Dahil sa pagod ko at kailangan ko magpahinga, sumuko ako sa pagtatalo namin ni Tristan, about sa higaan namin. Di ako pinakawalan at lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa akin, pinag hahampas ko pero ayaw, halos mag i isang oras kaming nag aaway at nanghahampas, kaya hinayaan ko na lang sya at natulog na lang kami ng ganoon ang pwesto, mabuti na lang di kami na abutan ng kambal, baka isumbong pa kami kay kuya at ate Shandra e.
"Ate Arya, let's play outside? Please?" hitak sa damit sa akin ni April, na kanina pa nag aayang mag laro sa poolside nila Tristan, alas nuebe na ng umaga at kayayari lang namin mag umagahan, kaya nasa kwarto na kami at nag bibihis, dahil mga naka pantulog pa kami.
Binuhat ko sya at iniupo sa kama, bakit bumigat naman yata sya?
"Wait lang, kaka kain lang natin e, at kakausapin ko pa sila Kuya" tango na lang ang isinagot sa akin ni April. Pumunta ako sa side table ng kama, at kinuha sa pag kaka charge ang
cellphone. Kakausapin ko si Kuya tungkol sa party sa friday at next day after. I want to ask him if kung pwede isama ko si Tristan at Mavy para naman may pang tapat sa mga intrimitidang kaibigan nya, kung nasa bansa din sila Pau edi mas maganda, Pau, Mavy, Jake, Kristof and Lin are my best friends. But Pau is not here, I mean wala sila ngayon sa bansa, nag travel at nag asikaso ng mga kaso sa ibang bansa, at next month pa uwi nila kasama sila Jake and the rest. Masyado kasing clown at trashy ang mga kaibigan nya, lalo na syang reyna of their pakening two years squad. I know Ann very well, she once become my classmate, pero nag transfer din sya agad sa ibang school after mayari ng 1st quarter. At dahil iyon sa ayaw syang pakawalan ng nilandi nya, which is the dean son. Noong grade nine pa yata iyon, and after that nalaman ko na lang na kaibigan sya ni Kuya, wala na akong nagawa, alam nya naman ginagawa nya and I trust kuya for not being seduced by her. Wala akong alam sa buhay nya pero alam namin ang ugali nya, at takbo ng isip nya. Dumagdag pa na may mga alipores na sya.
So magandang idea na may kasama ako. Pagkatapos ng ilang ring sinagot na din ni Kuya.
"Kuya, pwedeng isam sila Tristan at Mavy sa party? Kung hindi pwede, ahmm kayo na lan-"
"Of course it's okay, tayo tayo lang din naman ang ininbitahan nya, kahit na sinabi ng kapatid nya na mag invite ng marami. And also if they don't mind, bring some gifts? Ahm don't get me wrong, it's just for thanking them for inviting us, and for her brother's vicariousness" di man lang ako pinayari sa sasabihin ko, ang haba pa ng sinabi di pa ko maka singit. And what? Bring some gifts? Ssss? Di ba pwedeng isa na lang? Para sa aming lahat di ako kuripot, di lang kasi namin kilala o kaano ano yon, pero sa dahil invited kami, bibigyan na lang namin sila ng gift as their guest at respect na din. Di ko pa nga alam kung paano at kailan ko masasabi sa mga ito na invited sila, na in'invite ko sila sa isang party ng taong di naman namin kilala at tanging yung Ann ann lang na yon ang kilala namin, tapos biglang hihingan ko pa sila ng regalo? Hay. At isa pa yung susuotin kaya namin?
"Okay, okay. Pero ilang taon na ba yung kapatid nya?" sana kasing edad lang namin ng kay Tristan na lang kami hihingi ng advice o kaya ng mismong ipang reregalo na? Haha ganda ng mga brief nya.
"ahh nabanggit sakin yan ni Ann e, ahmm eighteen?" mas matanda ng buwan or taon, I'm seventeen, turning eighteen sa july seventeen nest year, si Tristan ay kaka eighteen lang noong isang buwan, at si Mavy naman ay kaka eighteen lang nuong nakaraang dalawang linggo. Senior pa kaya sya? College na kami next year e.
