Pumupukaw pa rin sa isipan ko ang naging encounter namin ni TJ at ang biglaang pag-confess niya sa akin ng kanyang feelings na dahilan hindi ko napansin na mayroon pa lang nagsasalita sa harap ko.
"Ano nga po 'yon?" Tanong ko na lang sa isang gay na isang make-up artist na kasalukuyang naglalagay ng kulay sa aking mukha.
"Ang sabi ko ang ganda niyo, Ma'am." Pagpupuring saad niya sa akin. "Napakaliit at nipis ng lips niyo. Bagay na bagay sa lipstick na ginamit natin."
Napangiti ako at nagpasalamat.
"Oh my gosh, girl! Kapag nakita ka ni Sir Leander na ganyang itsura mo. Panigurado mamangha iyon sayo, grabe." sabi nito habang kinikilig sa mga sinasabi niya. "Mas lalo ka pang gumanda nang nilagyan pa kita ng make up."
Kasalukuyan akong naghahanda at nag-aayos para sa birthday celebration ni Lean. Labis ang tuwa na aking nararamdaman sa oras na ito. Masaya na kasama ko siya sa kanyang kaarawan.
Matapos ang aking preparasyon, lumabas na rin ako ng silid kasabay niyong bakla na nag-make up sa akin.
Bumungad kaagad sa akin ang gulat at namamangha na itsura ni Lean nang makita ako.
"You look more beautiful tonight." saad niya habang abot tainga ang ngiti.
Hindi ako nagsasawang titigan siya habang nakangiti. Gumagaan ang pakiramdam ko kapag nakikita ko siyang ganyan. Mas tumitindi ang aking nararamdaman kapag nakikita ko siyang ngumingiti sa akin.
"Let's go?" umangkla na rin ako sa braso niya habang hawak ng kaliwang kamay ko ang regalo para sa kanya. "Anyway, after this celebration I want you to stay with me in the whole night."
Nanlaki ang aking mata sa sinabi niya kaya kaagad niyang nilinaw 'yon, "I mean gusto ko makapag-bonding na tayong dalawa lang saka may sasabihin ako sayo."
Eh di kaya, tatanungin na niya ako if gusto na niyang maging official kami? Alam kong assuming ako pero iyon ang nararamdaman ko. Bigla na lang ulit bumilis ang t***k ng puso ko sa naisip.
"Sure." Nakangiting-saad ko.
"We will dance together in the whole night. Tayo lang dalawa." dinig kong sabi niya habang naglalakad kami palabas ng mansion.
"Ibibigay ko rin sa'yo 'tong gift." Bigla siyang napatingin sa kabilang kamay ko at nakita niya ang isang box na hawak ko.
"Hindi ka na dapat nag-abala pang bumili ng regalo para sa akin. You are enough to me, Miss Faith." Kaya mas lalong nagtatambol ang puso ko sa mga salitang naririnig ko ngayon.
Ito iyong minahal ko sa kanya. Napaka-humble at simple niya lang na lalaki na kailanman na hindi mo makikita na kahit kaninuman. Para sa akin napaka-unique niya. Siya iyong tipo na kamahal-mahal at di dapat saktan. Siya 'yong lalaki na nagparamdam na special at mahalaga ako sa kanya. Siya 'yong lalaki na almost perfect na sa paningin ko na di na kailangan pang maghanap ng iba. He is a complete package.
"Nakakahiya..." Hindi na niya ako pinatuloy sa aking sasabihin pa.
"Don't be shy, uh? Di naman sa akin mahalaga ang materyal na bagay. It is not making me happy and satisfied but the person in front of me now."
Halos di na ako makahinga sa kanyang mga sinasabi. Hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat dahil nakilala ko siya. Feeling ko kasi napakaswerte ko. Akala ko hindi na ako makakatagpo pa ng mamahalin pero nandito siya kasama ko. Nagniningning ang kanyang mga mata at walang hangganan at tamis ang kanyang mga ngiti.
Unti-unti nang nilalapit niya ang mukha niya sa akin para halikan ako nang may biglang tumawag sa aming dalawa.
