Third Person of View Tatlong araw ang naging outing nila at na-enjoy pa naman ni Caroline ang huling araw na iyon matapos magkausap muli sila ni Leander. Nasasaktan siya at nalulungkot pa rin sa naging usapan nila. Gusto man niya maniwala pero mas pinili niya ang desisyon na layuan ang binata at alisin na ang connection dito. Dahil sa tuwing nakikita niya si Leander, bumabalik lahat ang sakit na dinulot nito sa kanya. "Are you ok?" Tanong ni Joanne dahil kanina pa niyang napapansin na wala sa mood ang kaibigan. "Oo naman." Pagsisinungaling ni Caroline pero napatango na lang sa kanya si Joanne sa naging sagot nito. "Basta, kung kailangan mo ng maiiyakan nandito lang ako." Simpleng napangiti si Caroline sa sinabi ng best friend. Matagal na nga niyang itinuring na matalik na kaibigan si