"Mm okay, inform ko na lang din sila Trista about sa gift, and kuya uuuwi na din kami bukas ng hapon. Gotta go, kanina pa nangungulit sila April" si April na naka pout at hinihitak ang laylayan ng damit ko, dinadala sa labas, si Aiden naman ay naka ngiting aso na at hawak ang isang water gun. Di pa kami nakakapag bihis e.
"Alright, see you then? Ah where is Tristan?" pahabol nitong tanong.
Nasaan nga ba yung tuko na yon? Kanina nasa labas nag lilinis ng sasakyan, pero ngayon I dunno.
"Baka nasa labas, sige kuya baba ko na, ingat na lang, ba bye! Love you" hindi ko na hinintay pa ang sagot nito at ibinaba na ang tawag. Huminto ako sa pag kaka hitak sa akin ni April at saktong nasa pinto naman si Tristan. Bumitaw sa pagkakahawak si April at tumakbo kay Tristan na naka topless at basa. Ahm what is this? Bakit nanuyot lalamunan ko hah?... Napapa lunok akong lumapit sa kanila at hinitak si April. Kanina si Aiden ang naka tayo doon, paano napunta ang lalaking to dito?
Hinitak ko si April at saka isinara ng pilit ang pinto.
"Mag bibihis pa kami! Mauna na kayo ni Aiden sa pool! Susunod na lang kami" ng maisara ko ng tuluyan ang pinto ay agad akong tumakbo sa bag at nag hanap ng pwedeng maisuot pamaligo, ganon din kay April . Ang alam ko nag lagay sila ng pamaligo nila dito e, like rashguard.
Lumapit sa akin si April at kinuha ang isang one piece na gray na may ribbon sa magkabilang balikat, at isang two piece na red.
Nanlaki ang mga mata ko ng makitang akin iyon at ang gray ay ang damit kong tinahi at ginawang one piece. Inilapag ko ito sa higaan at tinignan ng mabuti. Lumapit si April at saka hinubad isa isa ang mga damit at isinuot ang gray.
"Ate nakita ko po sa mga damit ko, kaya dinala ko, pati yung red kasi iyo ata iyon, may name sya" turo nya doon sya bra, kinuha ko iyon at tinignan, mm ito nga, may nakalagay sa papel sa loob na Arya, at iyon ang pangalan ko. Last time kong isinuot to tung nag bagong taon kami sa beach, noong nakaraan pang taon.
"Mm this is mine.. And thank you" ginulo ko ang buhok nya, ang cute talaga ng batang to, pero sexy na ngayon haha, damn she's only six years old, I can't believe, she knows to much, straight mag salita, at hindi nalalayo sa pag-iisip ng kuya niya. Resulta ba iyon ng kami lang nakakasama sa bahay? Haha, good din naman siguro.
"Arya!" sigaw ng tuko galing sa baba.. Ayy sh3t! Di ko pa naiaayos yung mga damit, at hindi pa ako nakakapag bihis! Hinila ko si April.
"April, you go first, okay? And tell kuya Tristan, di pa ready si ate okay?" tinanguan nya lang ako at nag diretso na sa pinto, sa pag sara ng pinto, pinagpupulot ko ang mga underware at mga damit kong nasa sahig pa, nakakahiya pag nakita nyang nakakalat yung mga undies ko! Bilis bilis, ipinasok ko ng ipinasok sa bag lahat. Hmm mamaya ko na lang aayusin! Kinuha ko ang isang maong at yung two piece tska pumasok sa cr. Itinali ko sa isang messy bun ang buhok ko at saka ako nagbihis.
"Arya, nasaan ka ba?" tawag ni tuko sa labas, bakit pumasok pa yon, di kaya sinabi ni April? Buti na lang nakapag linis na ako. Naka ayos naman na ang lahat sa akin, kaya lumabas na ako ng cr. Naabutan kong nagsasalamin sya at talagang nangingiti ngiti pa, boang
"Ay T4e! Sin-Arya" ng napatingin ito sa akin ay gulat na akala mong nakakita ng patay na muling nabuhay hahah, epic sayang alang video hahaha.