"Sir Leander at Ma'am Faith magsisimula na po ang celebration." sigaw nito para sapat na marinig namin iyon.
"Kindly said we will come." Mabilis na sagot ni Leander dito.
Wala na rin akong narinig pa pagkatapos.
Naglalakad na kami palabas ng mansion nang bigla akong halikan ni Leander sa pisngi at hinawakan niya nang napakahigpit ang aking kamay na nakasiklop ang aming mga daliri. Mas lumapad pa ang aking ngiti sa ganoong sistema namin at napansin rin iyon ng mga tao pagkalabas namin ng mansion.
Third Person's Point of View
Kasalukuyang ipinagdaraos ang kaarawan ni Leander. Habang lumalalim ang gabi mas dumarami pa ang mga bisitang dumarating.
Masayang nagtitipon ang lahat lalong lalo na si Caroline. Walang katapusan ang kanyang pagngiti. Masaya siya dahil sa kanyang nararamdaman para kay Leander. Nasasabik na siyang maging official na sila mag-on kapag silang dalawa na lang.
"Good evening, everyone." Bungad ng ama ni Leander kasabay ng malakas na palakpakan ng karamihan. "I would like to introduce to you my son, Leander King Rojero and...." Natigilan ito sandali at nagawi ang tingin nito sa kinaroroonan ni Caroline. "His future fiance, Miss Caroline Faith Quililan."
Pinapupunta niya ang dalaga sa stage katabi ng anak nito subalit nahihiya siya. Kaya't inalalayan siya ni Leander para makaakyat roon. Labis ang kaba na kanyang nararamdaman. Hindi siya sanay humarap sa ganoong karaming tao.
Maya't maya nagsipalakpakan ang lahat lalo na ang kaibigan niyang si Joanne, ang lola at mga kapatid ni Caroline. Maliban sa isang babae na si Chelsea na masama pa rin ang tingin nito sa kanya. Napansin iyon ni Cedric pero muling binalik niya ang atensyon sa dalaga.
Matapos ang speech nagsiupuan na rin sila Caroline, Evander at ang mga magulang nito. Naupo ang dalaga sa kinaroroonan ng kaibigan habang si Leander naman ay naroon sa mga relatives nito. Ayos lang sa binata na hindi sila magkatabi sa ngayon dahil mamaya susuliton niya iyon..
"Huy!" Biglang kalabit ni Joanne kay Caroline dahilan para lingunin siya nito. "Ikaw na babae ka wala man lang sinabi sa akin na kayo na pala ni Sir." Napakunot sandali ang noo ng dalaga.
"Hindi pa kami." Diretsang saad ni Caroline subalit hindi naniwala ang kaibigan.
"Anong hindi? Kunwari ka pa diyan." pagmamaktol ni Joanne. "Ang daya mo di man lang ako nasabihan, tzk."
"Hindi pa nga talaga. Sinabi lang iyon ni Tito pero wala pang kami." Nalilito pa rin ang kaibigan subalit wala ng balak pang magpaliwanag si Caroline dahil naiilang siya sa ganoong klaseng usapan.
Sa kabilang dako, napansin ni Cedric ang biglaang pagtayo ni Chelsea sa tabi nito pero hinayaan na lang niya ang kaibigan dahil baka kakain lang 'yon.
Malapit ng magbadya ang isang pangyayari na hindi inaasahan ng lahat. Isang pangyayaring hirap paniwalaan.
Maya-maya pa napag-isipan na rin ni Cedric kumuha ng pagkain nang makita niya si Chelsea naglalakad patungong stage at kumuha ng mic.
"Ano naman ba ang gagawin niya?" Naiinis na saad ni Cedric sa sarili kaya nagawa niyang bitawan ang platong hawak nito.
"Chel, ano nanaman ba 'to?" Sigaw niya na nakapukaw ng atensyon nang marami lalo ni Leander.
"Hello everyone. I am here just to announce about...." Naputol ang sasabihin nito nang magsalita muli si Cedric para pigilan ito sa balak ng paninira ng kaarawan ni Leander.
