Pumikit ako sa sobrang pagod na naidulot sa akin ng gabing ito.
Ramdam ko ang malakas na simoy ng hangin at rinig ko rin ang malakas na hampas ng dalampasigan na siyang nagbigay ng takip sa malalakas kong ungol.
Habang hinahabol ko ang hininga ko ay tumabi sa akin si Ethan, at napalingon ako sa kanan ko.
Mukhang pagod din ito, isang oras ba naman ang bakbakan namin.
Tumingin siya sa akin at inangat ang ulo ko para ilagay ang kamay niya. Sabay binaba ito para ipatong ko ang ulo ko sa kamay niya.
"You're so good at this," bulong niya habang hinahawi ang buhok ko.
"Thank you for tonight," dagdag niya.
Napayakap naman ako sa kanya sa hiya at saya na rin. Magkadikit pa rin ang aming mainit na katawan pero napansin ko na tulog na ang kanyang armas pero may kalakihan pa rin ito kahit nakatulog. Kailangan ko na rin sigurong ipikit ito at puro nalang armas niya ang tanging laman ng isip at nakikita ng mga mata ko.
Pumikit ako para damhin ang sarap ng pakiramdam sa saglit na ito at di ko na namalayan na nakatulog na ako.
~~~
Nang imulat ko ang mga mata ko ay tanghali na. Dahan dahan akong bumangon sa kinahihigaan ko at nag muni muni muna bago ako tuluyang tumayo sa kama.
Pumasok na ako ng banyo para makapag handa na ako pauwi.
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako. Habang nag aayos ako sa salamin ay may nakita akong bracelet na nakalagay sa ibabaw ng table na may note na:
"Youre so good last night."
Nahiya ako sa nakalagay dito dahil alam kong kay Ethan galing ito. Napaka ganda ng binigay niyang bracelet.
Hindi ko man alam ang eksaktong halaga nito ay alam kong mamahalin ito dahil napapalibutan ito ng diamond.
"Wow!" pagkamangha kong sabi.
Hindi ko muna ito sinuot dahil parang hindi ko naman deserve ng bracelet na ganito kagarbo at kamahal.
Sa tabi nito ay nakaopen ang lalagyan ng bracelet kaya naman ay dito ko nalamang muna ito nilagay at sabay nilagay ko na sa aking bag.
Muli akong bumalik sa pag aayos. Pagkatapos nito ay lumabas na ako ng room ko at dumiretso sa lobby dala ang mga gamit ko.
Nang makalapit na ako sa lobby para mag check out ay nakasabay ko sila Mike at Jane.
Iba ang tingin sa akin ni Jane, parang nang aasar na may gustong malaman.
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at umikot papunta sa tabi ko.
"At nasan naman nagpunta ang prinsesa kagabi? Huh?" Mataray niyang tanong sa akin na nakataas pa ang isang kilay nito at naka cross ang mga kamay animo nag iimbestiga ng isang suspek.
Hindi ako makatingin sa kanya ng matagal at medyo nahihiya akong sabihin kung ano ang totoong nangyari kagabi at kung sino ang kasama ko dahil alam kong may crush si Jane kay Ethan kaya hindi ko muna dapat ito sabihin kahit kanino.
"May nag aya sa kanya kagabi," pairing na sumbat ni Mike kaya napatingin ako sa kanya at kay Jane na mukhang guilty sa pangyayari.
Bakas sa mukha ni Jane ang OA na reaksyon na medyo nakakatawa.
"Ha?!" pa inhale niyang expression at napatakip pa siya ng bibig.
Pinalo ko naman ang kamay niya dahil sa OA niyang reaksyon.
"Wala yun!" pa dismiss kong sagot sa mga tanong nila.
"Girl, kilala kita. Alam na alam ko kung pano ka magsinungaling. Ayan o bakas na bakas na sa mukha mo. Ayaw mo lang sabihin." Diretsahang sumbat ni Jane sa akin na nakaturo pa ang kamay sa mukha ko.
Hinawi ko ulit ito at napangiti nalang sa kanya.
Agad akong lumapit sa lobby dahil kami na ang nakapila at dali akong nag check out.
"Mauna na ako!" dali dali kong sabi sa kanila at di ko na sila nilingon.
Nagulat naman si Jane sa kamamadali ko.
"Huy! Sophie! Teka lang! Ma'am check out na rin po~" nagmamadaling sabi ni Jane.
Binilisan ko na ang paglalakad ko at nakalabas na rin ako, pero walang kahit anong masakyan sa labas.
Naririnig ko naman sa likod ko ang malakas at papalapit na sigaw ni Jane.
"Sophie! Sophie! Teka!"
Aligaga na ako dahil ayoko munang ikwento kay Jane kung anong nangyari kagabi at gusto ko na talagang takasan siya.
Tumakbo ako habang nakatingin kay Jane sa di kalayuan nang biglang napa busina ang kulay black na magarbong kotse na muntikan akong mabangga.
Hindi tinted ang kotse nito kaya kita mula sa labas kung sino ang nasa loob ng kotse.
Nanigas ang mga paa ko sa gitna ng daan ng makita ko ang tao sa loob.
Si Ethan. Nag skip ang t***k ng puso ko dahil sa muli kong pagkakita sa mukha nito. Ngunit nagising ako sa katotohanan nang biglang bumusina muli ang sasakyan at galing ito sa katabi niyang babae. Pinindot nito ang busina at tumingin sa akin gamit ang malilisik niyang mga mata. Parang hinusgahan agad ang pagkatao ko.
Maya maya pa ay bumaba ito ng kotse at kita nga sa kanyang pananamit na may kaya ito. Pure black dress at may hikaw at necklace din na napapalibutan ng diamond. Napaka ganda niya, yun nga lang ay parang nararamdaman ko na na hindi maganda ang awra niya.
Lumapit ito na parang mabangis na leon na handa na akong lamutakin.
Tumigil ito sa harap ko, mga nasa dalawang hakbang lang ang layo namin sa isa't isa.
Napatingin ito mula ulo hanggang paa ko. Katulad na lamang ng pagtingin sa akin ni Jane kanina. Pero bakit mas mapanglait ang tingin nito sa akin, hindi tulad ng kay Jane na pang aasar lang. Medyo hindi ko na nagugustuhan ang mga tinginan nitong babae na ito.
Nakahalukipkip ang mga kamay nito sabay sabing ~
"Are you blind?" na may nakakainsultong tono.
Hindi ako makasagot sa kanya sa di maipaliwanag na dahilan.
Dinagdagan niya pa ang panlalait sa akin ng sabihin niyang ~
"'Cause if you're not, then why can't you see your ugly outfit." Sabay tawa sa aking harapan.
Lumapit ito sa akin hanggang makalapit sa tenga ko saka siya bumulong.
"Move your ugly feet. We don't have time for such a poor person like you." At tsaka siya humarap muli sa akin at nginitian ako.
Hindi pa rin ako makagalaw. Nag simula nang mag init ang pakiramdam ko at naninikip na ang puso ko sa galit at insulto na ginawa ng babaeng ito sa akin. Nagpapawis na rin ako at gusto ko nang sampalin ang taong ito at nang gusto ko na nga siyang mabawian ay nagulat ako sa malakas na pag busina ni Ethan.
Lumingon uli ang babae at tsaka sinabing ~
"Go on, move aside. My boyfriend and I have other things to do." Tsaka ito umalis at sumakay na ng kotse.
Bumusina muli ang kotse at buti na lamang ay hinili ako ni Jane sa gilid ng daan dahil mabilis nang umarangkada ang kotse ni Ethan kasama ang girlfriend niya.
"Okay ka lang?" tanong ni Jane habang hawak pa rin ang damit ko sa likod.
Hindi ako makapag salita dahil sa nangyari.
"Loko yung mga 'yun ah."
"Mga baliw!" pahabol na sigaw ni Jane sa kotse.
At hinila niya na ako papunta sa kotse ni Mike na nakahanda na pala sa harapan namin.