"Tinatawa tawa mo dyan huh? Ha-halika na sa baba, kanina pa ako kinukulit ni Aiden" sabay hitak sa braso ko, nagpatianod na lang ako sa pag hitak nya hanggang sa makarating na kami ng sala.
"Buti na lang kami lang andito" bulong ng buling itong si Tristqn kanina pa. Baliw na kaya sya?
"Ay naboang na" huminto sya sa paglalakad at ipinihit ang ulo na parang kayang kayang ibaliktad ang ulo.
"Sinong boang?" seryosong sabi nya, e sino pa ba e siya! Sya lang naman nag sasalita ng kung ano ano, baka mamaya sinasabi nya na mga orasyon nya, may lahi pa naman itong mangkukulam. Hahaha joke.
"Ako, ako boang, kaya halika na ligo tayi, April aaiden hintay tayo pool" sarcastic na nagsasalita at nakangiti ang iniharap ko sa muka nyang mukang buto. Sana all na lang ma panga. Ehehe. Naabutan ko na naglalaro sa duyan ang dalawa, at ang mga salbabida nila'y nagpapalutang lutang lang sa tubig, ganoon din ang mga water gun na nakalapag sa gilid ng pool. Tumakbo si Aiden ng makita ako
"Aiden wag kang tumakbo! Baka madulas ka" malaki ang pool at dalawa, isamg bilog na mababaw sa dulo at itong rectangular na four feet, to five feet ang sukat. Malapit na sa akin si Aiden ng biglang may malakas na pwersang tumulak sa akin, kaya nahulog ako sa pool at ang sakit ng katawan ko. Putang ina mo Tristan, sa pag ahon ko nakita kong gulat ang reaksyon ng dalawa, samantalang itong tuko ay napaka laki ng ngisi at naka cross arm pa.
Lumangoy ako papunta sa hagdan. King ina mo tuko ka. Ng maka akyat ay sinamaan ko ito ng tingin. Kinuha ko ang isa sa mga water gun at swerteng may laman naman ito.
Itinutok ko sa kanya at saka ko sya binasa ng binasa
"Sige lang, parang tanaga naman to" hindi sya nag iilag sa mga ginagawa ko dahil basa naman na sya, at ready to swim na talaga, lintik na abs yan, isa pang tingin don Arya, tatalon na ako sa pool. Sa kalaswaan ng isip ko, si April naman ang binasa ko.
"Ay! Ay, ate stop it haha" hinarang nya ang mga kamay nya sa muka nya at saka kung saan saan nag pupunta, maka iwas lang. Ng magtago ito sa likod ng isa sa mga bangko ay si Aiden naman ang binasa ko. Gaya ni April ay nag iilag din ito at ginawang panangga ang kuya Tristan nya.
"Hey, stop it wait wait" iniharap nya sa akin ang malalaking palad nya, ibinaba ko naman ang gun.
"Why, Tuko?" sinamaan nya naman ako tingin. Kanina pa yung mata nya na yan ah! Tinutok ko ulit yung gun, pero this time sa muka nya na, swerte na lang kung alin ang tamaan!
"Yahh! Shoot! Hahaha" sa bibig nya tumama dahil mag tutuko na naman sya, I mean mag sasalita sana sya ng kung ano ano.
"T4e, t4e ka talaga haha come here" nag habulan kami sa pool side ng hindi namin namamalayan, at nakisali na din ang dalawa, binitbit ko si Aiden at saka kami nag takbuhan, umiwas ako sa mismong gilid ng pool, at doon sa d**o nag tatakbo. Sh1t maabutan na kami, paikot ikot kami sa buong pool, pero ng makita kong malapit na sila, kinabahan ako.
"Ate! Malapit na kami haha!" sigaw ni April na nakapasan sa likod ni Tristan. Sh1t isang hitak na lang sa akin.
"Run!" sakting pag sigaw nya ay, hinawakan ko ang ilong ni Aiden at saka tumalon sa pool. Sa paglubog namin ni Aiden sa pool ay pareho kaming naka dilat, kaya nakita namin na pareho kaming nakangiti..