Wala siyang ideya sa plano nito pero ramdam niyang may gagawin nanaman itong hindi kanais-nais.
"Chel, please. Hayaan mo muna magsaya ang lahat?" Pagpapakumbabang tugon ni Cedric subalit nagpatuloy pa rin ang kaibigan nito sa sasabihin.
"Anyway, madali lang itong announcement. Hindi naman ako gaano magtatagal. To make this fast, sasabihin ko na." sabi nito kasabay ng pagtitig kay Cedric, sumunod kay Caroline at pinakahuli kay Leander.
"Ano nanaman ba 'to, Chelsea? Wala kang patawad pati ba naman kaarawan ko sisirain mo pa?" Naiinis na sambit sa kanya ni Leander.
"Don't worry, Lean. Pagkatapos nitong announcement, mas magiging masaya ang birthday celebration mo at mapapasalamatan mo rin ako." Nakangising saad ni Chelsea at tinititigan niya ulit si Caroline saka muling ipinagpatuloy ang kanyang sasabihin.
"Alright, di ko na papatagalin pa." dugtong ni Chelsea. "I would like you to know that my best friend Marinela Guanzon is alive."
Nagulat ang karamihan sa sinabi nito. Nawala ang ngiti ni Caroline sa kanyang narinig at bakas naman sa mukha ni Cedric ang pagkamuhi kay Chelsea.
"Mari, lumabas ka na diyan. This is the night for Leander and you." Napalingon ang mga bisita sa isang babae na naglalakad palapit ng stage.
Natulala si Leander matapos makita niya at malaman na buhay pa ang dating kasintahan habang patuloy sa pagluha naman si Caroline matapos makita ang kanyang kamukha.
Biglang naglakad palapit ang binata kay Marinela at niyakap ito nang napakahigpit. Isang eksenang di na kinaya pang panoorin ni Caroline kaya nagmadali siyang tumakbo palayo sa lugar. Kaagad siyang sinundan ni Cedric, ni Joanne pati ang lola at mga kapatid nito na may bakas na pag-alala at pagkalito.
"Caroline!" Malakas na sigaw ni Cedric sa dalaga para lingunin siya nito subalit nagpatuloy lang ang dalaga sa pagtakbo.
"Carol, apo." saad ng kanyang lola at kaagad siyang inalalayan ni Joanne. "Nako, baka ano na mangyari sa apo ko."
"Sino po iyong babae na kamukha ni ate?" Naluluhang sambit ni Candy habang nakakapit ito sa kanyang lola at sa mga kapatid.
"Bakit siya niyakap ni Sir Leander?" Nag-alala at nag-usisang tanong ni Cipher.
"Ang mabuti pa, Joanne pakihatid mo muna sila sa kanilang bahay. Ako na ang bahala makipag-usap kay Caroline." Mabilis na tumango ang kaibigan ito.
"Sumakay na lang kayo ng taxi." dugtong pa nito.
"Paano si Carol. Di pa namin siya kasama pauwi." Nag-alalang saad ng lola ng dalaga.
"Huwag na po kayo mag-alala, lola. Ako na bahala sa apo niyo." Malumanay na paliwanag ni Cedric sa mga ito.
"Sino ka naman?" Tanong muli ni lola.
"Kaibigan po ako ni Caroline." muli niyang tugon. "Joanne, ihatid mo na sila pauwi. Hahanapin ko na siya." huling tugon ng binata saka iniwan na ang kaanak ng dalaga at tumango kaagad ang kaibigan.
"Lola, uuwi na po tayo. Huwag po kayong mag-alala. Mamaya, makakauwi na rin si Carol sa inyo nang ligtas."
Kaagad napakumbinse ni Joanne ang lola at mga kapatid ng kanyang kaibigan.
"Ano ba talaga nangyayari, Ate Joanne." Nag-uusisang tanong ni Cipher.
"Mamaya ko na lang sa inyo ikukwento." kasabay ng pagsakay nila sa taxi para makauwi.
