bc

His Second Lover (COMPLETED)

book_age12+
241
FOLLOW
1.4K
READ
BE
curse
drama
office/work place
assistant
like
intro-logo
Blurb

Caroline Faith Quililan, ang babaeng matagal nang iniingatan ang damdamin para sa kanyang childhood best friend na si Tristan James de la Paz—ngunit sa isang iglap, nabigo siyang mapasakanya ang lalaking minahal niya ng matagal na panahon.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, dumating sa buhay niya si Leander King Rojero, isang lalaking may lihim na hapdi sa puso dahil alaala ng kanyang yumaong nobya na tila muling nabuhay sa katauhan ni Caroline. Isang trahedya ang nagdaan sa kanya, at sa likod ng malamig niyang tingin ay ang pusong naghahangad din ng paghilom.

Malaya na sana si Caroline mula sa kanyang damdamin para kay Tristan, pero bakit parang lalo siyang nalilito? Sa ilalim ng iisang bubong, unti-unti siyang nahuhulog sa isang lalaking laging naroon para sa kanya—si Sir Leander, ang boss na hindi lang mabait kundi marunong din magmahal sa tahimik na paraan.

Makakalimutan na ba ni Caroline ang matagal niyang minahal, o matututo na rin siyang buksan ang puso sa isang lalaking hindi niya inaasahang darating—at magmamahal sa kanya nang buo?

