
"Ang gwapo mo. . . kahit mukha kang antipatiko, Sir." Ngising asong saad nito.
Tinaasan ko ito ng kilay pero mukhang natuwa pa at 'di makitaan ng takot kahit seryoso ang mukha ko.
"Do you know who am I, young lady?"
Umiling itong muling inagaw ang bagong lagay sa shot ko na inisang lagok. Napangisi ako ng gumuhit sa magandang mukha nito ang pait na ikinangiwi nito.
"I don't know you, Sir. . . unless, magpakilala ka hehehe," anito na muling napahawi ng buhok na tumabing sa mukha.
Napangisi akong umayos ng upo at hinapit ito palapit na ikinaiktad nito. Nakatayo pa rin naman ito sa gilid ko habang nakaupo ako sa high chair kaya halos magkapantay na kami.
"Why? Do you like me?" diretsahang tanong ko.
Namula itong napalunok pero idinantay pa rin naman ang mga kamay sa kabilaang balikat ko na ikinatigil ko.
"What if I said yes? Do you mind, Sir?" palabang sagot nito.
Pagak akong natawa na napailing pero siya namang pagsiil nito sa mga labi kong ikinamulagat ko at nanigas sa kinauupuan!
Dinig kong naghiyawan at palakpakan ang nilingon nitong grupo at napa-thumbs-up na ikinalunok ko. Ngingisi-ngisi itong bumaling sa akin na namimilog ang mga mata dala ng kabiglaan! f**k!
She kissed me!?
"Damn you, young lady. Did you kissed me for a bet?" sikmat ko nang makabawi-bawi ako.
Natigilan ako ng inilapit nito ang mukha na halos maduling na ako dito na matamang tumitig sa mga mata ko.
"Yes, Sir. Katuwaan lang. Pasensiya ka na, huh? Ikaw kasi ang natipuhan ko," ngisi nito na muling nag-smack-kiss sa mga labi kong ikinatanga ko.
Napahagikhik pa itong muling humalik sa noo at pisngi ko bago naglakad na parang wala lang pabalik sa table nitong naghihiyawan na ang mga kasama nito.
"f**k!"
Napahagikhik ang bar tender sa akin sa malutong kong pagmura.
"Ang lakas ng loob noh, Sir? Mukhang hindi ka nga niya kilala kaya malakas ang loob lapitan at halikan ka," ani ng bartender sa akin na muling nagsalin sa baso ko.
"Damn that girl, ang bata pa naman," naiiling saad ko na muling nilagok ang salin nito.
"Okay lang 'yan, Sir. For experience na rin. Maganda naman eh. At mukhang fresh," komento nitong ikinatawa ko na rin.
MAGHAHATING-GABI NA ng umalis na ako dahil nagkakatuwaan pa ang mga pinsan ko na may kanya-kanyang ka-meet-up ng babae.
"Kuya, sabay na ako!" habol ni Dos na namumula na rin ang mukha.
Inakbayan ko itong magkasamang lumabas ng Bar.
"Kumusta si Tita?" tanong ko habang palabas kami. Umiling naman ito.
"As usual, wala pa ring pinagbago. Mukhang hanggang sana na lang ang hiling kong makabalik na siya sa dati," malungkot nitong sagot.
Napahinga akong malalim na hinarap ito at tinapik sa balikat.
"Malalagpasan din ni Tita 'yan, Dos. Ako nga na galing sa depression ay nagawa kong talunin," mapait itong napangiti at napatango-tango.
"Iba naman kasi 'yong sayo, Kuya. Kasi ikaw. . . ginusto mong labanan at bumangong muli. Pero si Mommy? Wala eh. Mukhang sumuko na," mapait nitong sagot.
Nangilid ang luha nitong niyakap ko at tinapik-tapik sa likod. Sa kanila kasing magkakapatid ay si Dos ang malapit sa ina nila kaya ganon na lamang kaapektado ito pagdating sa kanilang inang si Tita Catrione.
"Sige, Kuya. Mauuna na ako sayo, ingat ka sa pagmamaneho."
"Thanks Dos, you too. Drive safe," tumango itong tinungo na ang kotse.
Akmang sasakay na ako ng kotse ko nang mahagip ng paningin ko ang dalagang humalik sa akin kanina sa loob.
Mag-isa itong pagewang-gewang na naglalakad dito palabas. Napailing na lamang ako. Natigilan ako at nilukob ng kaba ng may ilang kalalakihang sinalubong ito kaya parang may sariling isip ang mga paa kong lumapit sa mga ito.
"Hi, Ms beautiful. . . sumama ka na sa amin. Sisiguraduhin naming mag-eenjoy ka sa piling namin," ani ng isa.
Nagpantig ang panga kong napakuyom ng kamao. Parang may sariling isip ang mga paa kong pumihit palapit sa mga itong iwinalin kong hinapit ang dalaga sa baywang.
"Aba! Loko 'to ah! Sino ka ba!?" bulyaw nito sa pagwalin ko dito.
Kunot ang noong binalingan ko ang mga ito habang nakayapos ng mahigpit sa baywang nitong babaeng hindi ko naman kakilala. Lasing na lasing ang itsura nito na halos nakapikit na at 'di makatayo ng diretso.
"Mind your own damn business, she's my girlfriend, you got that?" natigilan ang mga ito at napalunok.
"Pare, sibat na. Montereal 'yan" bulong ng isa sa lalaking umalma sa akin.
Matalim kong tinitigan ang mga itong nabahala na makilala ako.
"Sorry, Sir, sorry po!" panabay pa nilang dispensa na napapayuko.
"Tsk. Let's go, sweetie."
Halos hindi na ito makalakad kaya kinarga ko na ito ng bridal style at maingat isinakay ng kotse ko at kaagad pinasilab pagkapasok ko ng driver side.
Pagak akong natawa at naiiling na napapahampas ng manibela habang nagmamaneho.
"Damn, Akhiro! Kailan ka pa naging concerned sa iba?" pagkausap ko sa sarili.
"Mm. . .nashushuka akoh," lasing na saad ng katabi kong bumangon mula sa pagkakahiga sa upuang katabi kong ini-slide ko.
Tinabig ko ang manibela pagilid ng highway at binuksan ang bubong nitong kotse dahil panay na ang duwal nito.
"s**t! Dumungaw ka sa labas! Hwag kang sumuka dito sa loob, kundi ihuhulog kita!"
"Shaan ba? Uwaaahh" napapaduwal na rin ako kasabay nito.
Ibinaba ko ang bintanang katabi nito at agad namang dumungaw doon na sunod-sunod nang dumuduwal. Napapasunod tuloy akong dumuduwal na rin lalo na't nalalanghap ko ang baho ng suka nito!
"Tubig," kaagad kong dinampot ang bottled water ko na binuksan at iniabot dito.
Nagmumog ito na napahilamos pa at nakahingang maluwag na muling humiga. Basang-basa pa ang mukha nito maging damit sa paghilamos. Bumakat tuloy ang malusog na cleavage nitong ikinalunok at iwas tingin ko.
"Saan ka nakatira?" aniko na muling nagmaneho.
Napalingon ako dito ng hindi ito sumagot at napailing ng makita itong nakanganga na at. . . humihilik!
Tumuloy na ako ng condo at muling kinarga ito papasok ng elevator. Mag-aalauna na ng madaling araw kaya wala akong kasabayang ikinatuwa ko.
Maingat ko itong inilapag ng kama ko at hinubad ang stilleto nito.
"Hmmm. . . ang sarap naman," napaungol pa itong napatagilid ng higa kaya sumilip ang cleavage nito.
Napatayo akong tarantang pumasok ng banyo!
"f**k! Sino ka ba para maapektuhan ako ng ganito?" piping usal ko.
Napasabunot ako sa ulo at hinubad lahat ng saplot ko na nagbabad sa malamig na shower para makalma at mapalamig ang sariling unti-unting umiinit dahil lang sa kapirasong laman na nasilayan ko!
Naiiling na lamang ako habang ninanamnam ang malamig na tubig na bumubuhos sa katawan ko.
Nakarobe akong lumabas na nagpupunas ng buhok. Natigilan ako nang makita itong nakatayo sa kama na nakapikit at hinuhubad ang blouse kasunod ang pencil skirt nitong ikinaalarma ko! Napasampa ako ng kama na pinigilan ang kamay nito sa akmang pagtanggal sa hook ng bra nito!
"f**k! What do you think you're doing!?"
Iwinalin lang naman ako nito na nanghihinang napaupo ng kama.
"Mainit! Sino ka ba?! Bakit ka nandito sa kwarto ko, huh?" kurap-kurap akong napatampal ng noo.
Tuluyan na nitong hinubad ang bra na inihagis na lang kung saan. Nanigas akong napapalunok na nanatili sa ibang direksyon ang mga mata ko. Pero kita ko pa rin sa peripheral vision ko ang ginagawa nito na pati ang suot na panty ay hinubad at inihagis na lang kung saan!
Sumubsob na ito ng kama na padapang nakatuwad ang pwetan at hinila ang comforter na pinangbalot sa katawang hubot-hubad!
Sunod-sunod akong napapalunok sa kaisipang may babaeng hubot-hubad na nakahiga ngayon sa kama ko!
Kakaligo ko pa lang pero heto at umaagos na ang mga butil-butil kong pawis sa pag-iinit ng katawan ko!
Tulala akong napailing na nagtungo ng kitchen at uminom ng malamig na tubig!
"Ibang klaseng babae," anas ko at sa sofa na lamang dito sa sala nahiga.
Hinubad ko rin ang ang robe ko at tanging brief lang ang suot kong padapang sumampa ng sofa. Ako pa tuloy ang natulog sa sofa. Bwisit naman!
Pabaling-baling ako sa kinahihigaan dahil hindi ako komportableng matulog ng sofa! Mag-aalastres na pero wala pa akong tulog habang ang dalaga ay humihilik na sa kama! Napabangon akong napasabunot sa sabog-sabog kong buhok.
"Bahala na!" tumayo akong naglakad at pikitmatang sumampa ng kama.
Nakahinga ako ng maluwag sa sarap na dulot ng mainit at malambot kong kama. Hinila ko na ang comforter at padapang nahiga. Agad akong tinangay ng antok na komportable na akong nahiga sa kama ko.
Naramdaman ko pa ang pagyakap nitong nagsumiksik sa akin kaya tumagilid akong ikinulong ito sa bisig ko.
"f**k, sweetie. Ang lambot mo."