"Nasaan na ba siya?" nag-alalang saad ni Cedric habang kanina pa siya naglalakad palibot sa lugar.
"Caroline, where are you? Nandito ako. You can talk to me and I will listen. Please magpakita ka na." Patuloy niyang pagsisigaw subalit hindi niya pa rin nakikita ang dalaga.
Mahigit dalawa't kalahating oras na siyang naglalakad palibot nang may naririnig siyang humahagulgol. Hinanap niya kaagad iyon sa kung saan nagmumula ang boses hanggang sa matunton niya si Caroline.
Nakaupo ito at nakayuko gamit ang tuhod.
"Finally, I found you." Medyo nahihingal na sambit ni Cedric at natigilan saglit si Caroline sa pag-iyak.
Tintitigan niya ang binata nang masama, "Masaya ka na?"
"Anong sinasabi mo?" Mabilis na tanong ni Cedric sa dalaga. "Sa palagay mo kung natutuwa ako sa nangyayari hindi ako magtitiyaga pang hanapin ka."
Lalapitan na sana niya ang dalaga pero itinaboy siya nito palayo.
"Sa palagay mo maniniwala ako? Hindi ako tanga. Alam kong pinalano niyo ito lahat." sabi ni Caroline habang patuloy pa rin siya pagluha.
"Wala akong alam sa nangyari." Paglilinaw ng binata pero di pa rin sapat para maniwala sa kanya si Caroline.
"Liar. Iisa lang kayo. Iisa lang ang layunin niyong dalawa. Ang masira at mapahiya ako sa ibang tao saka ang mailayo ako kay Leander, di ba?" Sigaw ng dalaga.
"Dati siguro, oo pero di na ngayon." Muli niyang paliwanag.
Sarkastikong napatawa si Caroline sa sinabi ni Cedric, "Alam kong taktika mo lang 'yan para makuha mo pa ang loob ko. Pero di mo ako maloloko kaya't nag-aaksaya ka lang ng oras dito. Umalis ka na, alis." Pagtataboy muli ni Caroline kay Cedric subalit hindi nagpatinag ang binata.
"Hindi na nga ngayon. Mahirap bang paniwalaan? Nagbago na ang lahat nang...." Tumigil siyang saglit sa sasabihin at pinikit ang mga mata. "It changed when I realized na hindi ikaw iyong klaseng babae na magloloko kay Leander."
Napangisi si Caroline, "Talaga?"
"Oo!" tugon ni Cedric at muli niyang lalapitan ang dalaga nang tumayo na ito sa kinaroroonan.
"Hindi pa rin ako maniniwala kaya umalis ka na lang." saka ng napag-isipang iwanan ni Caroline si Cedric.
Wala siyang sa mood makipagtalo pa lalo na labis siyang nasaktan sa kanyang nakita at nalaman. Akala niya na magiging masaya siya ulit pero nabigo nanaman siya. Hindi maiwasan sisihin ni Caroline ang tadhana kung bakit naging malupit sa kanya ito at kung bakit ipinagkait siyang magmahal?
Hindi na alam ni Caroline ang gagawin. Balisa na siya dahil sa sobrang pagkabigo. Inaasahan na niyang magiging masaya na siya pero ang masakit naging rebound lang siya ng binata. Hindi rin niya kinaya kung gaano kasaya si Leander nang makita ang ex-girlfriend nitong inaakalang namatay na.
"Hindi kita titigilan hangga't di mo ako pinaniniwalaan." Muling giit ni Cedric dahilan para lingunin siya ulit ni Caroline.
"Kailanman hindi ako maniniwala sa isang taong ilang beses nang siniraan at hinusgahan sa mga bagay na di ko ginagawa. Kaya umalis ka na. Di kita kailangan."
Nagsimula ng naglakad ang dalaga habang patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Mga ilang sandali pa ay halos di na siya nakahinga at binalot ng dilim ang kanyang paningin.
"Caroline." Sigaw ni Cedric kasabay ng pagsalo niya sa dalaga.