Isang kwento ng paglimot, muling pag-ibig, at ang matamis na posibilidad ng ikalawang pagkakataon.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Caroline Faith’s POV Pauwi na ako mula sa trabaho, at habang binabagtas ang kalsadang tatlumpung metro lang ang layo mula sa bahay namin, may narinig akong pamilyar na tinig. Hindi na ako nagulat. Kilala ko na agad kung sino ang tumatawag sa palayaw ko—wala nang iba kundi ang bestfriend kong si Tristan James de la Paz. Apat na taon ang tanda niya sa akin. Para na nga siyang kuya—pero hindi ko siya matatawag ng gano'n. Kasi, to be honest... crush ko siya. Simula pa noong high school, may espesyal na akong nararamdaman. Ewan ko ba, natutuwa lang talaga ako sa kanya. “Uy, kanina pa kita tinatawag. Bakit hindi ka lumilingon?” kunot-noong tanong niya, pero sa totoo lang, may nakatagong ngiti sa likod ng kanyang boses. “Alam ko namang ikaw ‘yan. Bakit pa ako lilingon?” sagot ko, nagmamaang-maangan habang pilit iniiwas ang tingin. Ayoko kasi siyang titigan—pakiramdam ko, natutunaw ako sa bawat tingin niya. “Suplada ka na pala ngayon, tsk!” reklamo niya. “Hindi naman, noh. Alam ko namang ikaw ‘yon kaya hindi na kailangan pang lumingon.” muling tugon ko. “Suplada ka na nga talaga. Ayaw nang mamansin kahit bestfriend niya.” Halata sa boses niya ang tampo. Lumapit ako sa kanya at marahang kumapit sa kanyang braso. “Sorry na oh. Hindi ko sinasadya. Happy?” “Bakit parang ikaw pa 'yung naiinis?” balik niya sa akin, parang batang nagtataray. “Hindi nga eh, kaya nga ako nagso-sorry na.” sabay lambing ko habang humahawak pa rin sa kanya. “Sige na nga.” ngumiti siya, sabay hawak ulit sa kamay ko at mas hinigpitan pa ang kapit. Para tuloy kaming mag-jowa. “Kung hindi lang kita bestfriend, nako…” Kasabay ng mga salitang iyon, pinisil niya ang kaliwa kong pisngi nang matindi. “Aray ko! Grabe ka naman makahila ng mukha!” reklamo ko, sabay hampas sa braso niya. Binitiwan niya ako pero ako naman ang napahawak sa pisnging parang namamaga. Tinawanan lang niya ako. “Sorry na, ang sarap lang kasi pisilin, ang tambok eh.” sabay ngisi. Sinimangutan ko siya at tinalikuran. Hinabol niya ako, siya naman ngayon ang umakbay sa akin. “Sorry na, Cef. Hindi na mauulit.” tinaas pa niya ang kanang kamay na parang nangangakong seryoso. “Okay na.” sagot ko habang iniirapan siya. Hinatid niya ako hanggang bahay. Habang magkasabay kaming naglalakad at dinaanan ang bahay nila, hindi ko maiwasang kiligin sa loob-loob ko. Pagdating namin sa bahay, hinintay niya pa akong makapasok bago siya umalis. Pagpasok ko pa lang, sinalubong agad ako ng mga kapatid ko. Naramdaman ko na—aasarin na naman nila ako! “Lola, tignan mo si Ate, kasing pula na ng kamatis! Hinatid lang ni Kuya Tristan, kinilig na!” pang-aasar ni Cipher. “Oo nga, ayiee!” sabay din si Candy. “Magsitigil nga kayo d'yan! Magkaibigan lang kami, okay?” titig na seryoso ang binigay ko sa kanila, hudyat na tigilan na nila ako. Napakamot sa ulo si Cipher, habang tahimik naman si Candy. Totoo naman eh. Magkaibigan lang kami. At para sa kanya, para lang akong nakababatang kapatid. Pero hindi ko maitatangging may nararamdaman talaga ako para sa kanya. Hindi ko lang kayang ipakita o sabihin, dahil ayokong masira ang pagkakaibigan naming pinapahalagahan ko. Ayos na sa akin ‘yong ganito. Na nakikita ko siyang masaya. Na magkasama kami, kahit pa minsan lang. Hindi ko namalayan, nasa loob na pala ako ng kwarto. Ni-lock ko ang pinto, inilapag ang bag sa mesa, kumuha ng pambahay sa aparador at nagbihis. Paglabas ko, inabutan ko si Lola na naghain ng merienda. Agad akong nagpasalamat. Kinaumagahan “Good morning, everyone!” masaya kong bati sa mga ka-workmates ko. “Good morning, too! Mukhang blooming ka ngayon. Anong meron?” tanong ni Joanne, kaya napatingin ako sa kanya. “Wala naman. Basta maganda lang ang araw ko ngayon.” sagot ko, nakangiti. “Teka, baka tungkol ‘yan sa bestfriend mo? Nanligaw na ba siya sa wakas?” Napangiwi ako. Sinimulan ko na lang ang trabaho. “Hindi siya nanligaw, okay? At imposible 'yon. Hindi ako 'yung tipo ng babaeng gusto niya. Ayaw niya sa clumsy, innocent, at childish tulad ko.” Unti-unti nawala ang ngiti ko habang sinasabi ko ‘yon. “Sigurado ka ba? Malay mo, nagbago na siya ngayon,” sabat ulit ni Joanne. “Impossible ‘yon. Sige na, trabaho na tayo baka mapagalitan pa tayo ni Sir Marlo.” Sa totoo lang, siya naman talaga ang dahilan kung bakit masaya ako ngayon. Kahapon lang kami muling nagkita—matagal kaming naging busy, kaya sa f*******: na lang madalas ang usapan namin. Pagkababa ko ng jeep, pinakiramdaman ko agad ang paligid. Baka sakaling magkita ulit kami. Limang minuto akong naglakad, pero walang tumawag ng pangalan ko. Napabuntong-hininga na lang ako. Pagdating ko sa bahay, dumiretso ako sa kwarto. Ayoko munang makipag-usap sa mga kapatid ko. Nasa mood na naman akong magkulong. Naabala ako sa paglalaro ng computer, hindi ko namalayang gabi na pala. Kumain na lang ako ng dinner, pagkatapos bumalik sa kwarto. Napansin kong may ilaw ang cellphone ko—baka may text. Napangiti ako. Siya 'yon. Tumalon na naman ang puso ko. Agad ko siyang nireplayan, at napahaba na naman ang usapan namin hanggang sa napuyat na ako sa kakachika sa kanya. --- Kinabukasan sa opisina… “Uy, ngiti ka diyan ng ngiti,” puna ni Joanne. Hindi ko siya pinansin. “Iba talaga ‘pag in-love,” dagdag niya. Pero hindi na ako kumibo. Pagkatapos ng trabaho, nagdesisyon akong umuwi agad. Umaasa akong makita ko ulit si Tristan. Miss na miss ko na siya. Pag-uwi, tinulungan ko si Lola sa paghahanda ng hapunan. Tila ba naiirita ako sa kawalan ng ginagawa. Nakasasawang ulit-ulit lang ang routine. “Matanong lang kita, apo… may gusto ka ba kay Tristan?” tanong bigla ni Lola. Napatigil ako sa paghihiwa ng sibuyas. Tumingin ako sa kanya at dahan-dahang tumango. “Pero hindi naman ako ang gusto niya, Lola. Bestfriend lang talaga ang turing niya sa akin.” Napabuntong-hininga si Lola. “Bakit hindi mo sabihin sa kanya ang nararamdaman mo? Malay mo, gusto ka rin niya.” “Hindi po, Lola. Ayokong ako ang maunang umamin. Babae pa rin ako.” Pagkatapos ng gabihan, umakyat na ako sa kwarto. Humiga, tumitig sa kisame, at naghintay ng mensahe mula sa kanya. Wala. Binuksan ko ang f*******:—wala pa rin. Naghintay pa ako, pero wala talaga. Unti-unti akong dinalaw ng antok hanggang sa makatulog na ako. Kinabukasan sa opisina... “Teka, bakit parang Biyernes Santo ang mukha mo? Kahapon lang parang abot langit ang ngiti mo.” tanong ni Joanne. “Hindi kasi siya nag-text o nag-chat man lang sa akin,” sabi ko, may tampo. “Wow, Carol! Akala mo jowa mo si Tristan sa pagtatampo mo.” Sinimangutan ko siya. Ang totoo, masakit. “Sorry, ha. Pero ikaw kasi, umaasa ka sa wala. Kung ako sa’yo, itigil mo na ‘yan. Masasaktan ka lang.” Tahimik ako. Napaisip. Ititigil ko na ba? “Mahal ko na siya…” ‘yun lang ang nasambit ko. Lumipas ang isang buwan. Walang text. Walang chat. Doon ko na-realize—tama si Joanne. Kahit masakit, kailangang magpatatag. Hanggang sa isang umaga… Nagising ako sa tunog ng cellph one. Kinuha ko ito agad, inaantok pa. Pagbukas ko ng screen— Nanlaki ang mga mata ko. Nawala ang antok. Siya. Nag-message siya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

His Obsession

read
104.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.9K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.4K
bc

The naive Secretary

read
69.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook