Habang nasa loob ako ng sasakyan ay tanging talsik lang ng ulan at makulimlim na kalangitan ang aking nakikita.
Kasabay nito ang malungkot na araw na siyang nagpabago ng magandang gabi ko.
"Ano bang nangyari kanina, Sophie?" naaatat na tanong ni Jane sa tabi ko, tumingin ako sa kanya at napatingin din ako sa harap kung saan mga mata ni Mike ang nasa reflection ng salamin. Tila gustong malaman din kung ano ang nangyari.
Binigyan ko lang sila ng malamig na tingin. Nahihiya pa rin kasi akong aminin kung anong nangyari saming dalawa ni Ethan.
May karapatan ba ako sa kanya? May karapatan ba akong mag selos dahil ngayon ko lang nalaman na may girlfriend pala siya?
May karapatan ba akong magkimkim ng sama ng loob dahil hindi niya man lang pinaalam sa akin na may mahal siyang iba at nakipag s*x pa siya sa akin? Ano bang karapatan ko? Sino ba ako para makaramdam ng ganitong galit at poot?
"Si Ethan ba yung kanina?" biglang tanong ni Jane na may halong galit ang mga tingin.
"Pano mo alam?" hindi ko mapigilang sagot na siya namang mas lalong nag pa init ng ulo ni Jane.
"Ano bang nangyari kanina? Sabihin mo lang at makikinig kami," dugtong pa niya sabay tingin sa salamin kung saan nakadikit ang mga tingin ni Mike habang nag da drive.
Maya maya pa ay tumigil siya sa pag da drive, na stuck na pala kami sa traffic.
"Paano ba 'yan Sophie, we don't have anything to talk about kundi yung ganap sayo kanina?" pabirong sabi nito.
Kaya naman ay wala na akong nagawa para mag kwento.
"Una sa lahat, mag promise muna kayo na hindi niyo ikwe-kwento kahit kanino ang mga sasabihin ko." Tinignan ko silang maiigi na parang isang leon na may pag babanta.
"Promise, I swear." Sagot ni Jane na may pa sumpa pa ng kanang kamay.
Tumingin ito kay Mike at sumenyas na gawin din ito.
"Pro- Promise." Napipilitang sabi ni Mike sabay naputol ang seryosong pag uusap namin.
"At mangako ka rin Jane na hindi ka magagalit." pilit kong kulit na sabi kay Jane sa likod ng kotse habang hawak ang mga kamay nito.
"At bakit naman ako magagalit aber?" nakakatawa niyang sagot.
"Unless, inamin mong mas sexy ka sakin, magagalit talaga ako no." Napatawa niya kami ni Mike.
Huminga ako ng malalim at ini ready ang sarili sa mga reaksyon nila.
"May nangyari sa amin ni Ethan." Nagmamadali kong sabi habang nakapikit ako at kinakabahan.
Habang inaantay ko ang reaksyon nila nang nakapikit ay wala ni isa akong narinig na reaksyon, tanging ang patak lang ng ulan at mga busina sa labas ang narinig ko kaya nag pasya akong imulat ang aking mga mata.
Pag dilat ko ay bakas sa mga reaksyon nila ang pagkagulat. Nakatakip ang mga kamay ni Jane sa kanyang bibig habang nakasandal ito sa salamin at medyo malayo na ang pwesto niya sa akin.
Nang lumingon naman ako sa harap ko ay nakatingin lang sa salamin si Mike na parang naging balisa na hindi na gumalaw ang mga nito na nakatitig na sa akin.
"Alam ko, alam ko. Hindi kapani paniwala pero yun ang totoo. Kung hindi kayo maniniwala, edi don't pero yun ang totoo." Nag pupumilit kong depensa sa kanila.
"AHHHHHHHHH!"
Nawindang ako sa tili ni Jane, kala mo ay nanalo ito ng mega jackpot sa lotto.
"Sophie! I'm so happy for you."
"Hindi ko man natupad ang pangarap ko na mag ka jowa ng Oppa, may kaibigan naman akong nakatupad nito para sa akin! AHHHH!" Kinikilig na sabi at sigaw ni Jane at may pa yakap pa ito na parang ayaw na akong pakawalan dahil sa achievement ko.
Well achievement nga ba talaga ito para sa isang tulad ko? O isa lang itong swerteng karanasan na hindi na mauulit muli?
"Teka, teka, teka lang." Naiirita kong sabi sa kanya habang kumakawala ako sa mahigpit na pagka yakap ni Jane at medyo naitulak ko siya ng bahagya.
"Bakit?" tanong niya.
"Feeling ko hanggang dun lang yun. At hindi na ulit mauulit." Malamig kong sumbat habang nakatingin ako sa malayo.
"Wala akong pag asa sa kanya. Sino ba naman ako para mahalin niya. Siguro sa akin niya lang nailabas ang kalibugan niya kagabi kaya iyon, ako naman itong uto uto na bumigay dahil lang sa kagwapuhan niya."
"Sophie, hindi mo dapat sinasabi yan. Ma swerte ka nga dahil nadiligan ka ng isang Korean Oppa, e ako hindi na nga madiligan puro mga palamunin pa nag kakagusto sa akin."
"May girlfriend siya~" biglaan kong sagot kay Jane para matigil na ang kahibangan niya sa love life ko.
Tumingin ako sa kanya at nagulat din siya sa sinabi ko.
"Yung hayop na yon? E cheater pala yung walang hiyang yun eh." Naiinis na sigaw ni Jane sa loob ng kotse.
"At girlfriend niya yung kaninang nakasagutan ko." Naalala ko nanaman ang panglalait na ginawa ng babaeng iyon sa akin.
"Ano namang sinabi ng babaeng yon sayo? Nilait ka ba niya? Minaltrato? Ano?" Tanong ni Jane.
Tumingin lang ako sa kanya at parang napupuno na ang mga mata ko ng luha kaya naman ay bigla nalang akong niyakap ni Jane.
Alam na alam din ni Jane kung paano mag console ng isang tao dahil sensitive din ito at magaling makiramdam. Palabiro man minsan at medyo may matigas na personality ay di maitatangging may malaki rin siyang puso para sa mga kaibigan niya.
"Wag kang mag-alala marami pa diyang iba. At tsaka hindi lang siya ang Korean Oppa na makikilala mo no, mas marami pang ibang gwapo. Hindi siya kawalan sa buhay mo. Toxic siya, kaya kalimutan mo na siya."
Niyakap ko ng mahigpit si Jane, kahit na hindi ganon kabigat ang luha na bumagsak sa mga mata ko.
Pakiramdam ko ay dahil din siguro hindi pa na develop ang pag mamahal ko ng tuluyan kay Ethan. Siguro ay infatuation lang ito at dala na rin siguro ng kalibugan at dahil sa kanyang kagwapuhan?
"Tama si Jane, Sophie. There are still other guys out there who are far better than Ethan." Sumbat ni Mike.
"Other guys look at girls because of their bodies, they thirst and lust about women. But there are other guys who will love you unconditionally."
"Why don't you consider looking for those guys, instead of looking for guys who are just handsome or popular."
"Give chance to others ba as they say. Malay mo, you'll soon find that kind of guy who you wouldn't expect to be your lover."
Naantig naman ang puso ko sa mga heartwarming na mga salita mula kay Mike. Hindi ko rin inexpect na magiging ganito kalalim ang usapan namin dahil ngayon lang ata kami nagkausap ng seryoso tungkol sa love life, kaming tatlo.
Dahil hindi kami masyadong mahilig makialam sa business ng iba, well ako oo, pero ewan ko lang kay Jane.
Pero parang lalo tuloy mas naging mataas ang standards ko sa mga lalaki. Na mas gusto ko na lang yung mga typical guy na talagang makikita mo sa mga puso nila na hinding hindi ka sasaktan at tanging gagawin lang sayo ay mamahalin ka ng buo at ipapa ramdam sayo ang walang hanggang kasiyahan.
Well, since galing din ako sa long time relationship pero niloko pa rin ako at naghanap ng ibang babae na mas maganda, may kaya at mas sexy sa akin, hindi na dapat ako nagtataka kung bakit ganon na lamang ang trato sa akin ni Ethan.
Parang walang nangyari sa amin kagabi. Ni hindi man lang niya ako nginitian at tinignan ng matagal. Ang tingin niya pa sa akin ay nakakababa ng loob kanina. Mas lalo tuloy nag init ang ulo ko dahil sa kakaisip ng pangyayari kanina.
Gusto ko na tuloy siyang kalimutan agad.
Lahat na ng galit at sakit muli kong nararamdaman ngayon. Ngunit bigla itong natigil nang may nag text sa akin,
Galing sa unknown number.
"Let's meet again soon.
E.K."